66 Levi

1.6K 107 14
                                    

Hinayaan na lamang niya ang kanyang cellphone na tumunog ng tumunog. Kanina pa iyon. Kung sino man ang tumatawag ay wala siyang balak na sagutin ito. Tumigil ang pagring noon upang magvibrate muli pagkatapos ng ilang segundo. Naiinis niyang dinampot ang aparato bago pa man iyon malaglag sa mesa niya. Hindi niya namalayan na nakapaglakbay na pala iyon hanggang sa gilid. Naiinis niyang binasa ang caller. It was Quinn.


"Oh, ano?" sabi niya na punong-puno ng iritasyon ang boses pagkatapos niyang i-tap ang answer button sa cellphone.


"Kanina pa kita tinatawagan. Saan ka na?"


"Sabihin mo kung anong kailangan mong sabihin at marami akong ginagawa ngayon. I don't have all the time in the world."


"You should have cleared your schedule today." muling sagot ng kanyang kaibigan. "At gabi na pare, bakit busy ka pa? Hinahanap ka ni Yuki sa akin. Alam mo namang hindi ako hanapan ng mga nawawalang gamit." He surely heard his friend's tone nang bigkasin nito ang huling salita. Nakuha na niya kaagad kung ano ang gusto nitong iparating.


Yuki? Upon mention of the woman's name reminded him of the event tonight. Napausal siya ng isang unfiltered language nang maalala niya ang occasion ngayon. Quinn answered him with another cuss. "Bilisan mo na lang at pumunta ka na dito. Hindi tuloy ako makakapagchix dahil hindi ako pinapakawalan ni Yuki hangga't hindi kita ilalabas na para bang itinatago kita.


Of course, tonight is Yuki's birthday night. Agad niyang pinutol ang tawag ng kaibigan at doon niya napansin na isa si Yuki sa umistorbo sa phone niya kanina. Muli siyang napamura at mabilis na pinasok ang extension ng kanyang opisina na nagsilbing silid na rin niya kapag hindi siya nakakauwi dahil sa dami ng trabaho.


Kinuha niya ang suit na sadyang pinagawa niya para sa okasyong iyon sa kagustuhan mismo ni Yuki. Mabilis siyang nagpalit ng damit at saka nagmamadaling umalis. Buti na lang at medyo malapit sa kanyang opisina ang pagdadausan ng party kaya mabilis siyang nakarating kahit na matrapik sa daan.


Levi was really really late when he reached the venue. Iginala niya ang kanyang paningin sa loob at nakita niya ang kaibigan na may kausap na babae. Kahit minsan talaga ay hindi na nagpigil ang Quinn na ito. Halos alam na niya kung ano ang susunod na mangyayari. Quinn would go out with that woman sa kalagitnaan ng party and he would know where they will be going and doing next. Ganyan katinik ang kaibigan niyang iyan.


Napansin niyang saglit na natigilan ang babae at bumaling sa katabi nitong camera. That was when he realized what the woman is about to do. Kukuhanan siya nito ng litrato. Isa pala ito sa magkocover sa birthday partyng iyon ni Yuki. Hinayaan na lamang niya ang mga ito nang muling harapin ng babae si Quinn.


Lumihis siya ng daanan. Imbes na dumiretso kina Quinn ay minabuti niyang dumaan sa gilid at dumiretso sa harap kung nasaan ang birthday girl.


"Hello." mahina niyang wika kay Yuki nang makalapit siya dito.


Lumiwanag ang mukha ng dyowa niya at saka siya binigyan ng isang mahigpit na yakap. "Akala ko hindi ka na pupunta. Hindi mo sinasagot ang tawag ko."


"Happy birthday." he replied. "Pasensiya na kung ngayon lang ako. May appointment kasi ako kanina. Hindi ko alam na matatagalan iyong matapos."


"Ok lang iyon." masiglang sabi ng babae. "Ang mahalaga ay nandito ka na. Kailangan mong tapusin ang party para makabawi ka sa akin."


"Of course! Of course." aniya na natatawa. Hinugot niya ang regalo niya mula sa bulsa ng kanyang coat at inilabas iyon. "Happy birthday again."


Mas lalong lumiwanag ang mukha ng babae. Nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa hawak-hawak niya. Binuksan niya iyon. It was an emerald necklace.


"Oh my!" bulalas ng babae. "This is very beautiful!" And Yuki hugged him again. Sinubukan niyang ilibot ang kanyang paningin sa paligid to see the people's reaction. Tuwang-tuwa silang pinapanood ng mga guests. Maliban kay Quinn at sa babaeng kasama nito na nagtatawanan lamang. May sariling mundo ang mga ito.


Saka lang niya napansin kung sino ang kausap nitong babae. Hindi siya nagkakamali.


She must be Savannah. Kahit matagal na hindi niya ito nakikita ay alam niyang si Banang ito. She is still as gorgeous as ever. And boy, she is sexier than before. Tuluyang pinaganda at pinasexy ito ng panahon. Naiinis lang siya sa paraan ng pakikipag-usap nito kay Quinn. And they are laughing like they have their own world.


"I must wear this."


Mabilis niyang binalingan si Yuki nang marinig ang boses nito. Kumalas na pala ito sa kanya ng yakap. Tahimik niyang inilabas ang kuwintas at siya na ang nagsuot sa dalaga.


"Maraming salamat dito." Yuki said and cupped his face. She tiptoed and before he can say anything, he felt her lips brushing against his. Narinig niya lamang ang palakpakan ng mga tao. It was a brief yet very torrid. Well, ganyan naman si Yuki palagi. Kahit nakangiti siya ay hindi niya maiwasang mapatingin kina Quinn at Savannah. Napansin niyang nag-uusap pa rin ang mga ito at tila hindi nasaksihan ang ginawa sa kanya ni Yuki.


"Halika." muling sabi ni Yuki at hinawakan ang kanyang kamay. "I will introduce you to my parents."


Nakilala na rin niya ang mga magulang at ibang kapamilya ni Yuki. Kahit sa pagkakataong kausap niya ang mga ito ay hindi niya mapigilan ang sarili na mapatingin sa kinaroroonan nina Quinn at Savannah. Just like a while ago, the two have their own world. Bigla siyang nacurious kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Savannah even caught him staring at them. Mas lalo siyang nainis nang mapansing wala man lang trace ng recognition sa mukha nito.


Pagkatapos ng ilang sandali ay muntik na siyang lumapit sa mga ito nang makitang parehong lumabas ang dalawa sa venue. He uttered a secret curse. Hindi niya alam ang kanyang gagawin nang tuluyang mawala sina Savannah at Quinn at sa paningin niya. Ayaw niyang isipin kung saan ang susunod na pupuntahan ng mga ito. He will not definitely like it.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon