Nagising si Savannah sa sobrang sakit ng kanyang ulo. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang sakit na iyon. Tatayo sana siya pero mas lalong nakaramdam siya ng sakit kaya ipinasya niyang humiga muli. Memories of last night started to flood her mind.
Pagkatapos ng party sa Harrison ay nagpasya silang magkakaibigan na ituloy ang kanilang reunion. They have decided to go on some drinks to celebrate their long years of friendship. Jake did not stay long since his wife is calling him. Si Myla ay nakisabay na rin which happens to have the same subdivision as Jake kaya ang lalaki na ang naghatid dito.
Ang usapan nilang chill-chill lang ay nauwi sa mas wild at mas deep na gabi. Nagsimula na kasi silang magbar-hopping. Unti-unti ring nagpapaalam ang kanilang mga kasamahan. Ang huli niyang matandaan ay siya, si Patring, si Ryan, si Cara, si Pacoy, si Dodong at si Levi na lang ang magkakasama. Wala na siyang maalala pa. Hindi niya alam ang susunod na nangyari at hindi niya rin alam kung paano siya nakauwi sa kanyang bahay at kung paano siya nakarating sa sarili niyang kuwarto.
Pinilit niya pa ring bumangon sa kabila ng sakit ng kanyang ulo dulot ng matinding hangover. Muntik pa siyang mapatili nang mapansing iba na ngayon ang kanyang suot. Who would have changed her clothes last night?
Nasagot kaagad ang katanungan sa isip niya nang mapansin niya ang kanyang kama. Parang naukopa ang kanyang tabi. Dinampot niya nang unan doon at inamoy. A familiar scent entered her senses. A scent that never aged even after how many long years. Mabilis niyang binitiwan ang unan at dumiretso sa pintuan.
Sa paglabas niya ay nahagip ng kanyang mga mata ang couch. May nakasampay doon na coat, long sleeved polo, slacks at saka necktie. Katabi ng mga ito ang dress na ginamit niya kagabi.
Na-terrorize lalo ang isip niya at mas lalong sumakit ang kanyang ulo nang maalala niya kung sino ang may suot ng mga iyon kagabi. It cannot be!
To confirm her suspicions, nagmamadali niyang tinungo ang hagdanan. Sumalubong sa kanya ang mabangong amoy na nanggagaling sa kanyang kusina. Somebody is using her kitchen. And the smell of the food twisted her tummy. Biglang siyang natakam. Pero bago ang lahat kailangan niya munang alamin kung totoo ang nasa kanyang isip.
She stood at the entrance mesmerized by the sight she beheld. Tama ang kanyang hinala. Si Levi Sullivan lang naman ang nakapasok sa kanyang bahay at nangingialam sa sarili niyang kusina. Nakatalikod ito sa kanya habang may ipiniprito. He is dancing while singing Bon Jovi's Livin' on a prayer with spatula in his hand. He even looked so sexy wearing nothing but a white sando that fits perfectly in his torso and a black sexy boxer brief that outlined his shapely sexy butts. Her apron looked good on him. She gulped while watching this beautiful creature.
Napansin yata nito ang kanyag presensiya dahil bigla itong tumigil sa pagkanta at pagsayaw at saka lumingon sa kanya. Biglang siyang nagsisi kung bakit hindi muna siya nagsalamin kanina bago siya bumaba. Paano na lang kung sabog na sabog ang kanyang buhok? Pasimple niyang isinuklay ang kanyang mga daliri sa buhok niya.
"Hi." Nakangiting bati nito. "Good morning." Lumapit ito sa mesa at ipinanghila siya ng isang upuan. "Come and sit. Magkape ka muna habang tinatapos kong lutuhin itong sinangag."
Hindi niya sinunod ito kahit napansin niyang maraming mga pagkain ang nakasaing sa mesa. May pritong hotdogs, itlog, sandwiches, slices ng hinog na manga, at ang mabangong umuusok na kape.
"Sorry. Pinakialaman ko ang ref at mga gamit mo. And I could not find your bread toaster kaya ganyan ang sandwich."
"I don't toast my sandwiches." Mahina niyang sagot at saka umupo sa upuang hinila nito. Nagbalik ito sa niluluto nito. When he's done, ito na rin ang nagsaing at inilapag sa mesa. Humila na rin ito ng upuan at saka sinamahan siya sa pagkain.
"What are you doing here?" tanong niya rito bago siya kumagat sa kanyang sandwich. Iniwasan niya ang mapa-'hmmmm' sa sarap ng pagkakagawa niyon. "At paano ako nakauwi kagabi?"
"You passed out last night. Ako na ang naghatid sa iyo dito."
Tinitigan niya ito. Kumagat siya muli sa sandwich at saka muling nagsalita. "And by that, you mean, ikaw na rin ang nagpalit ng mga damit ko?" Sumiklab ang konting galit sa kanyang dibdib nang maimagine kung paano siya nito binihisan.
"Oh that." anito at saka napangiti ng nakakaloko. "Huwag kang mag-alala. Sumunod na rin sina Patring at Cara dito with their boyfriends, and of course, there's Dodong. Sina Patring at Cara ang nagbihis sa iyo."
Napatingin siya palabas ng kusina. Could it be that her friends are still here? "Nasaan sila ngayon?"
"They left last night after nilang masigurong maayos ka na."
"So, what are you still doing here? Bakit hindi ka na rin nakisabay sa kanila?"
"I wanted to. No, I mean, sasabay na rin sana ako sa kanila pero pinigilan mo ako. You asked me to stay."
Natigilan siya muli. "I can't remember anything like that. At bakit naman kita sasabihang manatili rito?"
"I don't know." Levi replied. Nakangiti na naman ito na parang tuwang-tuwa." Tanungin mo sina Cara at nasaksihan din nila ang sinabi mo sa akin na manatili muna. Sila na rin ang nag-insist na maiiwan ako."
"So, lumalabas na nagpaloko kayo sa isang delirious at lasing na babae."
"Well, I couldn't leave you. You said 'please' and I just can't ignore that last night."
Inubos ni Savannah ang kanyang sandwich bago niya binalikan ang binata. "Where did you sleep?"
This time, si Levi naman ang natigilan. "Do I need to answer that?"
"Of course!" pasinghal na sagot niya.
He sighed. Obviously, a fake one. Napansin niya kasing tumatawa ang mga mata nito. "In your own bed, beside you, in a different pillow, and the same blanket."
Hindi siya makapaniwalang tumitig dito ng matiim. "I hate you! Get out of my house!"
Hindi ito nagpatinag. Kampante itong humigop ng kape at saka isang ngiti ang muling pinakawalan. "Kumain ka muna Savannah Ismael. Mamaya na tayo mag-usap."
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...