Kanina pa hindi umiimik si Levi at nagagalit na si Banang. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang kasintahan. Mahigit isang linggo na silang may relasyon. At talagang patago pa rin sila kung magkita. Ayaw kasi nilang magkaroon si Banang ng hater's club sa dami ng mga babaeng may gusto sa boyfriend niya.
Tuwing break nila ay palihim silang nagkikita sa University Canteen. Gaya ngayon. But, today is different because Levi is up to something. Hindi ito nagsasalita at alam niyang galit din ito.
"Anong problema?" hindi siya nakatiis na tanong dito.
"Ikaw. Tanungin mo iyang sarili mo." matabang nitong sagot.
"Bakit ako?" gulat na bulalas niya. "Wala akong matandaang ginawa ko sa iyo."
"Kung wala, sino ang nakita kong kasama mong pumasok sa school kanina?"
Bigla siyang natahimik at pilit na inisip kung sino ang kasama niyang pumasok kaninang umaga. Nang wala siyang maalala ay ay muli niyang binalingan si Levi. "Wala akong maalala."
"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. At nagdedeny ka pa ngayon."
"Hindi kita maintindihan. At hindi ko maalala kung sino ang sinasabi mo."
Inis na inis na deniscribe nito ang sinasabi nitong kasama niya. Biglang siyang natawa nang mapagsino ang sinasabi nito.
"Stop laughing! Magsorry ka."
"Bakit naman ako magsosorry. You must be talking about my brother."
"Brother?" gulat na tanong nito. This time ito naman ang nabigla. "May kapatid ka pala."
Biglang lumiwanag ang mukha nito at saka hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Sorry. Natakot kasi ako nang makita ko kayo kanina. Hindi man lang pumasok sa isip ko na kapatid mo pala siya."
"Ok lang sa akin. Ang cute mo talaga pag nagseselos. Huwag kang mag-alala. Sasabihin ko naman sa iyo kung may kasama akong lalaki maliban sa iyo."
"Kailan mo ako ipapakilala sa kapatid mo?"
"Kilala ka na niya. Idol ka nga nun eh. Ang galing-galing mo daw magbasketball. At isa pa hindi pa niya alam na tayo na."
Natahimik na lang si Levi at ipinagpatuloy ang pagkain. Maya-maya ay biglang dumating sina Pacoy at Cara. Magkaholding hands ang mga ito pero nang makita sila ay bigla na lang bumitaw sa isa't-isa. Walang nagawa ang mga ito kundi lumapit na lang sa kanila.
"Hello guys." bati ni Cara. "Anong ginagawa niyo dito." Nakiupo na rin ito sa kanilang puwesto.
"We're doing some interviews." mabilis na sagot ni Banang. "Kayo?"
"Akala ko matagal nang tapos ang interview na iyon." kunot-noong sabi ng kaibigan sa halip na sagutin ang kanyang tanong.
"Yes." si Levi ang sumagot. "Matagal na ngang tapos iyon."
Nanlaki ang kanyang mga mata at pinandilatan ito. Sinenyasan niya itong tumahimik. Pero parang hindi siya naintindihan ng lalaki.
"As you can see, we are on a date." anunsiyo ni Levi na may napakatamis pang ngiti. Kung hindi niya siguro napigilan ang kanyang sarili ay baka pinukpok na niya ito ng kutsara at tinidor.
"So, tama nga ang sinabi sa akin nina Patring at Dodong." nakangiting sabi ni Cara.
Nagulat siya sa narinig. "Bakit ano bang sinabi sa iyo ng dalawang iyon?"
"Na kayo na raw. Na palagi daw kayong nagkikita dito para magdate. Na nakita rin daw nila kayong naghahalikan. Na ihinahatid ka ni Levi palagi sa inyong sakayan."
"What?!" she shouted in shock. Samantala si Levi at Pacoy na natatawa. "That's not true."
"Anong not true ka diyan?" sita sa kanya ng boyfriend. "Totoo ang mga iyon Sav. Nalaman din naman pala ng mga kaibigan mo, bakit pa natin itatago?"
"Tama si Levi. At meron ding ebidensiya sina Patring. Magugulat ka kung makikita mo ang mga pictures at videos niyo na nakuha nila."
"What?! May scandal kayo tol?"
Isang sapok ang ginawad ni Cara kay Pacoy. "Ang bastos naman nito. Porke't video ay scandal na kaagad."
"Malilintikan ang dalawang iyon sa akin." poot na wika niya.
"Enough of us." mamaya ay ani Levi. "Umamin na rin naman kaming dalawa. Kayo naman? Hindi pa ba kayo aamin?"
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" kunwari ay wika ni Cara.
"We saw you holding each other's hand." pagpapatuloy naman niya. "Huwag niyong sabihing wala lang iyon. At baka gusto mong magtatanong din ako kina Dodong at Patring."
"Oo na." mabilis na pag-amin ni Cara. "Kami na ni Pacoy."
"Yun naman pala. Kailangan pa niyong itago."
"Eh, ano kayang tawag sa ginawa niyo?"
"Oo na."
Doon ay biglang lumitaw sina Dodong at Patring na pumapalakpak. Lumapit ang mga ito sa kanila. Pareho pang nakataas ang mga phones ng mga ito at halatang kinukunan sila ng video.
"Mga baliw talaga kayo." gigil na sabi ni Banang.
"Kasalanan mo girl." resbak ni Dodong. "Palagi mo kasi kaming iniiwan at gumagawa ka pa ng kung anu-anong mga alibis. Lingid sa iyong kaalaman ay sinusundan ka namin at nasaksihan namin ang patago niyong pag-iibigan nitong si Lovidabs ko."
Inambaan niya ito ng kanyang kamao.
"Ok. Ang possessive mo gurla. Iyong-iyo siya, ano ka ba?"
"At isa pa itong sina Cara at Pacoy." singit naman ni Patring. "Kunwari ay nag-aaway at nagbabangayan pero pag walang nakakakita ay kung anong kakababalaghan ang ginagawa."
"Anong kababalaghan ka diyan?" reklamo ni Cara. "Wala kaming ginagawa no?"
"Sige girl, deny pa. Baka akala mo. Mas marami kaming nakuha ni Dodong na videos niyo. At alam din namin kung kailan naging kayo."
"You're so mean!" hiyaw ni Cara. "Kayo din naman ni Ryan."
Natawa si Patring. "That's not true. Wala kang ebidensiya. At puwede ba ayaw ko sa bombay na iyon." She flipped her hair and faced Dodong. "Tara na Dods. Maiwan muna natin ang mga lovebirds."
"You're right. Kailangan nating mag-isip ng ipapagawa sa kanila para hindi makalabas sa publiko ang kababalaghan na ating mga nasaksihan."
"That's blackmail!"
"I know Savs. I know." nakakalokong sagot ni Patring. "Bye for now."
At saka nawala ang mga ito.
"Kailangan nating makabawi sa mga iyon. Alam ko talagang may something kina Patring at Ryan eh."
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...