Kinabukasan ay maagang nagising si Banang at naghanda papuntang school. Napag-isip-isip niya kagabi na walang silbi kung aalis siya sa Harrison Univ. That school already became her home for years. Hindi niya basta-bastang iiwan iyon.
At marami na siyang memories na ibinigay ng school. And her friends, si Patring na kagaya niyang makulit at maganda, si Cara na tahimik pero may saltik sa utak, at si Dodong aka Dodang na uto-uto. She can't manage to leave them.
And one more thing, bakit siya magtatransfer out dahil lang sa isang lalaki? No way! Kahit masungit yung editor-in-chief niya ay naeenjoy naman niya ang pagiging writer ng school paper nila. She will not leave. The fight continues!
At kahit ilang Levi Sullivan pa ang makakaharap niya, hindi siya uurong. Mayroon siyang warrior spirit at wala siyang inuurungan kahit kasin-sama ng nemesis niyang si Levi na iyon. Tuloy ang laban!
Maaga siyang nakarating ng school. Nakatanggap kasi siya ng text message mula sa Supreme Student Government (SSG) president nila na gusto siyang makausap muli ng principal. Pagpasok niya sa gate ay nakasalubong niya muli sina Rex at Yanyan. Lately ay palagi niyang nakikita ang dalawa. Tila nag-aaway ang mga ito. Kinausap niya ang mga ito saglit bago nagpaalaman. They really look good together. Totoo kayang magkaibigan lang ang mga ito? Sa nakikita ni Banang ay tila magkasintahan na ang dalawa.
Well anyways, saka lang niya chichikahin si Ate Yanyan kung matiyempuhan niya ito minsan sa kanila. Yung principal na lang muna ang poproblemahin niya.
Pagdating niya sa tapat ng office ay kumatok muna siya. Ang nakangiting mukha ni Mrs. Dantes ang bumungad sa kanya.
"Good morning po Maam."
"Good morning Savannah. Maupo ka."
"Ano pong meron Maam? Bakit niyo po ako pinatawag?"
"I called for you to ask for an apology for what happened yesterday. Hindi ko intensiyon na sabihin ang mga iyon. I was trying to tease you and Mister Sullivan. Hindi ko naman akalain na ganoon pala ang galit mo sa kanya."
Nagulat siya sa pinagsasabi nito. Bakit ito magsosorry sa kanya? Sila naman talaga ang may kasalan ni Levi kung tutuusin.
"Maam, ako dapat po ang magsosorry sa sinabi ko kahapon."
"That's alright. Teka lang, nag-usap na ba kayo ni Levi?"
"Nag-usap? Hindi po. Bakit po kami mag-uusap?"
"Hay naku! Yung batang iyon talaga. Inamin niya sa akin kahapon na kasalanan niya ang nangyari. Pinayuhan ko siyang magsorry sa iyo."
"Ganoon po ba? Hindi pa naman niya ako nakakausap." At duda siyang gagawin iyon ng talipandas na lalaki. Mas malaki nga yata ang pride nito sa ulo nito.
Yun lang, at wala ng ibang sinabi ang principal. Umalis na siya sa opisina nito at hinanap ang kanyang mga kaibigan.
Tinext niya ang tatlo para tanungin kung nasaan ang mga ito. At tulad ng kanyang inaasahan, si Cara lang ang nagreply. Alam niyang tinatamad si Dodong na replyan siya kasi hindi siya 'one of the boys' nito. Si Patring naman ay sure na siyang wala na naman itong load. Ganyan ang kaibigan niyang iyon. Para hindi raw ito makareply sa bombay na text daw ng text sa kanya, eh wala naman daw itong utang.
So yun na nga, sinabi sa kanya ni Cara na nasa gym daw ang mga ito. May game daw ang basketball team ng school nila against another school's team. Wala daw muna silang klase ngayon para makapagcheer sila.
Puno na ang gym pagpunta niya. Hinanap niya ang mga kaibigan. Nakita niya ang mga ito sa bandang unahan ng bleachers. May bakanteng space na tila nakalaan sa kanya. Patring and Cara are waving at her. Si Dodong naman ay ayun at halos lumuwa ang mga mata habang nakatitig sa mga pawisang players. That friend of her is hopeless!
"Buti naman at nandito ka na." sabi ni Cara at nakipag-apir sa kanya. Ganoon din ang ginawa ni Patring. Samantalang si Dodong ay hayun at hindi yata napansing nakalapit na siya sa mga ito.
"Ang galing-galing ng team natin." ani Patring nang makaupo na siya. "Lalo na ang captain na si Levi. Nakita mo sana kung paano siya nag lay up kanina."
"Ay tama ka Patring!" Sa wakas ay may lumabas na mga salita sa bibig ni Dodong na kanina pa nakabukas. "And he was so hot! Kahit pawisan siya ay ang ganda niya pa ring tingnan."
"Ang morbid mo talagang mag-isip Dodong!"
Natahimik sila nang makita nilang inagaw ni Levi ang bola mula sa mga kalaban at mabilis na nagdribble then made a clean lay-up. Napuno ang sigawan ng gym.
Pati siya ay naimpress. In fairness, kahit masama ang ugali ni Levi ay magaling itong magbasketball. Buti na lang. At nagsimula na siyang humanga sa lalaki.
And Dodong is right. Levi Sullivan is so hot! Sa suot nitong jersey shirt at shorts ay talagang lumitaw ang kakisigan nito. He was so beautiful in his outfit. Ang pawisan nitong katawan ay tila nakadagdag sa itsura nito. And he has muscles! And boy! Look he's strong!
Mabilis niyang itinikom ang nakanganga niyang bibig baka mapansin pa siya ng mga kaibigan. Lihim niyang sinermunan ang sarili. Ang kalaban ay kalaban! And no matter how hot the enemy is, hindi siya dapat papaapekto.
First time niyang napanood ang laro ni Levi. At isa lang ang napansin niya rito. Kung ano ang ikinagaling nito sa basketball ay siya namang ikinasama ng ugali nito. Hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng pang-aalipusta nito sa kanya.
Bigla siyang napatingin sa mukha nito. Napansin niya na nandoon pa rin ang pasa nito. Pero bakit ganoon? Imbes na pumangit ito dahil sa kanyang suntok ay tila mas nadagdagan ang itsura nito dahil sa pasa nito sa mukha. Hindi maaari!
"Ok ka lang?" biglang tanong sa kanya ni Cara. Napansin yata nito ang kanyang pagkabahala.
"Ah, oo." sagot niya. "Ngayon lang kasi ako nakapanood ng kanilang laro. At magaling din si Pacoy hah. And Joel and Kit too. Si Miguel ba yung nakaupo? Sino ang kasama niya doon sa bench? At sino itong kasama nina Joel na naglalaro?"
"Tama ka diyan. Si Timmy ang isang nasa court." Si Patring na ang sumagot dahil napansin niyang nakatutok ang atensiyon ni Cara kay Pacoy. "Si JV at saka si Mike ang kasama ni Miguel sa bench. Hindi ko kilala yung dalawa."
"Hindi ko yata makita sina Jake at Ryan."
"Hindi mo talaga makikita dahil hindi naman basketball player ang mga iyon."
"Ay, akala ko kasama rin sila."
"Parehong sa baseball sina Ryan at Jake. Hindi kasi sila puwede sa basketball kasi bansot sila."
"Si Ryan lang ang pandak." singit ni Dodong. "Huwag mong idamay si Jake sa galit mo sa boyfriend mo Patring. At talagang mas magaling sina Jake at Ryan sa baseball kaysa sa basketball."
"Hindi ko siya boyfriend!" Nagsimulang magtalo ang dalawa. Sila naman ni Cara ay napapailing na ipinagpatuloy ang panonood.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
MizahLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...