Kanina pa hindi mapakali si Savannah. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nagbibiling-baliktad sa kama. Maraming mga bagay ang pumapasok sa kanyang isip. And she really and totally bothered. Sa dami ng mga bagay na naiisip niya ay patungkol lamang ang mga iyon sa iisang tao. Isang taong nasa malapit lang. Isang taong nasa labas lang ng kuwarto na kinalalagyan niya.
It was a wonder to her kung ano ang huli nitong sinabi. Parang ipinaparating nito sa kanya na mayroong something sa kanila ni Jake. Did that Levi just told her na may namamagitan sa kanila ni Jake? At ang pagkakasabi ng sira-ulong iyon ay tila matagal nang may something sa kanila ng kaibigan nito. Saan kaya nakakuha ang kumag ng ideyang iyon?
Savannah almost screamed her frustration. Buti na lang at nahagip niya ang isang unan at doon niya pinakawalan ang kanyang pagsigaw. Tila naman nakatulong ang ginawa niya dahil biglang naglaho ang kanyang iniisip kanina. Nahalinhan iyon ng isa pang alalahanin which of course involves Levi again.
Kanina pagpasok niya sa silid ay narinig niya ang ingay ng lalaki bago niya naramdaman na lumabas ito ng cottage. Nang sumilip siya ay wala na ito sa loob. Buti na lang at naisipan pa ng binata na isara ang pinto.
Pagkatapos ng isang buntong-hininga ay napahiga siya sa kama at pilit na nagpaantok. Pero taliwas sa mga sinabi niya kanina na inaantok siya dahil pagkabagsak niya ng sarili sa kama ay hindi naman siya kayang dalawin ng antok. Isang oras mahigit ang nakalipas nang marinig niya ang ingay sa labas. Senyales iyon na nagbalik na si Levi. Hindi siya nag-aksayang bumangon para tingnan ito. She just sighed when the cottage went still. Nang wala ng ingay na marinig ay pinilit pa rin niyang matulog. Then, she failed again. That was when those bizarre thoughts about that Sullivan guy bothered her. At mahigit dalawang oras na siyang ganoon.
About that moron, kumusta na kaya ang kalagayan nito ngayon? Saan kaya ito nahiga? Nakatulog na kaya ito? Biglang nakaramdam si Savannah ng konsensiya. Naisip niya kasi na walang ibang maaaring pagtulugan ni Levi kundi sa upuang papag. Napabangon tuloy siya ng wala sa oras.
Nagmamadali siyang lumabas ng silid. Ang balak niya sana ay silipin lamang kung ano kalagayan ni Levi pero nag-iba iyon nang madatnan niya ang kahabag-habag nitong itsura. Nakahiga nga ito sa papag. Pilit nitong isiniksik ang sarili sa upuang iyon. Dahil matangkad ito ay lumambas ang mga paa nito sa dulo ng papag. He looked bothered. Wala itong kahit na kumot, unan, o sapin sa papag. Halatang hindi ito sanay na matulog sa matigas na higaan.
Hindi na siya nagdalawang-isip. Nilapitan niya ito at maingat na tinapik sa balikat. "Hey!"
Nang hindi ito matinag ay napilitan niya itong yugyugin. "Levi!"
He opened his eyes lazily only to close them gain when he noticed her. Muntik niya itong suntukin. Siya na nga ang nagmamagandang loob. Siya pa ang nai-snub.
"Hoy!" aniya at malakas na tapik ang ginawa sa tiyan nito.
"Aww!" hiyaw nito na biglang nagising at agad na napaupo. "What do you want?"
"Ahmm." she smiled guiltily. "Lumipat ka na sa loob. Kawawa ka naman dito."
"Hindi ako kawawa." sagot ng binata. "Nakita mo naman na nakaulog na ako kanina. You shouldn't have woken me up. At kung lilipat ako sa loob, papano ka?"
Bigla siyang natigilan. She did not intend to share the bed with him right? Pero wala ng atrasan. After all, she did not wake him up para lamang makipag-argumento dito. "M-maybe we can share. Tama, share tayo. Malaki naman ang kama."
Isang nakakalokong ngiti ang biglang sumilay sa mga labi nito. "I don't like the way your mind works."
She rolled her eyeballs. Naghanap siya ng bagay na maari niyang maibato dito dahil sa inis. Mas lalong umangat ang pagakakangisi ni Levi na tila nalaman ang kanyang iniisip.
"I was just joking." anito at nagmamadaling napatayo. Nabigla pa siya nang maunahan siya ng lalaki sa pagpasok sa silid. Naiinis na naman siyang sumunod dito.
Natigilan siya sa pagpasok nang mapansing hindi pa humihiga ang lalaki. Nakatayo lang ito sa paanan ang kama. Mas lalong naterrorize ang isip niya nang makita itong itinaas ang kamiseta. Nagbuburles ito! Sa harapan niya mismo! Damn!
"Hoy!" hiyaw niya at mabilis na sinugod ito. "What do you think you're doing?"
Hindi ito sumagot. Nagawa na nitong tanggalin ang suot na shirt. Tumambad sa kanya ang mamasel nitong katawan. Mabilis siyang napatalikod. "Magdamit ka."
Tumawa lang si Levi. "You're behaving like a virgin. Parang ngayon ka lang nakakita ng hubad na lalaki."
"Because I am!" malakas niyang sigaw. Hindi lang iyon ang unang beses niyang makakita ng hubad na lalaki. But she is still definitely a virgin! "At ano bang masama kung virgin ako."
"Nothing." ani Levi. Nakatingin ito sa kanya nang mapalingon siya. May napansin siyang kakaibang kislap sa mga mata nito. At ang ang ngiti nito ay totoong-totoo. "Just stay that way. And anyway, I won't rape you. Malibang ikaw ang may masamang balak sa akin. Hindi lang talaga kasi ako nakakatulog na may saplot sa katawan."
How dare this man to insinuate that she is interested in his body! "Pass! Matutulog na nga ako." Nauna na siyang nahiga sa kama at mabilis na nagtalukbong ng kumot. Ilang minuto ang nakalipas pero wala siyang naramdamang humiga na rin si Levi. Napilitan siyang tingnan ito.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung ano ang ginagawa nito. He unsnapped his jeans and about to remove it from his body.
"Hoy! Ano naman iyang ginagawa mo?!"
"Hindi nga ako nakakatulog na may damit."
"Bakit kanina sa labas ay nakatulog ka?"
"Ibang kaso iyon."
"Huwag mong ipilit na tanggalin iyang pantalon mo kung ayaw mong pabalikin kita sa labas."
Levi groaned. He left his jeans unsnapped and joined her in the bed. Muli siyang nagtalukbong ng kumot at pinakiramdaman ito. Ilang saglit lang ang lumipas nang marinig niya ang paghinga nito bilang tanda na natutulog na. Doon na rin siya nakaramdam ng antok.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...