It is really good to be back. Katatapos lang ng bakasyon ni Banang at excited na siyang bumalik sa kanyang trabaho. She was given two-week vacation by her boss. Kahit ayaw niya ay pinilit siya nina Rex at Yanyan. Iyon ay pagkatapos ng matagumpay niyang ubra. Iyon ay ang pagcover sa mga nasalanta ng bagyo.
Wala siyang nagawa kaya napilitan siyang nagbakasyon. Para samahan siya ay pinilit niya ang mga kaibigan. Malugod naman siyang sinamahan nina Patring, Cara at Dodong. Nagkaroon sila ng girls' out-of-the-country trip to Maldives. After two weeks ay masaya silang nagbalik sa Pilipinas.
Nagbalik na sa kanya-kanyang trabaho ang mga kaibigan niya. Siya naman ay papunta na ngayon sa opisina ni Rex para magreport at sabihing nakahanda na siyang magtrabaho muli.
Isang masayang Vina ang sumalubong sa kanya. "How's your vacay?"
"Wonderful." she exclaimed at saka iniabot dito ang isang paper bag."For you."
"Nakakahiya naman sa iyo." sagot ni Vina. "Nag-abala ka pa. Ano ba ito?"
"Galing Maldives. White sand. Pasalubong ko para sa iyo."
"Palabiro talaga kayo. Pero salamat dito ah."
"No problem. Si Boss Pogi ba ay nandiyan?"
"Yes. Maaari ka sigurong pumasok. Hindi naman busy si Sir."
"Sige. Thanks. See you for a while."
Nakangiting tumango si Vina bago niya ito talikuran at pumasok sa opisina ni Rex. Gusto niya sana itong isorpresa pero siya naman ang nasorpresa. There is something going on inside.
Nakaupo sa executive chair nito si Rex habang nakakandong dito si Yanyan. Naghahalikan ang dalawa.
"Geeez!" malakas na bulalas niya. Pasimpleng itinigil ng dalawa ang ginagawa ng mga ito. "Why the two of you can't stop? Iyan palagi ang naabutan ko pag pumapasok ako dito."
Totoo iyon. It seems that these two can't get over with each other. Ilang buwan na ba ang nakalipas nang ikasal ang mga ito. Five? Six months? Hindi na niya matandaan. Basta na lang nila nalaman na ikinasal ang dalawa secretly. Siyempre marami silang nagtampo. And these two confirmed na pinaghahandaan pa raw ng mga ito isang engrandeng kasalan sa simbahan.
"Nakabalik ka na pala." Rex uttered. Tila wala itong pakialam na nakabalik na siya. Napansin niyang gusot-gusot ang polo nito. Bigla siyang nanibago. Akala niya may OCD itong lalaking ito, bakit ganito ang ayos nito ngayon?
Napangiti si Yanyan halatang nahulaan ang kanyang iniisip. "He's not himself lately. Wala na siyang pakialam kung magulo man ang suot niya. And that is because of me."
Napailing na lamang siya. Tingnan mo nga naman kung ano ang nagagawa ng pag-ibig. "Anyway, I am here to announce my great comeback. Kaya bigyan mo ako ng gagawin."
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...