Sorry sobrang late. Nakalimutan kong hindi ko pa pala napopost ito. Anyway, maraming salamat sa pagbabasa! Enjoy!
Her fears did not prevent her to reach Levi. Kahit nanginginig siya sa nerbiyos ay nagawa niyang makalapit dito.
"Saan ka pupunta?" she asked like a silly woman.
Ngayon ay si Levi naman ang nawalan ng imik. Katulad niya kanina ay nakatitig lang ito sa kanya at naghihintay ng susunod niyang sasabihin.
She sighed and cleared her throat. "I love you too."
"Excuse me?" He asked with verification. Then slowly his face started to brighten up. Napansin ni Savannah ang malaking pag-asa sa mukha nito. "You love me too? Did I hear you right?" Excitement and anticipation is very much evident in his voice.
"Oo." She answered. "I love you too. I love you Levi Sullivan."
"Oh my God!" Levi whispered. Bigla itong nagtatatalon. "She loves me too!" malakas niyang sigaw. All the witnesses cheered and shouted merrily. Si Levi ay napayakap sa kanya ng mahigpit.
"Iiyak na yan!" sigaw ng isang nanonood.
Natigilan sila pareho nang mapansin nilang pamilyar sa kanila ang boses ng sumigaw. Pinakawalan siya ni Levi at sabay nilang nilingon ang pinaggalingan ng boses.
"Iiyak na yan!" muling ulit ng sigaw.
Hindi nga sila nagkamali. It was Ryan who shouted. Nagulat pa sila ng makita nilang kumpleto ang mga ito. Nandoon din si Patring, si Pacoy, si Cara, si Dodong at si Jake na kasama ang pamilya nito.
"Anong ginagawa niyo dito?!" gulat na sita ni Levi sa kanilang mga kaibigan.
"Nakikinood." nakangising sagot ng mga ito nang sabay-sabay.
"Paano niyo ito nalaman?"
May itinuro si Pacoy. "He informed us."
Nang mapatingin sila sa tinutukoy nito ay nagulat sila nang mapansin nilang nandoon din sina Joel at Ryka who are watching them as well.
"Pinilit niya ako eh." sumbong ni Joel na ang tinutukoy ay si Ryka.
"Huwag niyo kaming pansinin." singit naman Ryka. "Ituloy niyo lang ang loving-loving niyo."
Sinunod naman ito ni Levi na muling humarap sa kanya. He cleared his throat before talking again. "Ehemm. Alam mo namang konserbatibo akong tao." Inilapit nito ang mukha sa tainga niya. Nakiliti siya nang magsimula itong magsalita. "Nakita mo na ang lahat-lahat sa akin. Natikman mo na rin ako. Ahm, ang ibig kong sabihin ay panagutan mo ako."
"Tse!" malakas na bulalas niya at napalayo sa tumatawang binata.
Nagulat na lang siya nang bigla itong nanahimik at nagseryoso. Slowly, he reached for his pocket. Kinabahan siya nang makita niya ang small velvet box na inilabas nito mula sa bulsa. Biglang nag-ingay ang paligid. Even the people are very excited. Then he knelt and slowly opened the box for her. It was a dashing diamond ring. "Will you marry me Savannah Ismael and be mine exclusively?"
"Marry him! Marry him! Marry him!"
Nainis si Banang nang marinig niya ang mga sigaw na iyon na tila nagrarally. Nang mapatingin siya sa pinanggagalingan ng mga boses ay nagulat siya nang makita niya sina Timmy, Kit at Miguel na palapit. May hawak pa ang mga itong malaking tarpaulin na may nakasulat na 'Banang, Will You Marry Levi?'
"Tumahimik kayo diyan!" sigaw niya sa tatlo na sinagot lang ng mga ito ng pagtawa. Mabilis na nagbalik ang atensiyon niya sa nakaluhod pa ring si Levi. "I am exclusively yours Levi." all-smile niyang sabi sa lalaki. "And yes, I will marry you!"
She looked down at him with so much love as he slowly slipped the ring into her finger. It fits her so perfectly. Now, she believes that she is the happiest woman on earth. Then she took his arms and pulled him up.
"Yes! She will marry me!" malakas na sigaw ng binata na tuwang-tuwa. He hugged him so tight.
"Kiss!" malakas na sigaw ni Patring mula sa audience. Sumunod naman ang mga tao at nagsimulang magchorus ang mga ito para manulsol ng halik.
"Hindi ba natin sila pagbibigyan?" Levi asked, grinning at her largely.
Well, he does not need her permission. Basta na lang bumaba ang mukha nito sa mukha niya at naramdaman niya ang paglapat ng kanilang mga labi. Langit na ang kapantay. All of the people clapped, whistled, and cheered for them.
"And they lived happily ever after." Bigla nilang narinig mula sa paligid. "Hala, tapos na ang palabas. Magsibalik na tayong lahat sa kanya-kanya nating mga gawain." It is Yanyan who is talking. Nagulat sila nang makita nila ito na kasama sa crowd with her husband.
"Ikaw ang lahat ng nagplano nito?" tanong ni Savannah kay Levi nang muli silang bumaling sa isa't-isa.
"Yes." He answered with pride. "Kinontrata ko ang buong terminal. Ang lahat ng mga tao diyan ay pasahero na willing daw akong tulungan. See, marami kaming nagmamahal sa iyo. Pero gusto kong ako lamang ang mahalin mo. Teka lang, puwera pala yung paglabas ng mga asungot na iyan hindi ko pakana iyon. Hindi ko nga alam kung bakit pati sina ate Yanyan at kuya Rex ay nandito rin. At hindi ko rin plano ang patarpaulin at pagrally nina Miguel."
"Ate Yanyan. Ayos ba ang ginawa namin?" narinig nilang wika ni Timmy sa background.
"Magkano naman ang talent fee namin?" si Miguel.
Natawa na lang silang dalawa sa kanilang mga naririnig.
"Wala kayong talent fee. Ang pangit ng timing niyo." wika ni Yanyan sa mga ito. "Dana, nakuhanan mo ba ng video ang lahat?"
"Tara na nga doon kay Joel. Nakita kong may kasama siyang chikababes?"
"Kapatid niya yata. Tara magpakilala tayo."
"Ryka is mine. So back-off." Joel hissed at Timmy, Kit, and Miguel.
Nang tumingin sa mga ito sina Levi at Banang ay napansin nilang nakayakap kay Ryka si Joel para mailayo kina Timmy. Ryka looked at them and gave them a thumb-up.
"Hayaan na natin sila." He whispered. "I have something in mind."
"What?"
"Takbuhan natin ang mga iyan."
"At saan naman tayo pupunta?"
"Anywhere we are alone. Na tayong dalawa lang."
"I like that."
She giggled. Kinuha naman ni Levi ang kamay niya at patakbo silang pumunta sa nakaparadang Ford Ranger nito.
"Nagtatanan ang love birds!" malakas na sigaw ni Dodong na siyang unang nakapansin sa kanila. Pero huli na dahil nakatakbo na ang sasakyan papunta sa langit.
*****
Kinagabihan, laman ng mga balita ang nangyari sa terminal ng bus. Marami ang nainspire sa proposal ng isang Levi Sullivan sa isang Savannah Ismael. Kinabukasan din ay front page ng mga pahayagan ang dalawa. Imbes na mga litratong galing sa camera ni Banang ay ang mukha na mismo ng dalaga ang laman ng mga broadsheets. The articles would tackle the inspiring story of a journalist who fell in love so hard. Stories that illustrate how Savannah became Levi's exclusively his.
FINALE
TO GOD BE THE GLORY!
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...