"Puwede mo ba akong samahan sa canteen?"Gusto niyang matawa sa favor na hinihingi nito. Akala niya kung napakabigat iyon. Nagpapasama lang naman pala ito sa canteen. Pero nangibabaw pa rin ang kuryusidad sa isip niya kaya hindi niya nailabas ang tawang nais kumawala.
Gaano man kasidhi ang katanungang naukit sa kanyang kaisipan ay hindi niya naisatinig ang mga iyon. Pumayag na lang siya na samahan si Levi sa canteen.
Nauna siya sa paglakad. Tila kasi walang balak na mauna sa kanya ang lalaki. Pinakiramdaman niya ito kung sumusunod. Nang makumpirma iyon ay ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Nakarating sila sa canteen na pinagtitinginan sila ng mga tao.
"Maraming salamat." saka lang sinabi sa kanya ni Levi nang makita nito sina Pacoy at Ryan sa isang mesa. "Would you want to join us first?"
Minabuti niyang tumanggi. Hindi niya kasi nagustuhan ang matatalim na titig sa kanya ng mga kababaihan sa canteen. Maglalibrary na lang muna siya bago pa man magtime. Wala kasi siyang makita kina Patring sa canteen.
Hinayaan na siya ni Levi pagkatapos niyang tumanggi. Hindi pa siya nakakalayo sa mga ito kaya narinig niya ang mga tawanan nina Ryan, Jake, at Pacoy bilang pagsalubong kay Levi.
"Naligaw ka na naman ba?" tanong ni Ryan dito. Malakas ang pagkakasabing iyon ng lalaki kaya nakarating sa kanyang pandinig. Mas lalong nadagdagan ang kuryusidad niya. Bakit naman maliligaw si Levi? She shrugged her shoulders and pursued her plan on going to the library.
*****
Ang mga araw na hindi pagkikita at hindi pagsasama nina Yanyan at Rex ay mas lalong nadagdagan. Yanyan became too busy with Paolo kaya hindi na niya gaanong napagtutuunan ang paghahanap sa kaibigan niyang nawala sa landas.
Another thing that made her to forget Rex for a while was the fact that her friend is somewhat enjoying Toni's company lately. Ilang beses niyang nahuhuli ang mga ito sa canteen na nagtatawanan. At base sa kanyang obserbasyon, masaya naman si Rex sa Toni na iyon. She guessed that Rex deserved to be with other women aside from her. Baka hindi na ito makakapag-nobya kung siya palagi ang kasama nitong babae. She gave him that chance.
Anyways, masaya naman siya sa piling ni Paolo kahit papano. At alagang-alagang siya ng binata. Hindi talaga siya nagkamali na sagutin ito.
*****
"Sir naman." maang na reklamo ni Savannah sa adviser ng school paper. "Wala namang ganyan dati ah."
"That's exactly the point Savannah." supla nito sa mga reklamo niyang sunod-sunod. "Wala nga ang ganito dati kaya kailangan nating ilabas ngayon."
"Pero-"
"No buts. No ifs neither." matatag na wika nito. "Alam kong papatok ito sa mga readers natin."
"Ok." aniyang napipilitan. Awtomatikong nalaglag ang mga balikat niya.
"Sabi ko nga ba at hindi mo ako tatanggihan." excited na muling sabi ni Mr. Concepcion. "I assure you. This project will surely serve its purpose."
"Sir." she uttered na may katatagan ng boses. "Maganda nga ho ang plano niyo at pumapayag po ako. Pero hindi po ako ang gagawa ng sinasabi niyong interview. Give me all the rest of the basketball players. I will interview them all but Levi."
"Ok." kibit-balikat na sang-ayon ni Mr. Concepcion.
Ilang sunod-sunod na buntong-hininga ang pinawalan ni Banang. Palabas na siya sa opisina ni Mr. Concepcion. Boung akala niya ay tapos na ang trabaho niya regarding the sports activities of their school. Hindi pa pala. At adviser nila mismo ang nagmungkahi na magpupublish sila ng isang magazine which will feature all the basketball players of their school.
It makes her sick thinking herself chasing those players. Karamihan pa man din sa mga iyon ay mga pilyo at maloko. At siya pa ang naatasang mag-iinterview. Buti na lang at pumayag si Mr. Concepcion na iinterview niya yung iba huwag lang si Levi. Natatakot siya sa maaaring kahihihinatnan kung muli siyang maiinvolve dito.
At yun nga, dahil one week lang ang ibinigay sa kanya, kailangan niyang magsimula sa araw ding iyon. She has many chasing things to do. Unahin na lang niya sina Joel at Miguel. Kaclose naman niya ang dalawa. Hindi rin siya mahihirapang maghanap dahil kablock niya ang mga ito.
Pumunta siya sa classroom nila. Hindi nga siya nagkamali, nandoon ang dalawa niyang hinahanap. Naghaharutan ang mga ito kasama ang mga classmates nilang babae. Lumapit siya sa mga ito saka tumikhim.
Awtomatikong napatigil ang mga ito sa pagtawa. Lumiwanag ang mukha ni Joel nang makita siya.
"Savs, ikaw pala." anitong nakangiti. "May kailangan ka ba?"
"Actually, oo." she admitted with a glint of shyness in her voice. "Puwede ko ba kayong mainterview ni Miguel."
"Interview?" bulalas ni Miguel. "Approve ako diyan."
"Para saan?" si Joel ulit.
"School publication." tipid niyang sagot. Nang mapansin niyang nakatingin pa rin ang mga ito sa kanya ay napilitan siyang magpaliwanag. "Ganito kasi iyon. Maglalabas kami ng isang issue ng magazine kung saan ifi-feature kayong mga basketball players. This was the first time na gagawin namin ito."
"That sounds interesting." Joel said. He found what she said amusing because his eyes are laughing involuntarily."Sinong nakaisip niyan? Bakit ngayon lang ginawa?"
"Actually si Sir Paul mismo ang nakaisip."
"Then, we need to start the interview immediately." atat na sabi ni Miguel. "Kailangan din ba ng picture diyan?"
Natawa siya sa biro ng lalaki. "Oh, why not! Hindi ko naisip iyon. Magpaschedule ako ng pictorial sa inyong lahat para minsanan. Well, I will take some random photos too. Pandagdag sa main portraits niyo."
"Masaya to!" dagdag na biro ni Joel. "First question miss."
And that was it. Nagsimula na sila sa mga tanungan. Masaya siya dahil naging maganda ang interview niya sa dalawa. Kahit makulit ang mga ito ay totoo namang nakakatawa ang mga sinasabi.
Two down. And it was perfectly fine. Umaasa siyang ganoon din kalight ang susunod niyang mga interviews. Pacoy is not a problem too. Kababata naman niya ang lalaki kaya ok lang na iinterbyu ito. Si Pacoy na lang ang ihuhuli niya. Si Kit na lang ang isusunod niyang kausapin.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...