Kinabukasan ay sina Timmy at JV ang hinanap ni Banang. Pumayag ang mga ito na magpainterview sa kanya. Naiilang nga lang silang tatlo dahil hindi sila masyadong close.
But in totality, the interview went fine. Nakuha niya ang lahat ng impormasyon sa mga ito ng maayos. Nang matapos siya sa sadya niya ay nagpasalamat siya sa mga ito. Si Pacoy na lang at tapos na siya. Naayos na rin niya ang interview niya kina Joel, Miguel, Kit, at Mike kagabi. Mamaya pagkatapos ng kanyang klase ay aayusin niya rin ang mga information na nakuha niya kina Timmy at JV at makukuha niya pa lang kay Pacoy. Bukas ay maari na siyang magsubmit. Then she's done. Tapos na sa assignment niya.
"I'll be needing stitches." pakanta-kanta pa si Savannah habang papunta siya sa History Park ng school. Nandoon kasi ang mga kaibigan niya at matiyaga raw na naghihintay sa kanya ayon na rin mismo sa mga ito.
Nadatnan niya ang mga kaibigan niyang nagtatawanan habang nakaupo sa isang bench. Nang makita siya ng mga ito ay mabilis siyang sinenyasan na lumapit.
"Buti naman at nakarating ka na." bungad sa kanya ni Cara. Kapansin-pansin sa mukha nito ang pagkainip. "Kanina ka pa namin hinihintay."
"Tama si Cara." dagdag ni Dodong na pairap siyang sinulyapan. "Ang tagal kaya namin dito. Saan ka ba galing?"
"Duty calls." nakangiti niyang sagot at naupo sa tabi ni Patring.
"Sa Volition ba yan?" tanong naman ni Patring na hindi naman kakitaan ng kahit konting pagkainip. "Panibagong assignment?"
"Yeah and it is somewhat tiring. Interview with the basketball players ito."
"Wow!" usal ni Dodong. Biglang nagliwanag ang mukha nito. Ang expression nito kanina ay tuluyan ng napalitan ng excitement. "Para saan iyan? Interesting yan ha."
"Maglalabas kasi ang Volition ng bagong magazine. This is to feature basketball players."
"Ay ang tarosh!" bulalas ni Dodong. Biglang lumuwa ang mga mata sa sobrang tuwa. "May mga pictures din sila sa magazine, I suppose. Gusto ko iyan. Kukuha ako ng maraming kopya pag nalabas na."
"Yup." Nakausap na rin niya kanina si Sir Paul kanina tungkol sa mga pictures. Siya na rin daw ang bahala doon. Ito na raw ang magsi-set ng date kung kailan ang pictorial.
"Masaya nga iyan." nakangiting komento ni Cara. "First time ah. And I really like the idea."
"Korak!" si Patring. Gamit ang daliri ay gumuhit pa ito ng malaking check sa ere. "At siguradong maganda iyan dahil ikaw ang naassign. Ang galing mo kaya friend. Oy, pahingi ako ng kopya ng pictures nila hah? Soft copy."
"Ay bet. Ako rin at kumuha ka ng half naked nilang pictures."
"Hindi women's magazine ang gagawin ng Volition, Dodong."
"Basta ako, picture lang ni Pacoy ang kukunin ko." ani Cara. Silang tatlo ay biglang natigilan. Sunod-sunod ang ginawa nilang pagtanaw rito.
"Bah ket?" painosenteng tanong ni Cara nang mapansin ang mga reaksiyon nila.
"Ano uli yung sinabi mo?" Patring mouthed. Her face is so full of amusement.
"Wala naman akong sinabi ah."
"Come on Cara. Ano iyong narinig ko? I heard you say Pacoy's name. Like this." Inulit ni Dodong ang sinabi ni Cara kanina. Gayang-gaya nito ang paraan ng pagkakasabi ng kanilang kaibigan.
"Hindi ah." kontra pa ni Cara. "Wala akong sinabing ganyan."
"Actually meron." It was her turn. Kailangan nilang mapaamin ito. Matagal niya kayang napapansin na may something kina Cara at Pacoy. "May namamagitan sa inyo noh?"
"Ay, likes ko ang tanong."
"Ok ok!" Itinaas pa ni Cara ang dalawa nitong kamay tanda ng pagsuko. "Nasabi ko nga iyon unintentionally."
"Ang taray ng lola. Big word ang unintentionally huh?"
"Di pa ako tapos bakla." saway ni Cara kay Dodong. "Nasabi ko lang iyon kanina. Makinig kayo, wala kaming relasyon ng Pacoy na iyon."
"Ows?" kontra pa rin ni Patring. Sa kanilang tatlo, ito ang pinakamahirap na kumbinsihin.
"Ows mo mukha mo. Wala nga kaming relasyon. Bahala kayo sa gusto niyong paniwalaan."
"Ay nagtampo ang loka. Alam mo rin palang magtampo noh?"
"Anong akala mo sa akin, bato? Nagtatampo rin naman ako paminsan-minsan. At saka, di ba may sasabihin sa atin si Dodong?"
"Ay oo nga pala. Nakalimutan natin kaagad kung bakit tayo nandito. Ano pala iyong sasabihin mo Dodong?"
At ganoon kabilis nabaling kay Dodong ang kanilang mga atensiyon. Si Cara ay nakahinga ng maluwag nang matanggal ang hot seat dito.
"Dodong, ano na iyong importanteng sasabihin mo at kailangang kumpleto pa tayo? Kinakabahan ako hah."
Biglang tumahimik si Dodong. Ang itsura nito ay parang naiiyak. Tuluyan ng naglaho ang kasiyahan sa mukha nito.
"Ay ano yan Dodong?" tanong ni Patring. "Simulan na ba naming umiyak? Huwag mong sabihing magdadrama ka? Baka hindi ko makayanan iyan."
"Patring ano ba?" saway ni Dodong. Halatang naiiyak na ito. Natahimik silang tatlo at sabay-sabay na kinabahan. First time ni Dodong na magkaganito. Ibig sabihin niyan ay importante talaga ang sasabihin nito.
"Guys." tuloy nito. Tuluyan ng nabasag ang boses. "Paano ko ba ito sasabihin?"
Tatlong kamay ang sabay-sabay na humawak sa balikat at likod ng baklita. Hinagod nila ito na tila sinasabing, everything's fine.
"Sabihin mo na." mahinang sambit ni Cara. "Makikinig kami sa anumang sasabihin mo. Hindi rin kami magkakamaling tulungan ka sa abot ng aming makakaya."
"Tama si Cara. Kaya nga tinawag tayong magkakaibigan. We have each other's backs."
"Guys, hindi na yata ako makakagraduate ng high school ngayong year."
"What?" sabay-sabay na bulalas nila. Nagkatinginan silang tatlo. Agad din nilang ibinalik ang kanilang atensiyon sa kaibigan nilang umiiyak na sa oras na iyon.
"Bakit naman?" tanong niya rito. Pumalahaw ito ng iyak na parang bata. "Wala kang pan-tuition? Maari ka naming pautangin. Di ba guys?"
"Tama si Banang."
"Hindi iyon. Rich kid ako mga teh."
Muntik na niyang itong masapok. Nasa gitna nga ito ng pagdadrama ay nakuha pang magbiro.
"Kung hindi iyon." Natigilan si Patring at tila nahulog sa malalim na pag-iisip. "Oh my God!" Nakuha na ni Patring ang buo nilang atensiyon. "May taning ang buhay mo?!"
"Hindi rin iyon. Ano ba?"
"Kung hindi dahil sa wala kang pera at hindi rin dahil may taning ang buhay mo, ano na ang dahilan?"
"Meron pa kayong hindi nasasabi."
"Ano yan. Feel mo lang ganoon? Tinatamad ka na? Ano?
"Hindi rin ganyan."
"Kung ganoon, anong dahilan?!"
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...