105 Levi

1.3K 66 7
                                    

"Tutulungan kitang hanapin ang sinisinta mo pero."


Napatingin si Levi kay Ryka nang marinig niya ang pabitin nitong sinabi. Sinasabi nga niya mula pa noong una na may kapalit ang pagtulong kuno nito sa paghahanap niya kay Savannah. By the way, magdadalawang oras na siya mula nang nakarating siya sa lugar na iyon pero wala pa rin siyang napansing senyales na nandoon nga kina Joel ang hinahanap niya. Nararamdaman tuloy niya na parang niloloko lang siya ng Ryka Mariana na ito.


So far, aminin man niya, he is, at the same time, enjoying her company. Hindi kailanman siya nabagot mula nang makasama niya ito. Si Joel ay hindi pa muling bumaba para pakisamahan sila. Ang tatay naman nito ay nagpaalam lang saglit para sunduin ang asawa na namalengke sa bayan. "Pero?"


"Pero." Isang makahulugang ngiti ang inilabas ni Ryka. "In return, you should help me also with Joel."


"What kind of help?"


"You two are friends so I believe that you can convince him na pakasalan na niya ako bago pa ako pumili sa mga sangkaterbang nanliligaw sa akin."


Tumawa na lang siya ng malakas. "Wow! Ang dami mo ring manliligaw ano?"


"Aba! Huwag mong maliitin ang beauty ko. Marami ring naaakit diyan noh? Malas nga lang nila dahil si Joel talaga ang gusto ko."


"Pero mas malas ka dahil hindi ka naman gusto ni Joel. How sad."


"Tse! Eh, kung hindi kaya kita tulungan sa paghahanap mo sa nag-AWOL mong pag-ibig?"


"Ryka, tapatin mo nga ako, nandito ba talaga si Savannah? Kanina pa ako rito ah. Wala pa akong nakikita sa kanya. Tapos yung sinabi kanina ni Joel na wala naman talaga dito si Savannah."


"Hay naku! Mapagbiro akong tao Levi pero hindi ako manloloko. Kaya nga hanggang ngayon, si Joel pa rin ang tinatangi ng puso ko. At saka isa pa, nandiyan lang sa tabi-tabi iyong si Savannah. Mamaya lang ay darating iyon."


"Sabi mo, tutulungan mo akong hanapin siya, ano pang ginagawa natin? Bakit nandito pa tayo at nakaupo? Hindi ba dapat ay hinahanap natin siya?"


Natigilan saglit si Ryka. She looked at him and shrugged her shoulders. "Huwag mo munang problemahin ang babaitang iyon. Lalabas din iyon pag napagod siya."


"Do you think she is hiding?"


"Duh? At bakit naman magtatago iyon? Levi, kalma lang ok? Hindi nagtatago si Savannah at hindi rin siya nawawala kaya huwag kang aligaga diyan. Ganyan talaga ang pag-ibig minsan. Kailangan mo munang maghintay sa mga bagay-bagay. Anong malay mo, mas maganda pa pala ang naidulot ng paghihintay mo kaysa naman sa pagiging impulsive mo. Kaya relax ka lang ok?"


"Bakit ikaw? Bakit hindi ka na lang maghintay para sa inyo ni Joel? Bakit habol ka pa rin ng habol sa kanya? You should practice what you preach."


"Ang dami mo talagang alam Levi." Natatawang wika ni Ryka, trying to recover from her downfall. "Kung maghihintay kasi ako kay Joel ay baka tumanda na akong dalaga pero hindi pa siya napapasakin. Kawawa naman ako pag ganoon."

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon