Banang took another turn. Nang masatisfy siya sa kanyang itsura ay saka lamang siya umalis sa harapan ng salamin. She'd better get going. Kanina pa sa sala nila ang mga kaibigan niya. Sinundo siya ng mga ito para siguradong makakapunta siya sa reunion party ng kanilang batch noong high school. Sa mismong Harrison University High School Gym magaganap ang pagsasalo. Wala nga sana siyang balak na pumunta dahil maraming oportinad para sa mga katulad niyang photojournalist ngayong linggo.
Mismong si Rex ang nagsabi na hindi siya papapasukin sa trabaho para lamang makaattend siya sa batch get-together party. Pero nagmatigas pa rin siya. Nakahilata siya sa kama niya nang bigla siyang gambalain ng kanyang mga kaibigan sa kanyang bahay. Parang nag-usap-usap ang mga ito na susunduin siya. And her friends are very clever enough to arrive at a very early time. In that way, wala na siyang nagawa kundi mag-ayos at sumama sa mga ito.
Pababa na siya sa hagdan nang marinig niya ang halakhakan ng kanyang mga kaibigan sa sala. Wala siyang ideya sa pinag-uusapan ng mga ito. Akala niya kanina ay sina Patring, Cara, at Dodong lang ang dumating. Hindi niya inakala na nandoon din pala sina Pacoy at Ryan.
"Here comes the queen!" sigaw ni Dodong nang makita siya sa puno ng hagdanan. Nagsitayuan ang mga ito at bawa't isa ay binigyan siya ng mga tinging paghanga.
"So, let's go." Nakangiti niyang wika sa mga ito. Wala siyang pakialam kahit na pinaghintay niya ang mga ito.
"You are stunning as always." Nakangiting salubong sa kanya ni Patring. She gave her a peek on the cheek intended to erase her make up. Tumawa lamang ito sa unsuccessful nitong attempt.
Sumunod na lumapit sa kanya si Cara. Yumapos sa kanya ang babae. "You will own the night for sure. By the way, are you somehow bringing a date with you?"
"Date?" tanong niya nang siya ay matilihan. Anong date ang pinagsasabi nito? Saka lang niya naunawaan na may kanya-kanyang pareha pala ang mga ito.
"I am good. Sasali na lang kami ni Dodong sa inyo para hindi halata na wala kaming kadate."
"Sounds fair." komento ni Pacoy. "So, shall we go?"
Tumango na lang si Banang at sabay-sabay na silang umalis ng bahay. Sa pamimilit ng kanyang mga kaibigan ay hindi na niya nagawang dalhin ang kotse niya. Nakisakay na lang siya kina Cara at Pacoy habang si Dodong ay sumabit kina Ryan at Patring.
Saktong magsisimula na ang programa nang makarating sila sa dating paaralan. Si Mrs. Dantes na principal noong high school sila ang sumalubong sa kanila sa entrance ng gym. Malakas at maganda pa rin ito sa kabila ng katandaan.
"Welcome ladies and gentlemen." Nakangiti nitong bati. "If I could still remember, you must be Patring and this must be Ryan. Both of you grew up perfectly. And you are Cara, is this Pacoy?"
"Yes ma'am." nakangiting sang-ayon ni Pacoy.
"Both of you are awesome as well. And of course, my favorite Savannah Ismail. My son's favorite employee as well. So how are you doing?"
"I am doing great ma'am." She replied with smiles on her face.
"And who is this lady with you?"
Lahat silang magkakaibigan ay natawa. Alam nilang pumapalakpak ang tainga ni Dodong dahil napagkamalan itong isang dalaga.
"He's no lady." mabilis na kontra ni Patring. "Si Dodong po yan ma'am."
Natawa na rin ri Mrs. Dantes. "Pardon me. You look beautiful Dodong. Anyway, make yourself welcome. Humanap na kayo ng sarili niyong mesa."
Sabay-sabay silang pumunta sa mesang katabi nina Joel. Kumpleto rin ang mga ito. Tulad nila ni Dodong ay wala man lang kadate kahit isa man lang sa mga ito. Nandoon din si Jake na siyang naunang nakapansin sa kanila. Ito ang una sa kanilang nagkaroon ng pamilya.
Ilang sandali lang ang lumipas nang magsimulang maghanap ang mga mata ni Banang. Parang may kulang. Hindi niya yata makita si Levi. Nasagot naman kaagad ang katunangan niya sa sarili nang makita ang isang pares na bagong dating. Lahat ng kanyang mga kasama sa mesa at sa katabi rin nila ay nakatingin sa mga ito? Sino ba kasi ang hindi maiintriga sa dalawa? Levi is dashingly handsome with his suit. Nakakapit sa siko nito ang isang babae which is equally sexy and beautiful. It was Myla. Banang will never forget the face of this woman.
Tumigil saglit ang mga ito para kausapin ang dating principal. Pagkuway nagpatuloy sa bandang harap at inukopa ang mesang hindi pa nauupuan. In an instant, the two stole the spotlight without any effort. Halos lahat ng mga mata ay nakatuon yata sa mga ito.
"Saan naman kaya nahagilap ni Levi ang bruhang iyan?" narinig ni Banang na hinaing ni Dodong. Gusto niya sanang sumang-ayon pero hindi na niya naibukas ang kanyang bibig at baka may masakit lang siyang sasabihin.
Hanggang sa magsimula ang programa formally ay hindi man lang inalis ni Banang ang tingin kina Levi at Myla. Siya naman ngayon ang umi-eksamin sa dalawa. Buti na lang at malayo ang mga ito sa kanila kaya hindi halata na pinapanood niya ang mga ito. Napansin niyang ganoon din ang kanyang mga kaibigan. Maging sina Pacoy, Ryan and the rest of the boys did not even stand up para batiin o pansinin man lang si Levi. Alam niyang hinihintay ng mga ito ang binata na kusang lumapit.
Somehow, she stopped studying the two when the former principal finished her opening remarks. May nagflash kasing video sa white screen. Biglang nag-ingay sa loob nang mapansing compilation iyon ng mga pictures noong high school pa sila. Banang remembered it very well na karamihan sa mga nandoon ay kuha niya lahat. Natutuwa siyang malaman na may nagtago pa pala sa mga litratong mga iyon.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...