Napansin niyang hinimas-himas ng walang-hiya ang nasaktang ulo nito na tinamaan ng kanyang sapatos. Galit na galit ito at humakbang para balikan siya. Pagod siya para makipag-away sa lalaki. Wala na siyang natitirang lakas.Levi Sullivan is way beyond her power this day. At wala siyang balak na makipagsagupaan dito. Alam niyang matatalo siya nito ngayon at ayaw niyang matalo. Never!
Levi is a campus figure. Lahat ng mga kababaihan ay nahuhumaling sa lalaki. Well, that excludes her from those shallow girls. And, not real boys are swooning over him too. Totoo naman kasing napakaguwapo nito. At base sa kanyang naririnig, mahihimatay ka daw pag ngumiti ito at lumabas ang nag-iisang dimple nito sa pisngi. Hindi kaya exaggerated iyon. Nakakatakot naman kung mahihimatay siya dahil lamang sa ngiti ni Levi. Ano bang meron doon? Baka may poison na lumalabas pag ngumiti ito.
Well, there is no way to find that out. Levi who is now approaching her is too far from smiling. Tila ito nakakamatay sa itsura nito. Tatakbo na kaya siya? Para kasing babalatan siya ng buhay habang papalapit na papalapit sa kanya.
But she remained on her place. Hindi siya magpapatinag sa galit nitong aura. At isa pa, bakit naman siya aalis? Eh, yang Levi Sullivan na iyan ang may atraso sa kanya. But he is really angry. At tila sinasabi ng mukha nito na 'Stop messing up with me!'.
Inihanda niya ang sarili sa kung anumang mangyari. Hindi siya uurong. Hindi siya aatras. Pero ano iyong kabang nararamdaman niya? Ano yung panginginig ng paa niya? Pagod lang siya kaya ganoon.
Tama! Pagod lang ako kaya ako ganito. At hindi ako natatakot sa Levi na yan. Mas maganda naman ako diyan. Napangiti siya dahil sa kalikutan ng utak niya. Bakit pa niya naisingit ang kagandahan niya?
"Hoy pangit! Anong nginiti-ngiti mo diyan?!"
Inilibot niya ang paningin sa kanyang paligid. Hinanap niya kung sino ang tinatawag nito. Pero wala siyang nakita. Teka lang, siya ba ang sinabihan nito ng pangit? Marahas niyang hinarap ang lalaki. Napakalapit na pala ang kumag sa kanya.
"Hindi ka lang pangit, tanga ka pa pala. Kawawa ka naman walang natira sa iyo."
Nagalit siya sa sinabi nito. "Sinong pangit? Sinong tanga? Ako ba ang iyong pinaparinggan?"
"May iba pa bang tao dito?"
"Malay ko, kausap mo pala yang sarili. Hindi naman imposible di ba? At saka uso yung mga ganoon ngayon." matigas niyang ganti sa 'pang-aapi nito sa kanya.
"Bawiin mo yang sinabi mo!" singhal sa kanya ni Levi. Mas lalong tumindi ang pamumula ng mukha nito dahil sa galit. Naramdaman pa niya ang fresh at mabango nitong hininga sa pisngi niya.
What the heck? Am I complimenting this idiot? saway niya sa kanyang sarili. Sorry self. Hindi na mauulit.
"At bakit ko naman gagawin iyon aber?" tanong niya na hindi pa rin nagpapatinag sa galit-galit ni Levi. "Lolokohin ko lang ang sarili ko pag binawi ko iyon. Hindi ko naman kayang gawin iyon sa precious self ko noh."
Napansin niyang napapikit si Levi. Ganyan dapat, magsawa ka sa pakikibaka sa akin, dahil wala kang mapapala. She even saw him gritting his teeth. Pinipigilan nitong ilabas ang galit na nararamdaman.
"See." she said victoriously. "Ni hindi mo kayang makipag-argumento sa akin. Magsorry ka!"
"Why the hell would I do that? Ikaw nga ang basta na lang nambato sa akin ng sapatos mo." Pinagmasdan nito ang sapatos niyang hawak-hawak nito at bigla ay tila ito nandiri. "This is not even a shoe."
Siya naman ang mas lalong nagalit sa narinig. "I said, magsorry ka."
"No, ikaw ang magsorry!"
"No, Ikaw!"
"Ikaw!"
"You!"
"Ikaw!"
"Pangit ka!"
"Mas pangit ka!"
"Ikaw ang mas pangit!"
"Tanga!"
"Tanga ka rin!"
"Stop!" malakas na sigaw ni Levi. Napuno na siguro ito sa pakikipagtigasan niya. "Magsorry ka na then we're good."
"Ikaw dapat ang magsorry!"
"You!"
"You!"
"In your face!"
"Mukha mo rin!"
"Pangit!"
"Oh di ba, inamin mo rin na pangit ka!"
"Ikaw ang pangit!"
"Hindi ako pangit! Kumag ka!"
"Ikaw, elepante!"
"Hippo!"
"Baboy!"
"Ang baho ng hininga mo!"
Biglang natigilan si Levi sa sinabi niya at nangunot ang noo. Itinaas nito ang kamay, covered his mouth ang exhaled. Naconcious ang loko!
Then his lips slowly curved into a very devastating smile. Nanlalim ang nag-iisa nitong dimple sa pisngi. She never expected him to be so like that. Pero galit pa rin siya rito.
"Really? Mabaho talaga ang hininga ko?" anito sa tonong nanghahamon. Sinadya nitong ilapit ang mukha sa kanya para maamoy ang hininga nito. And he succeeded. Mabango talaga ang hininga nito. It smelt like vanilla waffles. "Yan ba ang mabaho?"
Sinadya nitong hipan ang kanyang mukha. And his breath kissed away the hell out of her face. Pero hindi siya nagpatalo. Mabilis niyang inilayo ang mukha dito na tila nahihilo at tinutop ang bibig na tila nasusuka.
At magaling siyang artista! Napansin niya ang inis na mabilis na lumukob sa mukha ni Levi. She sensed that he is about to give up. At tama siya ng hinala, mabilis siyang tinalikuran ni Levi. Alam niyang napuno niya ito ng inis at galit. "Why the hell am I wasting my time arguing with such ugly and stupid person?"
At kung akala niya ay panalo siya, nagkakamali siya sapagkat mas malaki pa yata ang inis niyang nadagdag dahil sa sinabi nito. Hindi na siya nakaangal pa dahil nakalayo na ito. Then she remembered her shoe.
Tila naman nabasa ni Levi ang nasa isipan niya. Agad siya nitong hinarap. "Huwag ka ng magpakita sa akin pangit. And bring this ugly. . . . I'm not even sure if this is a shoe." At mabilis na ibinato ang sapatos pabalik sa kanya. Agad itong tumalikod kaya hindi nito napansin ang pagtama ng sapatos sa kanyang binti. Halos pangapusan siya ng hininga dahil sa sakit. Pinigilan niya ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata niya. Levi Sullivan is not worth her tears.
Mabilis niyang isinuot ang sapatos at paika-ikang pumunta sa kanilang office. Ipinasa niya ang kanyang article. Napagalitan siya ng editor as usual. Pagkatapos nitong lait-laitin ang gawa niya ay saka siya nito pinalayas.
She had so much for a morning. Una, yung buwisit na guard. Pinahirapan pa siya nito bago siya nakapasok. At mas malala ang nangyari sa kanya sa kamay ng walang hiyang Levi na iyon. Idagdag pa ang halimaw nilang editor-in-chief. Well, that's life. At hindi siya iiyak dahil lang sa mga nangyari. Hindi siya iiyak kahit na mukha na siyang losyang papasok sa una niyang klase.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...