Enemy #05

866 109 2
                                    

Lindy's POV

Hindi ko naiwasan ang mapa-busangot ng tuluyan na kaming makarating sa public CR kung saan kami unang maglilinis. Para bang gusto ko biglang mag tantrums dahil sa mga nangyayari pero hindi ko iyon ginawa.

I roam my head to check the whole public CR and sighed with the thought na wala na akong choice kundi gawin ang punishment. The situation we have is punishment over expulsion! Gosh! Mas kawawa ako pag yung isa ang mangyari sa akin.

Kung titingnan ang buong CR ay hindi naman ito mukhang mahirap linisin. Balita ko kasi'y wala namang masyadong gumagamit nito since every rooms has their own CR. Ang mga grade 7 lang raw ang tanging gumagamit nito kaya naman ay medyo nakahinga ako sa katotohanang iyon.

"Hoy lawlaw! Hindi tayo matatapos niyan pag tutunganga ka lang. Ayoko makipag away sayo kaya ganito ang gawin natin.” — biglang wika ni Jao na animo'y seryoso sa ginagawa. “Ako sa first and second cubicle tas ikaw naman sa third at fourth. Then share naman tayong dalawa dito sa hallway ng cr.” — he added.

I sighed before nodding my head. Hindi na ako nag react dahil mukhang mas mainam naman yung ideya nya.

Sinimulan ko na mag mop at ganon rin naman siya. Tulad nga ng sabi ko kanina ay hindi naman masyadong madumi yung hallway ng CR pero nakakapagod dahil malawak sya.

Habang nasa kalagitnaan ng pagmo-mop ay ramdam kong sinadyang lakasan ni Jao ang galaw ng sa kanya dahilan para mabasa ang paa ko. I rolled my eyes before looking at him.

"Jao, wag mo talaga ako sisimulan ha!" - nagbabantang sambit ko. Napakunot naman ang noo niya at tumingin sa akin.

"Hala adik, inaano ba kita? Feeler ka rin eh." - maang-maangan niyang depensa.

Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy na ang pagmo-mop. Lumayo na rin ako sa pwesto niya para maiwasan ang gulo. Masyadong marami na ang nangyari ngayong araw at super stressed na ako, ayoko na ng gulo.

Hindi naman na siya nangulit at pinag-patuloy na lamang ang paglilinis, nahalata sigurong wala ako sa mood.


Halos kalahating oras rin ang lumipas bago namin matapos linisin ang hallway at ramdam kong sobrang pagod na pagod na ako. Ramdam ko ang pamamanhid ng mga braso ko dahil sa ginawa kaya naman ay mabilis akong lumapit sa pinto para umalis.

Lalabas na sana ako ng CR para mag hanap ng lugar na pwedeng pagpahingahan ng naramdaman ko ang biglaang pag hatak ni Jao sa aking uniform.

"Aray ano ba!" - iritableng singhal ko sabay titig ng masama sa kanya.

"San ka pupunta ha? Magpapahinga? Aba di pwede! Walang aalis sa cr na to hanggat di tayo natatapos!" - sambit niya atsaka isinirado ang pinto at humarang doon para di ako maka-labas.

"Eh ano bang pake mo, pagod na ako kaya tumabi ka dyan!" - sinubukan ko siyang itulak pero di ko kinaya, bukod sa pagod na ako, ay utang na loob ang laki niya pong tao.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon