(AN: Every chapters are unedited, so expect typos, lapses, and grammatical errors. 🍀 Thank you!)
-
Lindy's POV
‘Explaning your side doesn't always need to be applied in any circumstances, because sometimes, keeping your mouth shut is the best choice to do.’
Naging kapansin-pansin ang pananahimik ng lahat matapos ang panenermon sa akin ni halimaw.
I know I made a mistake that's why I didn't bother to argue about speaking out for my side. Alam kong may rason ang pag hinto ko sa gitna na kagubatan pero pakiramdam ko ay wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanilang lahat yun. Fvck, panibagong problema nanaman tong nararamdaman ko pag magkataon.
Kasalukuyan parin akong naka-pasan kay kuya Rey at alam kong hirap na hirap na siya lalo na't bundok itong inaakyat namin, pero kahit na ganun ay hindi ko maiwasang tumanggi dahil halos ramdam na ramdam ko parin ang panghihina ng aking buong katawan. Pakiramdam ko nga ay hindi ko makakayanan kahit ang simpleng pag tayo ng tuwid.
Nanatili lang kaming lahat na tahimik hanggang sa maabot na namin ang tuktok ng bundok.
Hindi maiwasang umawang ang labi ko sa kung gaano kaganda ang view na makikita mula sa pwesto namin. Parang abot kamay na namin ang langit at napaka-presko rin ng ihip ng hangin.
4:00 pm na ng kami ay makarating pero hindi namin alintana ang sikat ng araw dahil sa biglaang pagkulimlim.
Ibinaba ako ni kuya Rey sa gilid ng malaking bato atsaka nag simula nang makipag-kulitan sa iba pang member ng gin kapitan. Naiwan akong mag-isa at wala naman akong ibang ginawa kundi ang mamangha sa ganda ng paligid.
Pakiramdam ko ay kusa akong nahihipnotismo sa bawat pag silay na ginagawa ko sa buong paligid.
I take my time taking glances at mother nature hanggang sa mapansin ko nalang na nagsisimula na palang mag-assemble ng tent ang mga gin kapitan. There are 7 different tents na sa batid ko ay tig-iisa kaming lahat.
Bigla akong nag palinga-linga ng hindi ko makita ang presensiya ni halimaw mula sa iba naming mga kasama. Maya-maya pa ay nakita ko siya sa kabilang dulo ng bundok habang naka-tingin sa malayo at mukhang may malalim na iniisip.
Sinikap kong tumayo atsaka dahan-dahang lumapit sa pwesto niya. Alam kong naramdaman niya ang presensiya ko pero hindi manlang nito nagawang lumingon sa gawi ko.
“Halimaw..” — usal ko atsaka tumabi sa kanya.
“Hmm?” — tanong niya habang naka-tingin parin sa malayo.
Huminga ako ng malalim bago iniyapos ang kamay ko sa braso niya.
“Are you mad?” — I asked.
“No.” — mabilis niyang baton.
“Galit ka eh..” — usal ko atsaka inihiharap siya sa akin.
Pagka-harap niya ay nakita ko ang pagka-kunot niya ng noo habang deriktang naka-tingin sa akin. Naiinis nga siya, halatang-halata.
“Halimaw, sorry na..” — naka-ngusong usal ko.
Bigla siyang nag pakawala ng buntong hininga atsaka inayos ang ilang hibla ng buhok ko.
“Hindi naman ako galit sayo eh..” — malumanay na usal niya. “Galit ako sa ginawa mo, pero hindi sayo..” — muling usal niya atsaka hinila ako at mabilis na niyakap. “Nag-alala kami eh.. hindi ko alam kung anong gagawin ko pag may nangyaring masama sayo. Please wag mo nang uulitin yun ah.”
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Fiksi UmumSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved