(AN: Hi! If you have questions or concerns, FEEL FREE TO MESSAGE ME here in wattpad or in my twitter account (@diakosijoy). Don't worry, I'm not a snob author. I will be very happy to have a little chitchat with you.🌷)
-
Cloud's POV ☁️
Days have passed at simula na ng bazaar activity namin. Ang bawat magkaka-grupo ay nag kalat sa bawat paligid ng university kung saan ang iba ay nagtatayo pa ng mga mini-booth para doon ilagay ang ibebenta nila.
At dahil si Bonnita ang magaling sa ganitong uri ng bagay, siya ang nag volunteer na mag-ayos ng mga ibebenta namin. Hiniling nalang niya na tumulong kami sa pag benta para raw mas mabilis kaming kumita.
Wala akong kaalam-alam sa pagbebenta kaya naman ay hindi ako halos nagsasalita.
"Bili na kayo! Mga mura lang oh! Bili na!" - pagtatawag ni Bonnita sa mga customer pero wala ni isa ang lumapit sa booth namin. "Tsk! Ano ba yan! Tumulong kasi kayo!" - sigaw niya sa aming tatlo nina Jao. "Bwisit!" - daing niya pa atsaka muling nag tawag ng customer.
Napa-kamot nalang ako sa ulo dahil sa kawalan ng ideya. Tss!
Maya-maya pa ay halos manlaki ang mga mata ko ng biglang may dalawang babae ang lumapit sa booth namin. Sila ang unang customer pag nagkataon.
"Yes miss? Ano ho ang inyo?" - naka-ngiting tanong ni Bonnita pero hindi siya pinansin ng mga babae at ipinag-patuloy lang ang pagtingin-tingin..
Lahat naman kami ay naka-tutok lang sa kanila hanggang sa mapa-hinto sila sa pwesto ni Jao kung saan andoon ang mga pirated na anklet, necklace, bracelet, at kahit ano pang borloloys.
"Uhm, how much?" - tanong ng isang babaeng napaka-seryoso ang mukha habang naka-tingin kay Jao.
"U-uhm, that's 150 pesos ma'am--"
Hindi na natapos ang sasabihin ni Jao ng biglang sumingit si Sofia.
"150!" - pasigaw nitong usal.
Tiningnan lang siya ng babae ng ilang segundo atsaka naiiling na muling tumingin sa aming binibenta. Maya-maya pa ay pinulot nito ang kulay itim na anklet na may kulay silver na moon pendant atsaka muli itong ipinakita kay Jao.
(AN: I'm promoting my anklet haha!)
"Magkano?" - tanong nung babae habang tutok na tutok sa anklet.
"That's 200 ma'am--"
"Hey! Are you flirting with my boyfriend?" - mataray na tanong ni Sofia sa kanya dahilan para umarko pataas ang kilay nito.
"Excuse me?" - tanong nung babae na sa palagay ko ay namumukaan ko.
"Ha! Akala mo ba di ko napapansin ha? You're flirting with my boyfriend, pasimple kapa!" - sigaw muli ni Sofia.
Nginisihan lang siya ng babae at inilingan.
"Nababaliw kaba?" - tanong nito atsaka naglabas sa wallet niya ng 200 at inilagay ito sa lamesa ng hindi inaalis ang paningin nito kay Sofia. "Sinong pontio-pilato naman ang lalandiin ko?" - tanong niya atsaka tiningnan si Jao ay itinuro. "Ito? Nevermind!" - dugtong niya atsaka agad tumalikod na para bang walang nangyari.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
