Enemy #19

500 68 6
                                    

Lindy's POV


Tulad ng mabilis na takbo ng oras, lumipas na ang aming graduation day kaya naman ay bakasyon na. College na kami next school year!

Sobrang pagod ako ngayon dahil nagkaroon ng konting party ang HUMSS-2 class dahil sa matagal nanaman daw bago kami magkita-kita. We are all going to take different paths and I'm wishing that all of us will achieve it successfully.


Pagkarating ko sa bahay ay inaya ako ni mama kumain but I refuse since medyo busog pa ako dahil sa dinaluhan kong party. Sinabihan ko nalang siya na magpapahinga ako para hindi na ako kulitin pa. Papaakyat na sana ako ng hagdanan nung may sinabi siya pero di ko na masyadong narinig dahil sa sobrang kaantukan.

6:30 pm palang ng gabi, too early to sleep pero hindi ko na naiwasan ang sarili ko at nakatulog na.

I woke up noong mga 10:30 pm na ng gabi, tulog na panigurado sila mama at ayokong istorbohin sila. Hindi na ulit ako nakatulog pa at hindi ko alam kung ano ang magandang gawin. Biglang sumagi sa isip ko si Jao kaya naman, sa pamamagitan ng magkalapit na naming terrace ay nagawa kong tumawid at mag trespass sa kwarto niya. Good thing at hindi naka-lock ang pinto ng terrace niya.

Nakita kong mahimbing siyang natutulog suot ang white pajama at white sando. Bago pa ako tuluyan na malunod sa pagka-humaling sa kanya ay agad ko nang ginawa ang aking pakay, tumalon-talon ako sa kama niya para magising siya pero di umepekto, sunod kong ginawa ay niyugyog siya pero wala paren. Tss. Tulog mantika talaga. Kiniliti ko siya lahat-lahat pero wala paring epekto. Naalala kong ayaw niya ng liwanag kapag natutulog kaya naman ay binuksan ko ang ilaw sa kwarto niya.

"Hmm." - narinig kong medyo ungol niya habang naka-kunot ang mukha. Mukhang effective ang ginawa ko.  "Hmm. Turn off.. the lights." - bulong niya pero sapat na para marinig ko. Medyo napatawa ako nung marinig ko siyang mag english.

Nakita kong nagtakip siya ng unan sa mukha kaya naman agad ko itong kinuha at niyugyog siya bago pa man siya makabalik sa pagkakatulog. Nakita kong medyo dumilat siya at napatitig sa akin, nginitian ko lang siya, tila nirerehistro pa niya sa kanyang utak ang mga pangyayari, nung napagtanto niya ang lahat ay dali-dali siyang tumayo.

"Hoy lawlaw! Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras ha? Momolestiyahin mo ba ako?!"- bulyaw niya na agad namang naputol dahil binatukan ko siya. Hanep ng imagination ah.

"Hindi kasi ako makatulog eh kaya---" - hindi na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.

"Eh ano ngayon? Tss nambulabog kapa! Shoo alis!" - pagtataboy niya sa akin sabay takip ng unan sa mukha.

Hindi ako sumagot at nag-aamba na sana para suntukin siya nung bigla siyang tumayo at sinabing papatulan na raw niya ang trip ko kasi hindi na siya makatulog.

Napag-desisyonan naming pumunta sa park, at tulad ng dati naming ginagawa ay naupo kami sa aming favorite spot sa park bench at nag stargazing, may dala siyang mga chips kaya naman ay kumain kami, medyo may iilang tao sa park siguro na rin kasi bakasyon na at may dahilan na para mag puyat ang mga tao dito.

Naguusap lang kami nung may dumaang dalawang mag-asawa na parang nag-aaway pa.

"Sus! May kaibigan bang laging chinachat ha?!" - ani nung babae sabay hampas sa lalaki.

"Hala, eto naman nangangamusta lang naman yung tao." - sagot naman nung lalaki.

Nung makalampas na sila ay napansin kong nakangiti si Jao. Nung tinanong ko siya ay nagulat ako sa isinambit niya.

"Parang tayo yung dalawa no?" - medyo nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi niya at di ko maipagkakaila ng parang uminit ang mukha ko dahil dito. Napangiti ako, hindi ko ba alam pero parang awtomatikong gumuguhit ang ngiti sa aking labi. "Ang kaso.." - napatingin ako sa kanya nung magsalita siya ulit. "...walang tayo." - napatigil ako sa aking pag ngiti nung sinambit niya yung huling dalawang salitang iyon. May naramdaman ako sa loob ko na hindi ko maintindihan na mas lumala pa noong nakita kong tila ba walang halong pagsisi ang bawat salitang sinambit niya.

Nag salita pa siya at nagkwento tungkol sa palabas na pinanood niya pero parang nawala na ako sa mood para makinig, hanggang sa hindi ko namalayan na nag-aaya na pala siyang umuwi. Tumango nalang ako at naging tahimik habang kami ay naglalakad.


Nakahiga na ako sa kama at pinakikiramdaman ang aking sarili, ala-una na pero di parin ako makatulog. Iniisip ko parin yung naramdaman kong kirot sa dibdib ko nung sinambit ni Jao yung dalawang kataga na yun.. Ano ba to? Is this a sign of a heart disease? Halos hindi ko lubos na maisip kung ilang oras naba akong nag-iisip.







Mabilis akong napa-mulat ng makarinig ng sunod-sunod na pagkalabog mula sa aking pinto. Umaga na.

"Lindy! Aren't you going to wake up?!" - sigaw ni mama na mukhang triggered na.

Tumayo ako agad at pinagbuksan siya. Pupungay-pungay pa ako ng makita ko siyang pinupulot isa-isa yung mga damit na naka-kalat sa kwarto ko. Hiniyaan ko nalang siya at hindi nag salita kasi for sure, masesermonan ako pag kumontra ako sa ginagawa niya.

"Hay naku!" - panimula ni mama na alam kong magtutuloy-tuloy na. "Ang burara mo talaga! Malapit kana mag college tapos di mo parin alam linisin itong room mo!" - dugtong na bulyaw nito. Napakamot naman ako ng ulo ko dahil rito, hindi talaga maipagkakailang nagmana ako kay mama sa mga gantong bagay, lalo na sa kalakasan ng boses. "Diba sabi ko sayo maglinis ka ng kwarto mo kasi anytime baka dumating na sila, nakakahiya baka dito makitulog sa kwarto mo tapos ang dumi-dumi!" - mahabang sambit ni mama habang patuloy parin ang paglilinis ng aking kwarto.

Nalito ako sa huling sinabi niya. May dadating at dito makikitulog sa kwarto ko? Sino?

"Anong ibig mong sabihin 'ma?" - tanong ko ng puno ng pagtataka kasi hindi ko talaga alam ang sinasabi niya, pero imbes na sagutin ako ay sinermonan niya ulit ako dahil nabanggit na raw niya ito sa akin kagabi, pero di ko talaga matandaan..

"Si Sofia, yung kababata niyo uuwi dito, magbabakasyon ata sila.."

Hindi ko na narinig yung iba pang sinabi ni mama dahil tila napako ang tenga ko nung marinig ang pangalang Sofia.

Sofia Marie McDewey.

Dapat ba akong matuwa?




to be continued..

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon