Lindy's POV
‘Anger is a normal emotion from a normal person. Sabi nila walang taong nagagalit ng walang dahilan. Lahat meron! But sometimes it will take time for a person to realize where that anger is coming from.’
8:24 pm
Nakahiga ako sa kama ko habang nag iisip. Ewan ko ba, naiinis ako sa sarili ko. Feeling ko kasi ang gago ko ng sobra. Di ko alam kung bakit ko nararamdaman 'tong nararamdaman ko ngayon. Unang-una, bakit ba ako naiinis kay Sofia eh ang bait naman niya. Naiinggit ba ako kasi nakukumpara kami? Naiinis ba ako kasi nasa kanya yung atensyon ni Jao?
Nagseselos ba ako?
Scratch that! Malabong mangyari yun. Bakit naman ako magseselos eh wala naman akong gusto kay Jao.
"Wala ba talaga?" bigla kong nasapak ang sarili ko ng sumagi ang mga katagang iyon sa aking utak. Pati ba naman utak ko tatrahidurin ako? Ayoko na mag isip. Nakakabaliw.
“Anak?” — napaupo ako bigla ng marinig ko ang tinig ni papa.
“Po?” — maikling sagot ko sa kanya. Bigla itong umupo sa kama ko at inakbayan ako.
“Alam ko ang nararamdaman mo anak.” — sambit niya at sa hindi maunawaang pangyayari ay agad akong yumakap sa kanya.
Di ko maiwasang mapaluha. Ito ang unang beses na nagdrama ako sa harap ni papa. Kwenento ko ang lahat ng nararamdaman ko simula nung umeksena si Sofia sa amin ni Jao. Niyakap lang naman ako ni papa ng mahigpit.
“Ang baby girl ko dalaga na talaga.” — ani ni papa habang mas lalo pang humihigpit ang yakap sa akin. “Minsan, kaya nating dayain ang ibang tao pero di natin madadaya ang nararamdaman natin para sa isang tao mismo. Hanapin mo sa loob ng puso mo ang sagot sa mga tanong mo anak. Kung sakaling mahanap mo na ang sagot, unawain mo at intindihin na ang pag-ibig ay hindi lamang tungkol sa pag sasakripisyo, kundi pati na rin sa pagsuko.”
Natahimik ako sa sinabi ni papa. Ilang minuto pa ay nagpaalam na siya habang pilit ko paring inuunawa ang mga sinabi niya. Hindi ko maintindihan, ganito naba ako kabobo para mahirapang intindihin ang lahat?
Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga ng makarinig ng malakas na tunog mula sa baba. Nagtaka pa ako ng makitang maliwanag na ang paligid. Nakatulog pala ako kagabi sa pag-iisip.
Tumayo ako at lumabas mula sa kwarto ko para silipin kung saan nagmula ang malakas na tunog na aking narinig.
Pagkalabas ko ay naabutan kong basag ang aming dining table na gawa sa salamin. Bigla akong tumakbo sa labas at naabutan sila mama kasama ang parents ni Jao na inaakay si papa papasok ng sasakyan, walang malay. Halos mamutla ako sa nakita kasabay ng aking panginginig dahil sa biglaang takot.
Lumapit ako ng sobra parin ang kaba, halos di ko na maintindihan ang pinagsasasabi nila kasi halos lahat sila ay natataranta. Nakita kong lumabas din si Jao at Sofia para tingnan ang nangyayari.
“Ma, anong nangyari?” — tanong ko kay mama ng puno ng pag aalala pero inignore niya lang ako. “Ma, ano ba kasing nangyari?” — mangiyak-ngiyak kong pag-uulit sa tanong habang hinahawakan ang braso ni mama. “Ma, please tell me--” — di pa man natatapos ang sasabihin ko ay bigla akong natigilan dahil sa pag sigaw ni mama.
“Will you please shut the fvck up Lindy?! Hindi ka nakakatulong. Kasalanan mo 'to! Puro nalang kamalasan ang dala mo sa amin ng papa mo!” — sigaw sa akin ni mama dahilan para mapa-atras ako sa gulat.
Nakita ko namang pinatigil siya ng mama ni Jao at pinapasok na sa kotse. Para akong tulalang nakatitig lang sa dalawang kotseng papaalis. Sumunod sila Jao at Sofia sa kanila ng hindi manlang ako nagawang ayain.
Para akong nabigla sa mga pangyayari. Di ko alam ang reaksyong dapat ilabas ngayon. Pumasok ako sa bahay at pinagmasdan ang lamesang nabasag. Unti-unting tumulo ang luha ko... Si papa.. Ano bang nangyari kay papa?
Mabilis akong tumakbo papunta sa aking kwarto at iniyak lahat ng sakit na nararamdaman. Nakakapraning isipin kung ano ba ang nangyari kay papa. At napakasakit rin nung sinabi ni mama. Kasalanan ko ba talaga yun? Pabigat ba talaga ako sa kanila?
Sinilip ko ang cellphone ko at nakitang may nagtext doon, mula kay jao.
"Nag mild stroke si tito." Mas lalo akong napahagugol sa nabasa ko. Bakit na-stroke si papa eh healthy naman siyang tao. Dahil ba talaga to sakin? Kasi ba sobrang pasaway ako at lagi akong naguguidance? Siguro nga kasalanan ko talaga to.
Ilang oras na akong nakasilip mula sa terrace habang umaasang may isa sa kanila na uuwi manlang para kunin ako dito sa bahay, kasi seryoso gusto ko makita si papa. Maya-maya pa, nakita kong dumating ang kotse ng papa at mama ni Jao at inilabas nito si mama na halatang walang malay. Nagmadali akong bumaba para salubungin sila.
“Tito, ano pong nangyari kay mama?” — tanong ko ng may pag aalala. Sinabi naman niya na wag ako mag alala at normal lang naman ang kalagayan ni mama. Tinurukan lang daw nila ng pampatulog kasi wala daw itong tigil sa kakaiyak at kakasigaw.
Hindi nako nagpaalam at bigla nang umalis para pumunta sa ospital na pinagdalhan kay papa.
Halos wala akong pake kung di pa ako naliligo o kung mugto pa ang mata ko, ang importante ay makita ko si papa.
Pagkarating ko sa ospital ay nakita kong papaalis na sina tita Solenn at Sofia, bago pa man nila ako makita ay nagtago na ako. Pagkalagpas nila ay agad akong pumunta sa private room ni papa. Huminga ako ng malalim bago pumasok. Sana okay na siya.
Halos ilang buntong hininga pa ang ginawa ko bago pihitin ang door knob ng pinto. Pagkabukas naman ay natigilan ako ng makita si Jao mula sa loob.
“Tito, sana maging okay kana.” — napatigil ako sa pag pasok ng marinig ko ang tinig ni Jao. Nakatalikod ito sa akin kaya't marahil ay hindi ako nito mapapansin. Kita kong hawak niya ang kamay ni papa habang kinakausap ito, wala paring malay si papa. “Magpagaling ka agad tito ha? Iniintay ka po ni tita Lydia...” — sambit niya, di ko mapigilang maluha sa sinasabi niya. “...at ni lawlaw. Siguro umiiyak na yun ngayon. Hays, matapang lang yun tingnan tito pero mahina yun.” — dugtong niya na mas lalong nagpahagulgol sa akin.
Ramdam kong narinig niya ang bawat paghikbi ko, lilingon na sana siya pero agad ko siyang niyakap patalikod at inilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hinayaan naman niya akong gawin yun at hinawakan ang kamay kong naka-pulupot sa baywang niya.
Bumalik sa isip ko ang mga sinabi ni papa,
"Minsan, kaya nating dayain ang ibang tao pero di natin madadaya ang nararamdaman natin para sa isang tao mismo. Hanapin mo sa loob ng puso mo ang sagot sa mga tanong mo anak. Kung sakaling mahanap mo na ang sagot, unawain mo at intindihin na ang pag-ibig ay hindi lamang tungkol sa pag sasakripisyo, kundi pati na rin sa pagsuko."
I bite my lips when I realized everything that he said. Parang naging klarado na sa akin ang lahat.
Papa, gumising kana alam ko na po ang sagot. Kaya pala ganito yung nararamdaman ko.. kaya pala nakakaramdam ako ng mga pagkirot dito sa loob ko.. siguro nga ito na yun...
Tuluyan na nga akong nahulog kay Jao.
to be continued..
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
