Lindy's POV
‘They said, as you let go of someone, you need to cut every strings that connects you from the past.. but what if that string unexpectedly creates new strings that made you haunt the past even more?’
“Lindy, mag pokpok ka nalang rin kaya?”
Pabiro akong napa-irap ng sabihin iyon ni Diana.
It's been three weeks since we stayed together at masasabi kong mabilis kaming nagkasundo.. when I told her my plans of staying here, mababakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan pero sa huli ay wala rin siyang nagawa.
“Ayoko nun, gusto ko yung marangal.” — baton ko sa kanya.
Kasalukuyan kami ngayong naghahapunan at nagpapa-tulong ako sa kanya para maka-pasok sa kahit anong uri ng trabaho. Tatlong linggo na kasi ang nagdaan at siya lang lahat ang gumagastos ng pang-kain namin, eh ayaw ko namang galawin ang cheque na nakuha ko nung ibinenta ko yung kotse ni Jao.
“Bakit, marangal naman ang pagiging pokpok ah? Haha.” — natatawang usal niya.
Sa loob ng tatlong linggo naming pagsasama ay ginawa niya akong pamilyar sa lugar na tinitirahan niya kung saan ay maihahalintulad ko ito sa isang squatters area. Masyadong masukal ang lugar at halos dikit-dikit ang mga kabahayan. Sa rinig ko pa nga ay ilegal ang ginagawang pag tira ng mga tao dito.
Bago pa makarating sa squatter kung saan kami kasalukuyang nakatira ay merong maliit na klinika sa pinaka-labasan malapit sa kalsada kung saan ito ang naging patalandaan papasok sa maliit na barangay na binuo ng mga taong mahihirap.
“Marangal ba ang pagbibenta ng katawan?” — sambit ko habang naiiling.
Sa tatlong linggong iyon ay naging malinaw sa akin ang trabaho ng mga tao sa paligid ko na talaga namang napaka-ilegal para lamang mabuhay. Naghalo-halo ang mga kidnapper, holdaper, mga nananalisi, mga magnanakaw, at mga pokpok tulad ni Diana. Pero kahit na ganoon at kahit sa likod ng mga nakakatakot nilang mga gawain at pagmumukha, sa likod nito ay naka-tago ang mga taong mabubuti ang kalooban na kinakailangang gumawa ng imoral na gawain para lamang mabuhay.
“At least may pera hehe.” — baton niya.
Hindi nalang ako nag-salita at kumain nalang.
Alam ko ang trabaho ni Diana pero hindi ko magawang mandiri sa kanya, siguro na rin dahil sa nakikita kong sa mabuting paraan naman niya iginagastos ang perang kinikita niya.
“Hmm, by the way, mukhang wala kang lakad ngayong gabi ah?” — tanong ko patungkol sa trabaho niya.
“Aish! Iyon na nga eh! Malapit na kasing mag undas at maraming parak ang nag kalat sa paligid kaya pass muna kaming mga pokpok sa pag rampa.” — baton ni Diana habang ngumunguya. Napa-isip ako at napag-tantong dalawang linggo nalang pala ay mag-uundas na.. kamusta na kaya sila mama?
Hindi nalang ulit ako umimik at ipinag-patuloy nalang ang pag-kain.
Matapos naming mag hapunan ay agad na kaming nag handa para matulog.
Hindi malaki ang inuupahan ni Diana. Pag-pasok mo ng pinto ay tatambad na agad sayo ang kusina, sala, at higaan para tulugan. Meron ring isang maliit na kubeta kung saan ang tubig ay pahirapan pa.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
