Lindy's POV
Halos hindi na maipinta ang mukha ko sa pagkakabusangot dahil sa kasalukuyang nangyayari. Kasalukuyan ako ngayong nasa presinto at kaharap ang saleslady na nireklamo 'raw ako.
Simula pa kanina ay hindi na mabilang kung ilang beses akong sumiplat kay Jao na ngayon ay nakatayo lang sa gilid. I am staring at him as if I am asking for a help, but he just kept on ignoring my gazes.
"So, Ms. Valleña, nagreklamo nga itong si Ms. Jesa ng physical injury againts you." - paunang salita ng pulis habang hawak ang notebook kung saan nakasulat ang pahayag ng saleslady.
'Wtf? Is this even real?'
"Uhm, Mr. Police, I am innocent--" - hindi na natapos ang pagsagot ko ng biglang umechos 'tong babaeng sales lady.
"Anong innocent?! Eh Binalot mo nga ako ng packing tape eh, anong akala mo sa akin, the mummy?!" - Nakasigaw niyang sambit habang nakanguso. Halatang nagpapa-cute. Mabilis naman akong napa-ngiwi dahil 'ron.
"Eh pakealamera ka kasi! Pinagkakamalan mo pa akong magnanakaw!" - bulyaw ko sabay siplat sa kanya na para bang pinandidirihan siya.
I am already eighteen, young but legal. I know na pwede na akong makulong pero sa estado namin ngayon, mukhang magpapakulong nalang ako masuntok ko lang 'tong sales lady na to.
"Eh magnanakaw ka naman talaga eh, mukha mo palang no!" - sambit niya na parang diring-diri sa pagmumukha ko.
"Wow! Sa mukha ba kamo? Eh baka mahiya 'yang buong lahi mo pag mag pagandahan tayo no!" - sigaw ko pabalik habang nakikipag bangayan ng tingin sa kanya.
Nagkasagutan pa kami ng saleslady tungkol sa pagandahan samantalang si Jao at ang mga pulis naman ay parang nag-eenjoy pa na panoorin kami.
"Tse! Basta mamang pulis, sinampal-sampal niya po ako tas tinadyakan ng malakas." - pag-iinarte niya habang nakahawak sa braso ng pulis. Mabilis namang nanlaki ang mga mata ko dahil 'ron.
"Oy excuse me, hindi kita sinampal at tinadyakan pero kung gusto mo gagawin ko talaga yan ngayon sayo!" - bulyaw ko at tumayo na para bang handa nang sugurin siya.
'She's fvckingly lying right now and I hate it!'
"Oy oy, tama na yan, andito kayo sa presinto para mag ayos." - sambit nung pulis habang naka-kamot pa sa batok at halatang naiingayan sa amin.
"Ah basta, ipapakulong ko siya!" - sambit ng saleslady habang naka-tingin ng masama sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat.
"No! I'm innocent!" - pag-poprotesta ko.
Magsasalita pa sana ang saleslady ng biglang lumapit si Jao sa kanya at hinila siya papalabas. Naiwan naman kami ng isang pulis sa loob at doon may binigay siya sa aking record book at pinasulat ang aking pangalan. Diyos ko, may criminal record na ako!
Ilang minuto muna ang nagdaan bago pumasok ang saleslady na ngayon ay kalmado na pero mataray parin ang tingin sa akin.
"Okay, kuya poging pulis, hindi na ako magpa-file ng kaso." - mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya ng sabihin niya iyon. I know I am innocent but what she'd said calms me. "pero.." - dugtong niya dahilan para muli akong mapasimangot. I thought everything was already okay, pero heto siya't may kundisyon pa pala. "Pero mananatili muna siya dito sa kulungan hanggang sa sumikat ang araw."
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
