Lindy's POV
Si papa ang nag hatid sa akin ngayon papuntang school dahil na rin sa kagustuhan ni mama. Halos dalawang araw na ang nag daan at sa loob ng dalawang araw na yun ay hindi pa kami nag uusap ni papa.
He doesn't look mad or something, pero batid kong iniiwasan niya ang maka-usap ako. Hindi ko nalang rin siya kinaka-usap para hindi naman unfair sa part ko. Kailangan ata ni papa ng oras para makapag-isip, at ibibigay ko iyon sa kanya.
Pagkarating ko sa school ay nag madali akong pumunta sa cafeteria para sana makipag kita kay Jao pero nasa parking lot palang ako ay bigla na akong nagulat ng may biglaang humila sa akin at niyakap ako ng napaka-higpit.
Based on his scent, alam kong si Jao ito. Niyakap ko rin siya pabalik, kasing higpit ng yakap niya. Pakiramdam ko namiss ko siya ng sobra.
"Lawlaw.. namiss kita." - bulong niya habang naka-akap parin sa akin.
I smiled bitterly as I hug him even tighter.
"Namiss rin kita, halimaw.." - pabulong kong baton.
Halos wala kaming pake sa mga sasakyan at mga taong dumadaan dahil lang nasa loob pa kami ng parking lot, dahil ang importante lang sa amin ngayong mga oras na to ay ang maibsan ang pangungulila namin sa isa't-isa.
We are still in the middle of our hugging session when I saw a familiar figure walking towards us. Naka-simangot ito at halatang hindi natutuwa sa nakikita.
"Seriously Lindy? Pati dito sa parking lot yayakapin mo si Jao ng ganyan?" - sarkastiko niyang tanong.
Kusa naman kaming nag-hiwalay ni halimaw at kunot-noong napa-lingon sa kanya.
"Sofia enough." - usal ni Jao, pero parang hindi nagpa-tinag si Sofia at deritso lang na naka-tingin sa akin.
'tss, bat parang kasalanan ko?'
"Look how desperate you are.. ganyan kana ba talaga ka-obsess kay Jao para halikan at yakapin siya kung kailan mo lang gusto?" - naiiritang tanong niya habang nandidiring naka-tingin sa akin.
'Wow! So kasalanan ko talaga?!'
Ramdam ko ang kagustuhan ni Jao na mag-salita pero agad ko siyang hinawakan sa kamay at tiningnan na nagsasabing, "ako na ang bahala."
"Seriously Sofia? Sayo pa talaga nang-galing yang tanong na yan?" - natatawang tanong ko. "Sa ating dalawa, ikaw ang mas nagmumukhang desperada dahil napadpad kapa talaga dito sa parking lot kung nasaan kami para lang manggulo. At ganito kana rin ba ka-obsess kay Jao ha? Aawayin mo akong girlfriend niya ng walang sapat na dahilan?" - dugtong ko pa.
Bigla namang tumalim ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.
"I have every rights to get mad, Lindy." - baton niya.
"Oh sige nga, anong karapatan ang meron ka? Kaibigan ka lang, jowa ako. Sa ating dalawa mas lamang ang karapatan na meron ako." - naka-ngisi kong usal. "At ano bang ikinagagalit mo? Sige nga sabihin mo, baka naman sakaling maintindihan ko." - sarkastiko kong dugtong.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved