Lindy's POV
'Life is a bundle of choices, and sometimes our choices are the reasons of our pain. Pain is part of our life, so we must confidently continue the path we took without any regrets.'
Halos dalawang araw na ang nakakalipas matapos naming umalis ni halimaw sa aming mga bahay, at sa loob ng dalawang na iyon ay hindi ko maiwasang isipin sila mama.
December 27 na at ilang araw nalang ay matatapos na ang taon. I just suddenly felt sad that I might be ending this year without my parents.
Bumibisita rin sa amin ang mga gin kapitan at nakikitulog paminsan-minsan kaya naman kahit paano ay hindi ganoon kaboring ang buhay namin ni Jao.
6:00 pm na ng gabi at hindi ko nanaman maiwasan ang mangulila dahil sa sobrang katahimikan. Kasalukuyan ngayong nasa kusina si halimaw at iniinit ang mga pagkaing dala ng mga gin kapitan samantalang ako naman ay naka-upo lang sa couch na nasa gilid ng ice ceam shop habang tinatanaw siya.
Nakaka-bingi ang katahimikang bumabalot ngayon sa buong ice cream shop kaya naman ay tahimik akong nag lakad papunta sa kusina kung saan tahimik na nagluluto si halimaw at naka-talikod sa akin.
As I reached his spot, I unconsciously hug him from the back and put myself into tears.
“Lawlaw?” — usal niya atsaka hinawakan ang kamay ko para sana humarap sa akin pero mas hinigpitan ko ang pag yapos sa kanya dahilan para matigilan siya. Halos itinikom ko ang bunganga ko para lang hindi lumabas ang mga pag hikbing aking pinipigilan. “Ay, yung mahal ko nang-lalambing.” — usal ni Jao na batid ko ay kasalukuyang naka-ngiti.
I can't help myself to smile.. this man is giving me all the love I deserve.
“Halimaw..” — usal ko atsaka niluwagan ang pag yakap sa kanya.
Ramdam ko ang panginginig ng boses ko ng tinawag ko siya kaya naman hindi na nakapagtatakang napansin niyang umiiyak ako.
“Wait.. are you crying?” — tanong niya atsaka mabilis na humarap sa akin.
Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at iniharap sa kanya. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya kaya naman ay sinikap kong tumahan at binigyan siya ng isang pilit na ngiti.
“W-why are crying? May masakit ba sayo? T-tell me..” — nag aalalang tanong niya.
Huminga ako ng malalim bago sumagot.
“I miss my parents, Jao..” — mahinang usal ko.
Ramdam kong natigilan siya sa sinabi ko at marahang napayuko.
“Me too..” — baton niya atsaka hinaplos ang buhok ko.. “Namimiss ko rin sila lawlaw, pero hindi ko pinagsisisihang lumayo sa kanila para lang makasama ka.” — dugtong niya.
“Aren't we being selfish?” — I asked unconsciously.
“We're not selfish, lawlaw.. may mga desisyon lang talaga tayong nagagawa sa buhay natin kung saan maraming kumukontra..” — baton niya. Atsaka binigyan ako ng isang tipid na ngiti. “Sinubukan kong ipa-intindi sa kanila na hindi ko kayang iwan ka pero ayaw nila.. They provoked me to do this.. If you're going to ask me, Oo mas pinipili kita kaysa sa kanila, pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko na sila mahal.. I love my parents for goodness' sake, pero sana naman maintindihan nilang may sariling buhay rin ako.. at ikaw ang buhay ko lawlaw.. They can't control me and every decisions I make..” — mahabang pahayag niya atsaka muli akong niyakap ng napaka-higpit.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
