Lindy's POVTulad ng taon-taong mga aktibidad na isinasagawa sa university, nag bukas nanaman ang mga clubs na dapat pag pilian ng mga estudyante.
Ngayong taon ay pinili ni Jao na sumama sa music club kung saan makaka-sama namin ang mga gin kapitan. Ah wait.. lahat pala kami ay member na ng gin kapitan!
Rey (Electric guitarist)
Cloud (Acoustic guitarist)
Manny (Pianist)
Henry (Drummer)
Ethan (Violinist)
Lindy (Female lead vocalist)
Jao (Male lead vocalist)Hindi ko maiwasan ang mapa-ngiti ng mahawakan ko ang mga maliliit na nameplates para sa mga members ng gin kapitan.
Kasalukuyan kaming lahat ngayon na nasa music room at naka-tambay lang. Hindi na inopen ni kuya Rey ang audition para sa music club since may fixed member naman na raw ang aming banda.
Kami ni Jao ang magiging vocalist ngayong taon dahil kami lang ang hindi marunong tumugtog ng instruments.
“Yan, G-minor chord yan.. tas ito naman yung G-major chord..”
Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang naka-tingin kay halimaw na kasalukuyan ay tinuturan ni Ulap mag gitara.
I can say that Jao is a fast learner, mabilis siyang magkabisa ng mga chords na ginagamit sa pag gitara at mabilis niya ring natututunan ang proper strumming sa bawat beat ng kanta.
Dahil wala pa namang upcoming activities ay nananatili muna kaming naka-tengga lang at walang practice. Minsan nga ay pumupunta lang kaming lahat sa music room para matulog, dahil di naman kami tulad ng ibang club na hanggang ngayon ay busy parin sa kaka-pili ng members.
“Prinsesa, gusto mo ng ice cream?”
Agad akong napa-lingon kay kuya Rey ng bigla niya akong tanungin. Bakas sa mukha nito ang pag-asang mapa-oo ako sa kanyang alok. Tsk, mahilig nga pala sa ice cream ang isang to.
“Hmm. Oo, nagki-crave nga ako ng ice cream ngayon eh.” — pagsisinungaling ko. Bigla namang nag liwanag ang mga mata niya dahil 'ron.
“Nice! Pwede mo ba akong samahan sa ice cream parlor sandali? Hehe, trip ko rin kasi kumain ng ice cream eh. Ayaw naman akong samahan nitong mga ugok na to.” — usal niya.
Nilingon ko ang mga kasama namin at nakitang mga busy nga ito sa kanya-kanya nilang ginagawa.
Si Cloud at Jao ay busy parin sa pagtuturo ng gitara, samantalang sina Manny, Henry, at Ethan naman ay halatang na-aadik sa mobile legends.
“Sure.” — naka-ngiting baton ko.
Hindi na kami nakapag-paalam pa sa aming mga kasama dahil mukhang busy talaga ang mga ito.
Pagkarating namin sa ice cream shop ay agad na nag prepare ng dalawang ice cream si Rey para sa aming dalawa.
Sa ilang buwan na lumipas ay may mga ilang pagbabago na ang nangyari sa ice cream shop. Nagkaroon ito ng konting renovation kung saan pinalitan rin ang kulay nito. Sa labas naman ay nilagyan ng malaking signage na ang naka-sulat ay Gin Kapitan's ice cream shoppé.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved