Lindy's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw ng aming pag eensayo at acquaintance party na mamaya.
Lahat kaming mga gin kapitan ay nasa aming apartment at naghahanda. Sabay-sabay kasi kaming pupunta sa school mamaya.
Ang mga lalaking myembro ng aming banda ay pawang mga naka-summer shorts na tinernohan nila ng oversized black sando kung saan halos kitang-kita na ang kabuuan ng kanilang dibdib, samantalang ako naman ay nag-suot lang ng simpleng bulaklakin na shorts at black tube brassiere na pinatungan ko ng see-through blazers.
“Uy yung mga instruments natin nasa ayos naba? Baka pag tripan nanaman yun tulad nung nakaraang taon ah.” — usal ko habang sinusuklay ang aking buhok.
Bigla kong naalala yung pananabotaheng nangyari sa amin noong last year's acquaintance party kung saan binutas ang aming drum set dahilan para mapilitan kaming gumamit ng nalang ng app.
“Naku, di na mangyayari yun prinsesa. Naturuan na namin ng leksiyon yung mga--” — di na natapos yung dapat sanang sasabihin ni Manny ng bigla siyang sikuhin ni Cloud.
Nakita ko pa ang pag-uusap nila gamit ang kanilang mata pero hindi ko nalang iyon pinansin.
“Sana naman wala nang mag sabotahe sa atin ngayon.” — mahinang usal ko na batid ko ay narinig nilang lahat.
“Wag kang mag-alala prinsesa, di na mangyayari yun.” — baton ni kuya Rey atsaka nginitian ako na para bang siguradong-sigurado na siya sa mangyayari. Binatunan ko nalang rin siya ng ngiti atsaka ipinag-patuloy nang muli ang pagsusuklay.
Nag-rehearse kami ng huling beses atsaka sabay-sabay na pumunta sa venue.
Hindi pa man kami tuluyang nakaka-pasok sa auditorium ay halos rinig na rinig na namin ang mga sigawan mula sa mga estudyanteng andoon.
“Whoah, di pa nagsisimula pero nagkaka-gulo na ang lahat ah.” — narinig kong bulong ni Ethan.
Parang mas lalo akong na-excite kaya naman ay nauna na akong pumasok sa loob.
Pagka-pasok ko ay halos umuwang ang labi ko sa pagka-gulat! Halos lahat ng mga estudyante ay pawang mga naka beach attire at two-piece. Napakarami ring naka-set'up na mga mini pool sa buong paligid at artificial bar island. Halos hindi ako makapaniwalang magagawa nilang parang resort itong napaka-laki naming auditorium. Napaka-ganda talaga ng buong tema kung iisipin lalo na at ang liwanag lang na makikita sa paligid ay ang mga ilaw mula sa disco lights.
“Wow!” — bulalas ko.
Hindi pa man nagsisimula pero napakarami na ng nagsasayawan. Inallow din ang mild beer ngayong event kaya naman ay batid kong marami ang uuwing tipsy ngayong gabi hehe.
Tulad dati ay naka-aaranged ang mga estudyante sa bawat courses. Meron ring malaking espasyo sa harapan kung saan nag mistula itong dance floor.
Naghiwa-hiwalay muna kaming mga gin kapitan at pumunta muna sa aming mga courses. Dapat ay sasama sa amin si Cloud since kaklase namin siya pero mas pinili niyang sumama kina Manny para raw makapag-inuman sila. Pinipilit nga din nila si Jao na sumama pero tinanggihan na ito ni Jao.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Ficção GeralSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved