Lindy's POV
Buntis ako?
“Hey, Mrs. Valleña are you okay?”
Bigla akong bumalik sa wisyo ng maramdaman ko ang pag kalabit sa akin ng OB. Napayuko naman ako at pasimpleng pinunasan ang luha ko atsaka muling humarap sa kanya.
“Miss ho.. dalaga ho ako.” — paglilinaw ko habang naka-tingin sa kanya ng deretso. “P-pwede ho bang paki-ulit yung sinabi mo? M-medyo nabingi ata ako.” — halos utal na paki-usap ko.
Narinig ko naman ang mahinang pag buntong hininga ng doctora atsaka tumingin sakin ng deretso sa mata.
“You're 4 and a half weeks pregnant, misis-- I mean, miss Valleña..” — usal nung doctora. Bigla namang bumagsak ang mga balikat ko habang naka-tingin sa kanya, bahagya naman siyang napa-iling dahil rito. “You've just experienced bleeding from your pregnancy that's why you also felt a burning sensation in your stomach.. Hindi ka nireregla Miss Valleña.. dinugo ka, and you're very lucky that the fetus is safe. Sa kaso mo kasi ay ilang oras mong napabayaan ang pagdudugo mo, kung minalas ka ay baka nalaglag na ang anak mo, but still.. you're very lucky.. matibay ang kapit ng bata..” — paliwanag niya.
Biglang nangunot ang noo ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya.
“B-but w-why?” — halos wala sa wisyo kong tanong. “Why am I pregnant?”
‘Bakit ako mabubuntis? Posible ba yun? Isang tirahan lang tas naka goal agad?’
“U-uhm.. y-you didn't know?” — parang naiilang na tanong nito sa akin. “It happens when you had sex without using any protection--”
“Of course I know about that!” — biglang pampuputol ko sa kanya.
Nanahimik naman ang doctora at ganun rin naman ako. Parang biglang hinila pababa ang enerhiya ko sa gulat. I don't know how to react..
Ilang minuto pa muna ang nag daan bago magsalita ang doctora.
“Miss Valleña, you should be careful next time ha? Avoid drinking too much alcohol para maiwasan ang mga ganitong pangyayari.. and if ever the bleeding happens again, please immediately rush yourself to the nearest clinic or hospital. Your next bleeding might be serious, and worst.. it may affect the fetus inside you.” — malumanay na paliwanag niya. Nanatili naman akong naka-tingin sa kanya na para bang hindi lubos na maunawaan ang sinasabi niya. “Just like what I've said, maswerte ka at malakas ang kapit ng bata, but it can change at any moment... and there are instances na hindi ka nga makukunan, but there are big possibilities that abnormalities may occur to your future child and worst.. to you..” — dugtong niya pa.
Marami pa siyang pinaalala at sinabi pero hindi ko na iyon napakinggan dahil para bang lumipad na bigla sa ibang dimensiyon ang isip ko.
Pina-stay pa ako ng ilang minuto sa clinic at pina-ubos ang laman ng dextrose bago ako pina-alis.
Halos para akong bangag na naglalakad pabalik sa bahay namin ni Diana. Bigla akong nakaramdam ng kaba at matinding takot.. para akong nababalisa pero masyado akong lugmok para ipakita iyon.
Halos isang buwan na akong nanatili dito sa tondo at masasabi kong sa mga araw na ipinanatili ko rito ay pinilit kong hindi alalahanin ang mga bagay na naiwan ko sa nakaraan ko. Pero dahil sa narinig kong balita kanina.. para bang bumalik lahat.. lahat ng sakit at lungkot na ngayon ay tila ba nahahaluan na ng galit.
Bumalik lang ako sa wisyo ng nasa tapat na ako ng bahay namin ni Diana. Naka-yuko akong pumasok at muling nag-isip.
“Surprise!”
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Fiction généraleSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved