Enemy #69

433 54 0
                                        

(Play the featured music above as you read this chapter.

Title: Someone to stay
By: Vancouver sleep clinic ☘️)

Read at your own risk.

-

Lindy's POV

Halos tatlong araw na ang nakaka-lipas matapos ng monthsary namin ni halimaw pero hindi parin ako maka-move on sa sarap ng pakiramdam.

Ngayong araw iniisip-isip ko yung mga sinabi ni Bonnita na pinamagatan niyang Bonnita's list para raw mapatatag ang relasyon namin ni Jao.

Nagawa ko na ang pang una kung saan dapat raw ay isurpresa ko si halimaw kaya naman ay gumawa ako ng explosion box para sa kanya. Nang matanggap ni Jao ang regalo ko ay labis ang tuwa niya lalo na't pinag-hirapan ko raw yun.

Ngayon naman ay gagawin ko ang pangalawa sa Bonnita's list kung saan kailangan raw ay maging malambing rin ako kay Jao para naman hindi siya mag-sawa.

Hanggang ngayon ay iniisip-isip ko parin kung paano ko ba papalambingin ang sarili ko, eh hindi naman kasi ako ganoong uri ng tao. Parang may kung anong hiya rin kasi akong nararamdaman pag naiisipan kong maunang mang lambing sa kanya. Kadalasan kasi ay siya ang nang-lalambing kaya't medyo hindi ako sanay.

'Jusko naman Lindy, eh nag halikan na nga kayo eh, tapos pang-lalambing lang nahihiya ka? Aba.'

"Anak?" - napa-tigil ako sa pag-iisip ng maramdaman ko ang pag pasok ni papa sa kwarto ko.

"Papa.." - usal ko atsaka sinalubong siya ng yakap.

"Oh, bat nagkukulong ka lang sa kwarto mo? Ayaw mo bang lumabas manlang?" - tanong niya atsaka umupo sa aking kama.

"Tinatamad po ako eh, atsaka may iniisip rin po ako." - baton ko.

"At ano namang iniisip ng baby girl ko?" - tanong ulit ni papa.

Hmm, eh ano kaya kung hingin ko ang opinyon ni papa? Baka naman maka-tulong yun para sa plano ko.’

"Uhm, iniisip ko po kasi kung paano maging malambing eh." - honest kong sagot.

"Malambing? Bakit, sino ba yung lalambingin mo?" - nagtatakang tanong ni papa.

Bigla ko namang nakagat ang labi ko ng muntikan ko nang masabi ang pangalan ni Jao.

"A-ah.. yung k-kaibigan ko po, si Bonnita.. hindi po kasi ako ganoon kalambing sa kanya." - pagsisinungaling ko.

Mukha namang naniwala si papa at hindi na nag tanong pa.

"Alam mo 'nak, hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo na maging malambing eh.. dahil kusa kang lalambing dahil sa pagmamahal mo sa isang tao." - sambit ni papa.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon