Enemy #43

549 62 1
                                    

Lindy's POV


They said, the biggest weapon that an emotion could ever use is the mouth. Because the mouth became uncontrollably dangerous when an emotion gone to it's extent.

I let go a deep sigh as took my last glance in the mirror. 7:00 am palang pero pupunta na ako ng ganito kaaga sa school para sa practice namin sa aming banda, tutal ay by 9:30 am pa naman ang start ng klase namin ngayong araw.

Hindi ko maiwasan ang mapa-busangot habang naglalakad patungo sa music room. I really feel uneasy kapag ganitong may away kami ni Jao. Naapektuhan ang mood ko lalo na kapag iniisip ko kung kaninong side siya kumakampi. Tsk di makatarungan.

Pagka-pasok sa music room ay wala pa si Ulap kaya napag-desisyunan nila kuya Rey na intayin muna ito bago mag simula. Halos hindi ko na napansin ang mga kulitan nina Henry at Manny dahil para bang wala ako sa mood para rito.

Hays. Kasalanan ko ba talaga? Ano ba kasing ginawa ko para magalit siya?’

Napa-pikit ako ng mariin atsaka napa-hawak sa aking sintido. Sofia, you're stressing me out!

Tulog?” — bigla akong napadilat ng marinig ang boses ni Ulap na halatang kakarating lang. Hindi naman ako bumaton atsaka umayos na ng upo at itinuon ang atensiyon kay kuya Rey na kasalukuyan ay nasa gitna na pala ng stage at handa nang mag salita.

“Okay, since kumpleto na tayo, siguro naman maaari na nating simulan ang practice para na rin hindi tayo mag habol ng oras.” — panimula ni kuya Rey na sinang-ayunan naman ng lahat. “So bago ang lahat, ito pala yung mga napili kong kanta na siguro naman ay familiar kayo. So para sa opening, tutugtugin natin yung ILYSB by LANY. So diyan sa part na yan, kaming dalawa muna ni Prinsesa ang kakanta. Okay lang ba iyon sa inyo?” — dugtong pa niya.

“Yes boss!” — baton naman nina Henry at Manny.

Halos hindi ko maituon lahat ng atensiyon ko sa kanila at parang bangag lang na naka-tingin pero lumilipad ang utak sa ibang planeta.

“Ayos ba iyon prinsesa?”

Parang ang bigat ng katawan ko ngayon, halos di ko mawari kung magkakasakit ba ako o ano.

“Prinsesa?”

Nakaka-tamlay. Ang pangit sa pakiramdam.

“Hoy!” — halos magulat ako ng maramdaman ko ang may kalakasang pag-siko ni Ulap sa balikat ko. Tumingin naman ako sa kanya ng may halong pagtataka at nakita kung paano naka-kunot ang noo niya habang naka-tingin sa akin. “Kanina kapa tinatawag ni Rey oh.” — bulong niya dahilan para agad akong mapa-lingon sa harap.

Muli akong nagulat ng makitang titig na titig na sa akin sina Kuya Rey, Henry, at Manny. Napa-yuko naman ako ng makaramdam ng konting hiya.

“Sorry.”mahinang usal ko atsaka nag-angat na muli ng tingin. “Paki-ulit nga, hehe.” — pilit na ngiting usal ko para mawala ang awkwardness na aking naramdaman dahil sa sariling katangahan.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon