Enemy #67

350 55 0
                                    

Lindy's POV

fvck.

“Oy! Anak ng-- wag kayong gumitna! Tsk!”

Nag madali akong mag lakad patungo sa direksiyon ni Henry ng makita kong hirap na hirap na ito sa kakasaway sa limang kasama.

“Henry!” — tawag ko sa kanya atsaka inikot ang paningin.

“P-prinsesa.. patulong nga.” — usal niya habang hawak-hawak ang laylayan ng damit ni kuya Rey na naka-higa na sa sahig.

Halos amoy na amoy ang mga alak sa kanilang mga bibig kaya naman ay kunot noo ko silang tiningnan isa-isa.

Nakita ko si Cloud sa gilid ng kalsada na tulog na tulog, at si Manny na katabi lang niya at nag-susuka. Nakita ko rin sina Ethan at Jao na nasa kabilang gilid ng kalsada at kinaka-usap ang poste!

Wtf.

“Henry, ano bang nangyari?” — inis na tanong ko atsaka tinulungan siyang buhatin si kuya Rey papasok sa sasakyan.

“Napasobra sa inom eh.” — baton niya.

Batid kong naka-inom rin si Henry, pero di tulad ng lima ay hindi ito ganoon ka lasing.

Sunod naming binuhat si Cloud na tulog na tulog at si Manny na ngayon ay naka-tulog na rin.

Halos pawis na pawis na kami sa kakabuhat sa kanila kaya naman ganun nalang ang gulat namin ng makitang papalabas nanaman ang tatlong nauna naming ipasok sa sasakyan.

“Wtf!” — usal ko atsaka hinila si Manny na muntikan nang masagi ng may dumaang sasakyan.

Pagka-lingon ko kay Henry ay nakita ko itong hirap na hirap rin sa pag saway kina Cloud at kuya Rey na ngayon ay nagtatawanan habang kunyareng nag gigitara.

“Hoy wag kayong maingay, baka magising sila mama.” — pagsasaway ko pero di parin sila nakikinig.

Halos nakaramdam ako ng inis sa sobrang kakulitan nila kaya naman ay gigil kong hinila ang tainga ni Manny atsaka ipinasok siya muli sa loob ng sasakyan at nilockan ito.

Sunod ko namang nilapitan sina Cloud at kuya Rey na kumakanta ng malakas na animo'y nag babanda. Tsk!

“Hoy, nakaka-bulabog kayo.” — inis na usal ko, pero parang wala lang silang narinig at ipinag-patuloy lang ang pag kanta.

'Jusko, ganito pala malasing tong mga to!'

“Hoy pumasok na kayo sa sasakyan.” — usal ko atsaka hinila si Ulap papuntang sasakyan. Nagpa-hila naman ito pero sige parin sa pag kanta.

Nang matagumpay namin silang maipasok ay sunod kong nilapitan sina Ethan at Jao na siyang pinaka-kalmado sa kanilang lahat.

Kasalukuyan nilang kinaka-usap ang poste habang gumegewang pa sa sobrang kalasingan. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila habang si Henry ay naiwan sa kotse kasama ang tatlo.

“Hi miss beautiful..” — narinig kong usal ni Ethan atsaka hinaplos-haplos ang poste na animo'y may mukha ito.

“Can I get your number? Or can I get you instead?” — narinig kong usal rin Jao atsaka hinaplos rin ang poste.

Nanatili lang ako sa likuran nila habang pinagmamasdan sila hanggang sa magulat ako ng makita kong bumaba ang pag hawak ni Ethan sa poste na para bang may dibdib ito.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon