Lindy's POV
Naghanda ako para sa summer outing naming lahat, napag-desisyunan naming mag overnight swimming sa isang hindi sikat na resort para hindi gaanong marami ang tao.
At tulad nga nang ini-expect ko, halos walang tao sa buong resort pero sobrang ganda ng ambiance ng place. Maaliwalas siya at ang ganda ng theme nitong "green forest"
Pumasok kami sa mga kwarto namin para ayusin ang aming mga gamit. Kaming tatlo nina Jao at Sofia ay nasa isang room lang with two beds. Sabi kasi ng mama ni Jao ay mas mainam daw ito para magkaroon ng bonding kaming tatlo.
‘Ano daw? Bonding? Psh, eh kanina pa habang nasa byahe nila ako hindi pinapansin eh. Minsan nga gusto ko silang sigawan para sabihing, hello! andito rin ako! yuhoo! pansinin niyo ako. Tch.’
Matapos ko mag-ayos ng gamit ay bumaba na kami para kumain at magliwaliw. Halos buong oras habang kami ay nasa hapag-kainan ay para lang akong hanging bangag sa mesa. Paano ba naman, sila mama at sina tita at tito yung mga magkakausap tas sina Sofia at Jao naman yung magka-chismis. Kung nagtataka kayo kung nasaan ang papa ni Sofia ay wala na ito, her father died when she was still young.
Wala talagang nakikipag-usap sa akin, para akong na-oout of place sa kanila kaya naman pagkatapos kong kumain ay nagpaalam ako upang makapag-lakad-lakad pero parang di rin naman nila yun narinig kaya hinayaan ko nalang iyon at umalis na.
Nilibot ko ang buong resort at na-amaze sa ganda nito. Parang naging mini zoo na siya dahil meron ding iba't-ibang uri ng hayop sa loob ng resort. Merong ostrich, rabbits, snakes, monkeys, at iba pa.
“Sige na honey, pose ka dyan pipicturan kita.”
Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ng boses sa di kalayuan. May ibang tao pala dito.
Sinundan ko kung saan nagmumula ang mga boses. Pagkasilip ko ay tumambad sa akin ang isang pigura ng lalaki. Parang familiar siya, hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Napakunot ang noo ko at mas pinahaba pa ang aking ulo para makita yung kasama niya, at halos manlaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino sila!
Si doctora iyon na isang psychiatrist. Yung nag-assist sa akin nung ipina-mental ako ni halimaw!
“Ayusin mo yung kuha honey ha? Ipopost ko yan sa IG.” — Halos kilabutan ako ng marinig ang tawagan nila. Grrr seryoso? Honey talaga? Idagdag mo pa yung age gap nila. Ayoko maging judgemental ha, pero feeling ko gold digger tong lalaking to. Hays. Whatever.
Aalis na sana ako ng biglang may tumawag sa akin.
“Miss Valleña?” — napalingon ako at nakitang malapit na silang dalawa sa akin. “Oh, I know it's you. So how are you ija?” — dugtong pa ni doc habang ngiting-ngiti. Napaka-creepy talaga, idagdag mo pa yung malaking bunganga niya with red lipstick.
“Okay lang naman po ako.” — sagot ko sa kanya sabay tingin sa kasama niya. Nag-usap lang kami ng konti then we already part our ways.
Pagbalik ko sa cottage ay wala na silang lahat. Tapos na pala silang kumain at hindi ko na mahagilap kung saan pumunta kaya naman napag-desisyunan kong maligo nalang sa pool ng mag-isa, gusto ko rin 'tong sulitin lalo na't uuwi rin kami agad kinabukasan.
Pumunta ako sa room namin para mag palit ng pang swimming. Naabutan ko naman roon sina Jao at Sofia na nagtatawanan.
“Hey, Lindy 'san ka pumunta?” — tanong ni Sofia in tagalog with american accent. Mas gumaganda lalo yung boses niya pag nagtatagalog siya. Napaka-fast learner talaga niya.
“Diyan lang, nagpahangin.” — tipid na sagot ko sabay ngiti. Bago pa sya makasagot ulit ay pumasok na ako sa CR para magbihis ng pang swimming. Nag shorts lang ako at nag spaghetti strap na magka-terno, tutal hindi masyadong mainit dahil makulimlim ang langit at 4 o'clock na rin.
Pagkalabas ko sa CR ay tinanong ako ni Sofia kung mag siswimming daw ba ako, sa huli ay napag-desisyunan nilang sumama. Pinauna na kami ni Sofia sa pool at susunod nalang daw siya.
Habang naglalakad palang kami ni Jao papuntang pool na may kalayuan ay mahahalata ang katahimikan sa amin. Hindi ko alam kung kailan kami huling nag-usap ngayong summer. Nakakalungkot.
Nagulat ako nung bigla niya akong batukan kaya napatingin ako sa kanya ng masama.
“Bat naka-simangot ka dyan?” — tanong nya habang nakangiti.
Binatukan niya ako..
Namiss ko to...
Imbes na sumagot ay sinuntok ko siya sabay takbo ng mabilis. Ramdam ko namang nakasunod siya sa akin. Ewan ko ba at para akong asong ulol na nakangiti habang tumatakbo. Siguro kasi namiss ko to... itong kulitan namin.
Pag dating ko sa pool kung saan nakatayo ako ng 1 ft apart ay nilingon ko si Jao habang tumatakbo papalapit. Hindi ko alam pero parang nag slow motion ang lahat habang tumatalon-talon yung buhok niya dahil sa pag lundag. Habang papalapit siya ng papalapit ay nakita kong naka-amba ang kamay niya para itulak ako sa pool. Naalerto naman ako at umiwas dahilan para siya ang mahulog.
Pag angat ng ulo ni Jao sa tubig ay tumingin ito sa akin habang ako naman ay nakapameywang habang naka-taray look sa kanya na parang nang-aasar. Napansin ko naman napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. Nainsecure ako bigla. Ano kayang iniisip niya?
At para namang nabasa niya ang iniisip ko kasi agad itong sumigaw ng “ANG TABA MOOO!” Sabay wisik sa akin ng tubig. Agad akong tumalon sa pool para makaganti, at laking gulat ko ng hanggang leeg na pala sa akin yung tubig. Akala ko mababaw lang kasi hanggang dibdib lang naman ito ni Jao. Buti nalang at marunong ako lumangoy.
Lumapit ako sa kanya at winisikan din siya ng tubig. Gumanti naman siya hanggang sa nag wisikan na kaming dalawa.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko. Namiss ko to. Yung itong kulitan namin.
“Jao--” — hindi na natapos yung sasabihin ko ng biglang dumating si Sofia. Naka-two piece ito at kitang-kita ang balingkinitan nitong katawan. Para itong star model na sasali sa fashion show. Napaka-perpekto.
“Jao, teach me how to swim.. Please?” — ani nito habang naka-pout pa. Sa isang kisap mata ay nilapitan siya ni Jao. Napangiti ako ng mapait habang nakikita kung paano niya tinuturuan si Sofia. Naiwan nanaman ako.
Hinayaan ko nalang sila at naglangoy nalang ng naglangoy hanggang sa magsawa. Nang mapagod ay naisipan ko munang magpahinga sa gilid, at sa hindi naiwasang pagkakataon, may kung ano sa usapan nila ang naka-agaw sa aking atensiyon.
“Jao, I will be staying here for good.” — ani ni Sofia.
Tila ba nag paulit-ulit ang sinabi niya sa isip ko. Hindi ako naka-imik lalo na ng makita si Jao na nagsisimula nang magdiwang dahil 'ron.
to be continued..
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved