Enemy #15

541 68 0
                                    

Lindy's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko mula sa pagkaka-pikit ng makaramdam ng sakit sa aking buong katawan. Asan ako? Wala akong ibang makita kundi ang aking sarili sa isang maliit at puting silid.

Sinubukan kong igalaw ang aking katawan pero mabilis lang ring napa-daing ng maramdaman ang aking panghihina. My energy seems to be in its lowest point, making it hard for me to move my muscles.

Sinikap kong makaupo habang nababalot parin ng pagtataka. Pilit ko pang isinasa-wisyo ang aking sarili para maalala ang mga nangyari. And there, a memory from yesterday flashes on my eyes in a blink of an eye.

Mabilis kong inikot ang mga mata ko para hanapin si Jao, but saw none. The anger I'm currently feeling is aggressively worse, at alam kong sa kahit anong minutong pag-sulpot ni halimaw ay hindi ako magdadalawang isip na saktan siya.

My anger regained my energy. Sa isang iglap ay nagawa kong tumayo at makalapit sa pinto para lumabas. And when I finally sent myself out of the room, halos malula ako sa haba ng puting hallway na tumambad sa akin. The silence is so deafening, making it possible to hear even just a single drop of water.

Bigla akong napahawak sa aking ulo habang tinatanaw ang magkabilaang hallway. Asan nga ba dito ang daan papalabas?

Sa huli ay napag-desiyunan kong lakarin ang hallway na nasa kaliwang bahagi. I thought everything was already okay, but then I realized that it was the biggest mistake I ever made. Ang mga nurse ay nabahala ng makita akong nakatayo sa harap ng information desk. Yes, I saw the information desk... unluckily.

“I want to discharge myself.” — sambit ko na pasadyang inunahan ang nagbabadya sanang pagsalita ng babaeng nurse.

Hindi sila sumagot at nagkatinginan lang sa isa't-isa. Napa-buntong hininga naman ako dahil sa inasal nila.

“Sabi ko gusto ko nang magpa-discharge. Haler? Anong klaseng ospital 'to at hindi niyo inaasikaso ang pasyente niyo?” — mataray kong wika na hindi naman nila ulit sinagot.

Handa na sana akong magsalita ulit ng biglang may dalawang lalaking nurse ang humawak sa magkabilang braso. Sa sobrang bilis nilang kumilos ay hindi ako naka-imik. And before I even open my mouth, nakita ko na ang isang pamilyar na puting tela na pilit nilang ipinupulupot sa akin.

“H-hey! Anong ginagawa niyo? Bitawan niyo ako!” — pagpo-protesta ko pero hindi sila nakinig at pilit akong hinila sa kwartong kinalalagyan ko kanina.

Wala akong ibang ginawa kundi ang mag pumiglas, pero hindi naging madali iyon dahil sa aking kalagayan. I screamed my lungs out because of anger. Kahit kasi ata anong pakiusap ko sa mga nurse ay hindi ako nito pinapansin.

Wait, stop it.”

Lahat kaming nasa kwarto ay natigilan ng mangibabaw ang boses na iyon. Sa hindi naman maipaliwanag na dahilan ay dali-daling sumunod ang mga nurse sa utos niya at binitawan agad ako.

Based on her attire I would say that she is the psychiatrist. Halata naman.

Leave us alone.” — ngiting-ngiti nitong sambit habang nakatingin ng deritso sa mga nurse, sumunod rin naman ulit ang mga ito at lumabas na ng walang pasabi.

Umupo ako ng maayos sa kama at tumitig sa kanya. Sa tingin ko base sa itsura niya ay nasa mid 40's na siya.

Dahan-dahan itong lumapit sa akin habang malapad parin ang ngiti.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon