Enemy #44

590 61 4
                                    

Lindy's POV


They said, once you promised something to a person, you already have an obligation to do it no matter how it takes.’

Jao, naalala mo paba yung mga sinabi mo noon? Sabi mo kahit anong mangyari dapat lagi tayong nasa tabi ng isa't-isa sa oras ng pangangailangan.. nakalimutan mo naba? I guess yes. Kasi kailangan kita.. kailangan ko ng kakampi pero kusa mo iyong ipinagkakait sa akin kapag pinag-tatanggol mo siya.

Pinahid ko ang aking luha ng makarating na kami sa aming destinasyon ni Ulap. Nasa loob parin kami ng school pero medyo malayo na sa mga classrooms dahil itong area na 'to ay puro na mga puno at matataas na damo ang makikita.

Puno man ng pagtataka kung bakit kami napadpad rito ay hindi ko nagawang mag reklamo dahil parang anytime na magsasalita ako ay handa nanamang tumulo ang panibagong balde ng luha mula sa mga mata ko.

“Fix yourself.”

Bigla akong napalingon kay Cloud ng mag salita siya. Nasa ibang direksiyon siya naka-tingin pero alam kong ako ang tinutukoy niya. Duh, wala naman siyang ibang kasama dito bukod sa akin.

Hindi ako sumagot at patuloy paring tumitig sa kanya. Maya-maya pa ay nakita ko itong umupo sa ilalim ng puno atsaka bored na tumingin sa akin.

“I said fix yourself.” — ani niya atsaka nag sindi ng sigarilyo. “Para kang nagahasa.” — dugtong pa niya atsaka bumuga ng usok.

Hindi naman ako sumagot at inayos nalang ang damit ko na medyo nalukot pa dahil sa ginawa ni Sofia, matapos ay umupo ako agad sa tabi niya atsaka nag pakawala ng malalim na hininga.

Pakiramdam ko medyo gumaan ang pakiramdam ko habang nilalasap ang sariwang hangin na dumadaan sa aking mukha.

“You know what..” — bigla akong napalingon kay Ulap ng bigla itong mag salita. “..whenever I need a break, dito sa lugar na 'to ako pumupunta. This place refreshes my mood everytime.” — dugtong niya atsaka sumindi ng panibagong yosi.

Napasandal naman ako sa trunk ng puno atsaka pumikit. Hindi pa man ako nananalamin ay ramdam ko na ang pamamaga ng mata ko dahil sa pag iyak kanina.

Huminga ako ng huminga na para bang nagbi-breathing exercise hanggang sa hindi ko namalayan ang pagpakawala ng isang maikling hikbi sa pagitan ng aking pag hinga.

‘Hindi nako umiiyak pero napapa-hikbi parin ako. Ganito naba talaga kabigat ang nararamdaman ko? Tsk’

Pagka-dilat ko ay saktong nag-tama ang paningin namin ni Ulap kaya naman ay bigla ko siyang kinunutan ng noo. Napa-tikhim naman ito atsaka muling nag buga ng usok sabay nag kibit balikat.

“I don't know anything..” — mahinang usal niya, napatitig naman ako sa kanya na para bang nagtataka. Halatang napansin naman niya ito atsaka agad nag salita. “What I'm saying is.. chismisan mo ako.. I want to know what happened earlier.”

Halos hindi ko maiwasan ang matawa dahil sa sinabi niya. Psh, ang seryo-seryoso tapos chismis lang pala ang habol? Hahaha dinala-dala niya ako dito para lang maka-kalap ng chismis. Tsk.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon