(Play the music above as you read this chapter.
Featured music: Invisible
By: Hunter Hayes 🍃)-
Lindy's POV
‘They said, every words that are used to describe wrong decisions are all just a mere judgement, because in every path that a person takes, there is still a bright side to look up to. No matter how wrong it is in other people's perspective.’
Halos manginig ang kamay ko habang maingat naming inilalagay ang mga naligpit kong gamit sa kotse ni Jao..
Pumayag akong makipag-tanan sa kanya.. Hindi ko alam kung ano pa ang ibang pinaplano niya pagka-tapos nito pero wala akong magawa para tumanggi.
Naka-handa na pala ang mga gamit niya kanina pa kaya naman ay binilisan ko na rin ang pag-aayos ng sa akin.
“A-ano ng gagawin n-natin pagkatapos nito?” — halos nauutal kong tanong ng masaayos na ang lahat.
“Kailangan natin bumalik sa garden para hindi sila makahalata, tapos mamaya tatakas na tayo.” — seryosong baton ni Jao.
Bigla akong napalunok ng biglang magkaroon ng tunog mula sa itaas. Fireworks. Noche Buena na! Paskong-pasko pero heto kami ni halimaw, iniisip ang aming plano.
“Mauuna akong pumunta sa garden, sumunod ka nalang makalipas ang ilang minuto para hindi tayo mahalata.” — sambit ni Jao, tumango naman ako sa kanya bilang baton.
Tulad ng sinabi niya ay nag-intay ako ng ilang minuto bago pumunta sa garden.
Malayo palang ako ay kitang-kita ko na ang kumusyong nagagaganap sa pagitan ni tita Jayda at Jao habang ang iba naman ay naka-tingin lang sa kanila.
Saktong pagkarating ko sa pwesto nila ay halos kitang-kita ko at rinig na rinig ang malutong na sampal ni tita kay halimaw.
“How dare you, Jao!” — sigaw ni tita.
Nalilito akong tumingin sa iba pa naming kasama at nagulat ng makitang umiiyak si Sofia habang inaalo ni tita Solenn.
‘Wtf? Anong nangyari? Ilang minuto lang akong nawala tapos ganito?!’
“A-ano pong m-meron?” — nauutal kong tanong.
Marahan akong napa-atras ng halos lahat sila ay lumingon sa akin ng may masamang tingin.
Nagulat pa ako ng biglang lumapit si Sofia sa gawi ko at dinuro ako.
“Y-you! Paano mo nagawa sa akin to ha?! Akala mo ba hindi ko kayo nakita ha?! I saw the both of you hugging!” — sigaw ni Sofia habang humahagulhol sa pag-iyak. “Paano mo nagawa sa akin to gayong alam mo namang nililigawan ako ni Jao?!” — dugtong niya.
Wtf?
Agad kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. What is she acting up again?
“A-ano ba yang sinasabi mo?” — tanong ko.
Napangiti siya habang umiiling-iling.
“Sinundan ko si Jao kanina nung umalis siya! Tapos magugulat nalang ako na nagyayakapan na pala kayong dalawa!” — malakas niyang sambit. “Grabe ka Lindy! Patalikod ka pala kung tumira! Ahas ka!”
Hindi ako nakasagot. Namuo ang matinding kaba sa aking dibdib habang naka-tingin kay Jao na ngayon ay nakayuko.
“Lindy, what is the meaning of this? A-akala ko ba nag hiwalay na kayo ni Jao?” — singit ni mama habang naglalakad papalapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Ficción GeneralSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved