Enemy #85

334 40 4
                                    

Lindy's POV


Kinabukasan ay agad rin kaming umuwi mula sa masaya naming camping. Naki-tulog pa muna ang mga gin kapitan sa aming apartment saglit bago magsi-alisan.

Lumipas ang ilang araw at mas sinulit namin ni halimaw ang pagpapahinga. Halos buong araw lang kaming naka-hilata dahil alam naming pag mag simula nanaman ang pasukan ay matinding kapaguran nanaman ang kakaharapin namin.

Kasalukuyan kami ngayong kumakain ng dinner ni Jao. Nag luto siya ng dalawang itlog samantalang ako naman ay nag presinta para mag hugas ng mga plato pagka-tapos naming kumain.

“Yung mga gamit mo ba maayos na?” — tanong niya habang sumusubo ng pagkain.

Hindi ko naiwasan ang mapa-ngiti sa kung paano parang nag mistula siyang tatay sa itinanong niya.

“Yes po tatay.” — pabiro kong baton. Agad naman siyang lumingon sa akin ng may naniningkit na mata.

Mas lalo akong napa-ngiti ng makita ko ang munting mga bigote sa ilalim ng ilong niya. Damn, those mustaches are attracting me.

“Oh, bat ka naka-ngiti? May dumi ba 'ko sa mukha?” — tanong niya na animo'y na-conscious at sinimulang hawakan ang mukha niya para linisin ito.

“Wala.”I responded while smiling. “Na-cucutan lang ako sa bigote mo.” — dugtong ko.

Napansin ko ang pag lipat ng kamay niya papunta sa bigote niya at hinamas-himas ito.

“Hmm, i-shave ko to mamaya.” — usal niya.

“Wag..” — mabilis kong baton.

Agad na kumunot ang noo niya dahil sa ibinaton ko.

“Why?” — he asked.

“I like guys with mustache. Mas attracted ako sa mga ganun.” — naka-ngiting baton ko.

“Tss. So attracted ka sa mga matatanda?” — tanong niya na naniningkit pa ang mga mata.

I just rolled my eyes before answering him.

“What I mean is.. mas naging attracted ako sayo dahil sa bigote mo.” —  Sagot ko.

“Tss. May crush ka ata sa tatay ko eh.” — usal niya na nakapag-pataas naman ng kilay ko. “Eh nagiging kamukha ko si papa pag may bigote ako eh.” — dugtong niya.

Pinag-masdan ko ang mukha niya atsaka napag-tantong nagiging kamukha nga niya si tito Orlando dahil sa bigote niya.

“Wtf Jao? Pati papa mo pagseselosan mo?” — di maka-paniwala kong tanong.

I was just joking that time pero bigla akong sumeryoso ng bigla kong narinig ang pag buntong hininga niya bago tumingin sa akin ng deritso.

“I am not jealous of my father.” — sambit niya atsaka muling huminga ng malalim. “You know what lawlaw, hindi ko na maintindihan ang sarili ko.. pakiramdam ko may nagbago sa akin pati na rin sa paniniwala ko.” — dugtong niya.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon