Enemy #65

377 56 2
                                    

Jao's POV

Simula na ng pasukan para ngayong second sem. Kasalukuyan ako ngayong naka-sandal sa kotse ko habang iniintay ang pag labas ni lawlaw.

I can't help myself to smile habang iniisip na araw-araw kaming sabay na papasok ng girlfriend ko. Though up until now hindi ko parin maintindihan kung bakit kailangan pa naming itago ang relasyon namin sa mga magulang namin.

"Halimaw.." - bigla akong napa-ayos ng tayo ng marinig ko ang pag tawag na iyon ni lawlaw.

She is smiling brightly at me as she walks in my direction.

"Good morning, susunduin na nga pala kita. Bumyahe talaga ako ng malayo para masundo ka." - biro ko habang naka-ngiti.

Nakita ko namang natawa siya dahil rito.

"Loko, eh parehas lang naman yung lupa na tinitirikan ng bahay natin eh." - natatawang usal niya.

Hindi ko ba alam pero ng makita ko ang pag tawa niya ay parang bigla akong natameme. Damn, she's fvcking beautiful.

Everyday, little by little, I am being mesmerized by the way she smiles.

"Hoy tara na."

Dati pa man ay ramdam ko na ang attractions na nililikha ng puso ko kay lawlaw, pero hindi ko iyon nagawang pansinin dahil sa thought na para sa akin, isa lang siyang masungit at brutal na enemy.

"Jao, let's go?"

Tingnan mo nga naman kung gaano mapag-laro ang tadhana.. sino bang mag-aakalang ang dating parang aso't pusa ay magkakatuluyan pala?

"Halimaw, ano tutunganga ka nalang diyan?"

Halos hindi ko maiwasan ang mapa-ngiti habang inaalala ang mga habulan namin ni lawlaw noon pa mang highschool days. We've really built such a great memories, pero di tulad ng iba ang mga memoryang nabuo namin ay pawang mga patungkol sa pag aaway.

"Halimaw!"

Halos bigla akong natauhan ng marinig ko ang malakas na pag sigaw ni lawlaw sa tainga ko.

"H-ha?" - gulat na usal ko habang lumilinga-linga.

"Ano bang nangyayari sayo at naka-tulala ka diyan?" - nagtatakang tanong nito.

Agad naman akong napa-pikit ng mariin ng mapag-tantong lumipad nanaman pala ang utak ko sa kaka-isip.

"W-wala.. tara na?" - naiusal ko nalang atsaka pinag-buksan si lawlaw ng pintuan. Nakita ko naman ang pag kibit balikat niya at pumasok na sa sasakyan.

Halos naging tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating na kami sa university.

Tulad ng unang araw ng pasukan ay napaka-rami ng taong nag uunahan sa parking lot, at dahil parang nata-traffic na ang buong Paligid ay pina-intay ko nalang si lawlaw sa gate habang pina-park ang kotse ko.

Nang matapos akong mag park ay naka-ngiti akong nag lakad papunta sa pwesto ni lawlaw. Pero di pa man ako tuluyang nakaka-lapit sa kanya ay may narinig na akong dalawang lalaking freshmen rin mula sa di kalayuan na halatang siya ang pinag-uusapan.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon