Enemy #47

511 63 7
                                        

Lindy's POV


--Saturday

Birthday na ngayong araw nina Jao at Cloud. Mula sa aking veranda ay sinilip ko ang aming garden kung saan gaganapin ang party ni halimaw at biglang napangiti ng makitang nasa ayos na ang lahat.

Nag hire sila ng organizer para sa party mamaya kung saan mayroong emcee para sa event at may mga malalaking speaker ang nakapalibot sa malawak na garden. Base sa invitation na ipinamigay ni halimaw ay 6:30 pm pa ang simula ng party at ang bawat isa ay dapat mag suot ng pulang tuxedo at pulang dress dahil nasa plano na ng party na dapat siya lang ang maiiba ang kulay ng susuotin. Si Jao ay naka-takdang magsuot ng white tuxedo para mamaya.

Kanina ay nag shopping kami ni mama para bumili ng susuotin para sa party ni Jao. Pinili ko ang simpleng red cocktail dress na above the knee kung saan kita ang kalahati ng hita ko.

Sinilip ko muli ang regalo na ibibigay ko kina Jao at Cloud, maayos na ang pagkaka-balot nito. Balak ko sanang ibigay na ngayong hapon ang regalo ko para kay Cloud pero hindi ito bumabaton sa mga tawag at text ko. Kanina ay pumunta ako sa ice cream shop para personal sana na batiin siya pero ganon nalang ang pagka-dismaya ko ng makitang sarado ito.

Dalawang oras nalang at magsisimula na ang party. Excited akong nag-ayos para sa special day ni halimaw, natutuwa akong isipin na muli naming makikita ang mga batch mates namin mamaya. Medyo matagal na rin kasi simula noong magkita-kita kami. Balita ko pa naman ay dadalo rin si Mr. Esquilla (ang aming principal dati) sa party ni Jao.

Hindi ko namalayang medyo napatagal na pala ako sa pag-aayos dahil halos 6:00 pm na ng ako ay matapos.

Muli akong sumilip sa garden mula sa aking veranda at napangiti ng makitang unti-unti nang dumadami ang mga bisita. Mula dito sa taas ay kitang-kita ko ang presensiya ng aking mga batchmates at ang aking mga kasalukuyang kaklase na pawang mga naka-pula. Naka-ngiti akong sinilip ang aking sarili sa vanity mirror. I look great tonight. Hopefully mapansin ni Jao ang ginawa kong pag-aayos para sa kanya.

Bumaba ako at pumunta sa garden para batiin ang aking mga ka-batchmates. 15 minutes nalang at magsisimula na ang party pero hindi ko parin nakikita si Jao. Nag-usap'usap kaming lahat tungkol sa mga kursong aming kinuha at ang mga struggles na aming kinakaharap bilang college students hanggang sa dumating na ang oras ng pagsisimula ng party.

“Our birthday celebrant has arrived!” — sigaw ng emcee kaya naman ay lahat ng bisita ay nagsitayuan para silipin ang kotseng dumating.

Napangiti ako ng makita si halimaw na bumaba sa kanyang sasakyan. Ang pogi niya hehe. Tulad ng aking inaasahan ay naka- white tuxedo at white slacks siya na pinaresan ng white shoes. Naka-taas rin ang mala-San Guko niyang buhok na mas lalong nagpadagdag ng kanyang appeal. Nakita kong pumwesto siya sa pinto ng passenger seat at dahan-dahan iyong binuksan. Napa-kunot naman ang noo ko habang inaaninag ang babaeng inaalalayan niya. At halos mag-laho ang ngiti ko ng makita ko ang naka-ngiting mukha ni Sofia habang naka-white long gown.

'Parehas silang naka-puti. Pero bakit? Akala ko ba color red ang dapat na suotin ng mga bisita? Lumalabas tuloy na silang dalawa ang naiiba.'

“Let us acknowledge the presence of our birthday celebrant as he walks to the red carpet with his muse.” — ani nung emcee atsaka bigla nang tumugtog ang nakakahalinang musika habang patuloy paring inaalalayan ni Jao si Sofia habang sila ay naglalakad papalapit sa red carpet.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon