Enemy #95

392 40 9
                                    


Cloud's POV ☁️


'Do you ever tried finding someone who isn't lost at all? Sabi nga nila, ang pinaka-mahirap hanapin sa mundo ay ang mga bagay na di naman talaga nawawala. Paano mo nga naman mai-lilibel na nawala ang isang bagay kung lumayo naman ito ng kusa?'

Simula nung araw na sinabi namin kay tita Lydia na tutulungan namin siyang hanapin si Lindy ay agad na kaming gumawa ng aksiyon.

We contacted her old classmates at pinuntahan na rin namin ang mga lugar na posible niyang puntahan pero wala.

Hinahati namin ang oras namin sa klase para maka-tulong. Binabawasan na rin namin ang mga night out namin para maka-kalap ng impormasyon na makapagsasabi kung nasaan si Lindy.

Each day, we take our time to find her eagerly and desperately. Lalo na pag nakikita na namin ang sufferings ni tita Lydia dahil sa walang humpay na pag-aalala.


Tulad ng araw-araw naming ginagawa pagka-tapos mag hanap, sabay-sabay ulit kaming pumasok sa university para sa aming kanya-kanyang mga klase. Mababakas ang kapaguran sa mukha ng aking mga kasama dahil sa pinaghalong gawain mula sa paghahanap at mga activity sa aming kurso, pero kahit ganoon ay walang nakikitaan ng pagsuko.

"Shocks! Tanginaa talaga ng kagrupo ko sa thesis na babae! Puro pa-cute ampucha!" — daing ni Manny habang naglalakad kami papunta sa center field para doon muli maghiwa-hiwalay.

"Eh buti nga yung sayo babae eh! Eh yung sakin, tomboy na choosy! Bwisit!" — usal naman ni Ethan habang umiiling-iling pa.

Sa aming lahat ay nasa 4th year college na sila, samantalang ako naman ay nasa sophomore year palang dahil sa katarantaduhang ginawa ko nung senior highschool, kaya naman ay nanahimik nalang ako dahil hindi ako gaanong maka-relate sa thesis na kasalukuyan nilang ginagawa mula sa iba-iba nilang kurso.

"By the way, nung isang araw pala ay na-check ko na yung mga apartment at condominium dito sa lugar natin kung meron bang occupier na Lindy Valleña ang pangalan pero wala." — biglang singit ni Rey dahilan para muling matuon sa kanila ang aking atensiyon.

"Na-contact ko na rin pati yung mga lecturer niya nung highschool pero wala rin silang ideya kung nasan si Lindy." usal naman ni Henry.

Parang bigla akong nanlumo.

"Anong aksiyon na yung susunod na gagawin natin?" — tanong naman ni Manny.

Wala ni isa ang sumagot. Nauubusan na kami ng ideya sa kung saan at sa kung anong paraan paba namin mahahanap si Lindy.

She deactivated all her social media accounts at iniwan niya rin ang cellphone niya kaya naman ay hirap na hirap kaming ma-contact siya.

"Subukan natin sa mga relatives nila, baka andoon siya." — suhestiyon ko.

"Eh nagawa na yan nila Mrs. Valleña eh, wala raw siya sa ibang mga kamag-anak nila." — usal ni Henry na ikina-tahimik ko.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon