Enemy #28

471 60 2
                                        

Lindy's POV


‘Being with your favourite person is the best feeling in the world. But what if your favourite person doesn't treat you as their favorites?’

“Jao, uhh.. umuwi kana kaya? Mag-gagabi na rin oh.” — bulong ko kay Jao na ngayon ay kasalukuyang nanonood ng TV sa kwarto ko. Loko tong lalaking to, sabi sasamahan ako, eh parang pumunta lang ata 'to dito para maki-kain eh.

“Later na.” — maikling sagot nito habang binubuksan ang pangatlong chips na kinuha niya. Binatukan ko naman siya atsaka ito inagaw at tiningnan siya ng masama.

Tss, eh pumunta ka lang ata dito para ubusin yung chips ko eh!” — bulyaw ko sa kanya. Babantayan raw ako, eh mukhang siya naman yung dapat bantayan.” — bulong ko ulit habang naglalakad papalapit sa aking kama.

Aray naman, kung makapag-salita 'to parang di tayo magkapit-bahay ah. Eh nasa same lot nga lang tayo eh, kaya okay lang kahit gabihin ako.” — sambit nito habang kumukuha ng bagong chips.

Okay lang naman talaga sa akin na andito siya sa kwarto ko. Kahit nga dito na siya matulog at di na umuwi pa ay ayos. Ang kaso, iniisip ko ang sasabihin ni Sofia. Ayaw kong lumalim ang kung ano mang galit niya sa akin dahil lang sa ako ang mas pinili ni halimaw.

“Basta umuwi kana, ako nanaman papahirapan mo mag-ligpit ng mga kalat mo eh.” — sambit ko sa kanya atsaka nagsimula nang iligpit yung mga wrappers ng chips na kinain niya. Hays, ako itong may sakit, tas ako pa itong nag liligpit... ay wala nga pala akong sakit.

“Eto namang lawlaw na to oh, akala mo di tayo mag bestfriend kung paano mo ako itrato.” — baton nito habang naka-hawak sa kanyang batok.

I just rolled my eyes because of what he said. He's a year older than me, and probably more genius, but look! Mas childish pa siya kaysa sa akin!


Naputol ang pag-iisip ko ng makarinig ako ng pagkatok mula sa pinto ng aking kwarto, dali-dali naman akong tumayo para buksan ito.

“Oh, papa.”

“Hi tito Andy!”

Bati naming dalawa ni Jao habang nakatitig sa lalaking papapasok.

“Oh, andito pala kayo.” — sagot ni papa sa amin sabay upo sa aking kama.

“Ito kasing si Jao papa, ayaw umalis.” — ani ko kay papa na parang nagsusumbong.

“Aba, eh tito siya kasi, atat na atat na akong paalisin dito.” — paganting sambit namam ni Jao na para ring nag-susumbong.

Napatawa naman si papa habang naka-titig sa amin. “Hahaha, ano ba kayo para kayong mga bata. Naalala ko tuloy sa inyo yung kabataan namin ni Lydia.” sambit nito habang naka-ngiti.

Halos makagat ko naman ang labi ko dahil sa sinabi ni papa. Hindi pa alam ni papa na crush ko si Jao, pero parang feeling ko ay alam niya na ito pero di lang nag-iingay.

“Alam niyo bagay kayo.” — panunukso ni papa habang naka-ngiti sa amin.

“Papa!” — gulat na saway ko kay papa habang pinandidilatan ito. Ano ba naman kasi itong pinagsasasabi ni papa. “Alam mo kasi Jao--” — magsasalita pa sana ito pero bigla ko na siyang hinila papalabas ng aking kwarto.

“Papa, tawag ka na raw ni mama, alis kana, bye! I love you mwa!” — sambit ko sabay tarantang isinirado ang pinto. Napahinga naman ako ng malalim bago dahan-dahang pumihit paharap kay Jao.

“Hahaha ang funny talaga ni tito, bagay daw tayo oh.” — tumatawang sambit ni Jao habang naka-tingin sa ibang direksiyon.

“Hehehe oo nga eh, loko talaga 'tong si papa.” — baton ko habang awkward na tumatawa. Alis kana? hehe.” — tanong ko sa kanya na sinang-ayunan naman niya.

Oo na aalis ako.” — sambit ni Jao habang nag-lalakad papunta sa terrace ng aking kwarto para tumawid na papunta sa kwarto niya. “Wag ka mag-alala, di kita gigirlfrienin, tropa tayo eh hahaha, atsaka di kita type.” — dugtong pa nito.

Literal akong natigilan dahil sa sinabi niya. Ang kaninag awkwardness na aking nararamdaman ay biglang napalitan ng hindi maipaliwanag na kirot sa aking dibdib.

Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot, dala parin ang panghihinayang sa aking sistema.

Nang mawala na siya sa paningin ko ay agad na akong pumasok sa kwarto ko atsaka isinirado ang pinto ng aking terrace.

Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang paghuharentado mula doon. Iyon yung uri ng pag tibok na masakit.. sa sobrang sakit ay para bang gusto kong maiyak.

I took a glimpse of myself at my vanity mirror and wonder what's wrong with me. Hindi niya raw ako gigirlfrienin kasi di niya ako type? Eh ano naman kaya ang hindi katype-type sa akin?

Biglang sumagi sa isip ko ang physical feature ni Sofia at doon masasabi kong luging-lugi nga ako. Halatang ipinagkait sa aki ng langit ang kagandahan ng hubog sa katawan, unlike kay Sofia na dalagang-dalaga tingnan.


Hindi ako pinatulog buong gabi sa pag-iisip. I don't even know why I am overthinking too much. Eh ano naman ngayon kung di ako type ni halimaw, diba? Ang feelings ko ay para lamang sa akin, hindi sa kanya. So kung gusto ko man siya, wala siyang pakealam dun dahil feelings ko 'to.



Kinabukasan ay umakto ako na parang walang nangyari. Pilit kong isinawalang bahala ang lahat ng sinabi ni Jao at ipinagpatuloy ang aking pamumuhay.


to be continued..

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon