(AN: Every chapters are unedited, so expect a lot of errors.
Ps; Play the song 'Ang awit Natin' as you read this chapter. 🌜)
-
Lindy's POV
‘Hindi ko alam na posible pala yung ganon.. yung mahal mo pa pero susuko kana. Yung walang iba pero bawal nang siya. Pero kung mahal mong talaga, bakit ba kailangan mong sumuko pa?’
Tulad ng ginusto ko, umuwi ako sa apartment naming dalawa ni Jao. At halos pagka-apak ko palang sa loob ay agad ko nang pinakawalan lahat ng luha ko.
Alam kong mahal niya parin ako. Ramdam ko yun... Hindi nawala ang pagmamahal niya, sumuko lang talaga siya.
He told me not to fight for him, pero hindi ko gagawin yun. I am more than willing to fight for him. Nagawa naming lumaban noon, alam kong magagawa rin namin yun ulit ngayon.
Ni minsan ay hindi ko naisip na aabot kami sa punto na isusuko niya ang pagmamahal niya sakin. Sa aming dalawa, mas maraming beses kong naisip na sumuko pero siya yung nagpaparamdam sa akin ng pag-asa na kaya naming lumaban. He brought me into this world, at ngayong nasanay na 'ko, bat kailangang bigla siyang mawala sa tabi ko?
I've seen his determinations in fighting for our love, kaya ganoon nalang kasakit para sa akin ang tanggapin na hindi niya na tutuparin lahat ng pangako niya. But don't worry mi amoré, I will still continue fighting for us.. I will rebuilt the faith that you've lost. Ako ang lalaban para sa atin.
Weekend sa mga sumunod na araw kaya walang pasok, at halos sa loob rin ng mga araw na yun ay walang oras na hindi ako nilalamon ng lungkot.
I can't help myself from overthinking. Parang dati lang nung parehas naming pinupuno ng masasayang alaala itong apartment na 'to. Tas ngayon, napaka-bilis. Ako nalang mag-isa.
I miss him every seconds. Yung taong laging kasabay ko sa pagkain pati na rin sa pag tulog ay sa iba na naninirahan. Namimiss ko na rin yung bawat gabing kinakantahan niya ako ng theme song namin ng walang mintis. I fvcking miss him and it's killing me.
Kahit sobra akong nalulungkot ay hindi ako nagpaka-lunod sa negatibidad. Mahirap man para sa akin ay bumangon ako mula sa pagkaka-higa para mag handa sa pag pasok sa university.
‘Ilalaban ko pa ang pagmamahalan namin, bawal akong maging mahina.’
Pagka-tapos kong mag handa ay lumarga na ako papunta sa school. Ngayon, mag-isa ko nalang na nilalakad ang daan papuntang university, pero isinawalang bahala ko ito. I can't let myself to be weak. Babawiin ko pa si Jao, bawal itong kahinaang nararamdaman ko.
Bago ako pumunta ng tuluyan sa university ay dumaan muna ako sa ice cream shop para bisitahin ang gin kapitan. Inaasahan ko na ang presensiya nila sa ice cream shop, pero hindi ko akalaing maabutan ko silang nag iinuman ng ganito kaaga.
“Oh, anong meron? Ba't ang aga niyong mag-inuman?” — pambungad ko na naka-pukaw ng atensiyon nilang lahat.
Pagka-silip ko sa orasan ay 8:15 palang ng umaga pero halatang may tama na silang lahat.
“Prinsesa!” — bati nila sa akin atsaka pina-upo ako sa upuang katabi nila.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Fiksi UmumSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved