Lindy's POV
Halos sabay kaming napatayo ni Jao dahil sa gulat. Ramdam ko ang unti-unting pangangatog ng kamay ko dahil sa kaba.
'Wtf! They just saw us kissing torridly! Fvck it! Bakit hindi ko agad napansin ang pag dating nila?!'
Ramdam ko ang paghahabol namin ng hininga ni Jao hindi lang dahil sa ginawa namin kanina, kundi dahil na rin sa kaba. Shit, we are planning to tell them our relationship, pero hindi ko naman akalaing sa ganitong paraan nila malalaman.
“W-what is the m-meaning of this?” — nauutal na tanong ni mama na halata parin sa mukha ang pagka-gulat.
Bigla kong nakagat ang labi ko atsaka napayuko.
'Fvck, I hate confrontations like this!'
Hindi ako sumagot at nanatili lang na naka-yuko. Pakiramdam ko para akong nilamon bigla ng lupa dahil sa pagka-hiya.
“J-jao! A-anong meron? Why are you two kissing?” — tanong ni tita Jayda na bakas rin sa boses ang pagka-gulat.
Tulad ko ay hindi rin sumagot si Jao at napayuko nalang.
'Darn naman! Sa lahat ng sitwasyon, bakit sa ganoong posisyon pa kami dapat makita?!'
“Wala ba kayong mga bibig!? Why don't you answer us?!” — halos mapa-igtad ako sa gulat dahil sa biglaang pag sigaw na iyon ni mama.
Bakas ang galit sa boses ni mama kaya naman ay pinangunahan ako ng takot at hindi nakapag-salita.
“Jusko! Ayaw niyo ba talagang magsalita?!” — naka-sigaw rin na usal ni tita Jayda. Pero tulad kanina ay hindi lang muli kami sumagot. Halos ilang segundo rin ang lumipas bago muli ito magsalita. “Jao, tara na! Umuwi na tayo!” — sigaw ni tita atsaka agad nang tumalikod at naglakad papunta sa terrace ko para maka-tawid papunta sa bahay nila.
Sumunod naman sa kanya sina Sofia at tito Orlando na halatang nagulat rin sa nangyari.
Naramdaman ko ang pag hawak ni Jao sa kamay ko kaya naman ay agad akong napalingon sa kanya.
Bakas sa mukha ni Jao ang pag-aalala dahil sa sitwasyon.
“Jao, leave.” — madiing usal ni mama dahilan para bitawan ni Jao ang kamay ko.
Wala namang nagawa si Jao kundi ang sumunod sa parents niya.
At ng tuluyan na siyang maka-alis ay halos ilang malalim na pag hinga muna ang ginawa ko bago humarap kina mama.
Pagka-lingon ko ay agad nag tagpo ang mga mata ko at ang galit na mata ni mama kaya naman ay napayuko nalang ulit ako. Nanatili namang tahimik si papa habang sa ibang direksiyon naka-tingin.
“Go to my office.” — ma-awtoridad na pag uutos ni mama atsaka agad nang lumabas sa kwarto ko.
Sumunod naman agad sa kanya si papa kaya naiwan akong mag isa. Halos mapahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba habang dahan-dahang naglalakad patungo sa office nina mama at papa na nasa loob lang rin ng aming bahay.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Художественная прозаSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved