Lindy's POV
Kalagitnaan na ng summer at feeling ko mamamatay na ako dito sa bahay sa sobrang boredom, matapos kasi yung overnight namin sa resort kung saan nakita ko si doktora na psychiatrist ay hindi na ulit yun naulit pa.
Bumaba ako mula sa aking kwarto papunta sa kusina para sana kumain ng makarinig ako ng mga boses na nag-uusap.
“But mom, I don't want to move out!” — Rinig ko sa isang tinig na pamilyar sa akin. Sumilip ako ng kaunti para makita ang mga nag-uusap. Si Sofia at si tita Solenn?
“But Sofia, you can't stay at Jao's room forever, especially that you are going to continue your studies here in the Philippines.” — sagot ni tita Solenn na sa ngayon ay naka-upo sa aming dining table habang naka-tingin kay Sofia.
Isiniksik ko ang sarili ko sa may figurine para hindi nila ako makita. Shocks, I am eavesdropping, may kung ano sa akin na gustong tumalikod na at bumalik sa aking kwarto pero parang may kung ano rin na bumubulong sa utak ko para pakinggan ang pinag-uusapan nila.
“Mom, ayokong umalis sa bahay nila Jao, I just want to stay there until I graduated!” — bulyaw ni Sofia kay tita Solenn. Napahawak naman si tita Solenn sa kanyang sintido habang umiiling-iling.
“I bought you a condo unit, ano pabang inirereklamo mo? Days from now I am going back to America, please Sofia just do what I said.” — mahinahong sambit ni tita Solenn.
“You should've asked me first before you make a move, mom!” — sigaw ni Sofia sabay padabog na ibinaba ang hawak na baso sa lamesa. Halata namang nagulat si tita Solenn sa inasal niya.
“Well, you don't have a choice but to follow my order, Sofia.” — madiing sambit ni tita Solenn sabay tayo para umalis.
Nang makita ko siyang papunta na sa direksiyon ko ay agad akong nag-tago para hindi niya ako makita.
Nanatili lang ako sa posisyon ko habang iniisip ang pag-uusap nila kanina. Bakit ayaw ni Sofia umalis sa bahay nila Jao? Hindi ba siya naiilang na yung roommate niya ay isang lalaki? Psh.
Lumabas ako mula sa pinagkakataguan ko at dumiretso sa kusina, nagulat naman ako ng makitang andoon pa pala si Sofia. Agad niya akong sinamaan ng tingin kaya naman ay agad ko ring iniwas ang tingin ko sa kanya. Kumuha na ako ng plato para sana kumuha ng pagkain ng bigla itong magsalita.
“Damn, what's with this house? Sobrang baho.” — daing nito habang iwinawagayway ang kamay nito sa kanyang ilong. Tumingin naman ako sa deriksiyon niya at inamoy ang paligid pero wala naman akong maamoy na mabaho. “Well, no wonder bigla ka kasing dumating. You stinks!” — mataray na sambit nito sabay lakad na paalis. Napakunot naman ang noo ko at inamoy ang sarili ko pero tulad ng kanina ay wala naman akong naamoy na kakaiba. Isinawalang bahala ko na lamang ito at kumain nalang.
Matapos ko kumain ay bumalik na ulit ako sa aking kwarto para sana matulog ulit ng marinig kong nag-uusap sina Sofia at Jao mula sa terrace ng kwarto ni Jao. Nag-tago naman ako sa gilid para hindi nila ako makita. Napa-sapo na lamang ako sa aking ulo ng ma-realize na nag e-eavesdrop nanaman ako sa usapan ng iba.
“Jao, my mom wants me to move out from your house. She bought me a condo na and it's now under renovation, pero don't worry kasi matatagalan pa naman bago ito maayos.” — malungkot na kwento ni Sofia kay Jao.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
