Enemy #52

537 61 4
                                    

Lindy's POV


Kinabukasan ay na-discharge rin naman ako agad sa ospital. Halos ma-shookt ako ng malamang pati pala si papa ay na confine kaya naman nagpa-iwan si mama sa ospital para bantayan muna siya samantalang nag volunteer naman si Jao na ihatid ako sa bahay.

Buong byahe ay walang nagsasalita sa aming dalawa ni halimaw, paano ba naman nagising kaming dalawa kanina na magka-hawak pala ang mga kamay, at ang masama pa doon ay nakita kami nina mama at nina tita Jayda at tito Orlando kaya naman pati sila ay na-shookt. Tsk! Akala ko kasi nung sinabi ni halimaw na babantayan niya ako ay hindi lang siya aalis sa kwarto ko. Hindi ko naman kasi akalaing hihilain niya pala yung couch at tatabi sa akin.

For all the tears na nailuha ko kay halimaw kahapon ay balak ko sanang iwasan muna siya ngayon lalo na ng mapag-tanto kong napaka-babaw pala gawing rason yung umiyak ng umiyak dahil lang sa hindi ako yung binuhat niya, pero hindi yun nangyari dahil bago ko pa man siya iwasan ay napapansin ko nang iniiwasan niya rin ako. Bakit naman kaya to umiiwas? Tss.

Napapansin kong kanina pa ay iniiwasan niyang tumingin sa mga mata ko kaya naman ay hindi ko na lamang ito pinansin. Pati pagkarating namin sa bahay ay hinatid niya lang ako sa aking kwarto at umalis na ng walang pasabi. Tss! Kung maka-iwas akala mo hindi ako iniyakan kagabi ah! Haha lol.

Medyo okay na rin ang lagay ko dahil bukod sa may pilay kong kamay at sa mga pasa sa mukha ay wala naman na akong iba pang nararamdaman sa aking katawan. At dahil wala akong magawa ay napag-desisyunan ko nalang ring mag pahinga para naman ma-regain lahat ng energy ko.

Pagka-gising ko ay naka-rinig ako ng tunog mula sa makina ng sasakyan kaya naman ay agad akong sumilip sa aking terrace na nakalimutan ko palang isirado. Agad kong nakita ang kotse nina papa na kakarating lang pati na rin ang kotse ng parents ni Jao na may kasunod na dalawang patrol car. Batid kong gumagawa na ng aksyon sina mama para mahanap yung kidnappers namin kaya ay inoobserbahan rin ngayon yung hideout na pinag-taguan sa amin. Nakita ko ring dumating sina Cloud kasama si tita Alyanna kaya napag-desisyunan kong mag-ayos at lumabas.

Pagka-baba ko sa aming hagdanan ay halos lahat sila ay napa-tigil sa kanilang ginagawa at napa-tingin sa akin. Isa-isa ko silang pinasadahan ng tingin hanggang sa umabot iyon kay Jao na kasalukuyan ay katabi si Sofia. Nagka-titigan kami ng tatlong segundo pero matapos yun ay siya rin yung unang nag iwas. Nag-kibit balikat na lamang ako atsaka lumapit na sa kanila.

“Anak, are you okay naba? May masakit paba sayo? I think you should rest muna.” — sambit ni mama atsaka lumapit sa akin. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala kaya naman ay nginitian ko nalang siya para hindi na siya gaanong ma-stress lalo na ngayong pati pala si papa ay na-ospital rin.

“Okay na ko ma.” — naka-ngiting baton ko. Napa-atras naman si mama na halatang di parin naniniwalang maayos na ang lagay ko. “Tita Alynna..” — Bati ko kay tita Alyanna atsaka bineso ito.

“Ija, are you okay naba?” — nag-aalalang tanong rin ni tita.

“Opo.”naka-ngiti ko namang baton sa kanya..

“Alam mo ba, Cloud is very worried at you.. halos hindi siya mapakali kakahanap sa inyo, and then--” — halos hindi naman natapos ang sasabihin ni tita Alyanna ng pinutol iyon ni Ulap.

“Mom..” — pag sasaway niya sa ina. Napahinto naman si tita at ngumiti atsaka umakto pa na parang nag zip ng mouth. Bigla naman akong napangiti dahil sa ka-cutan ni tita.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon