Lindy's POV
'They said, jealousy is the best measurement of love. If you get jealous real bad, it means that you are really into that person.'
Pagkatapos ng halikang nangyari sa amin ni Jao ay naging tahimik ako buong mag hapon, hindi ko ba alam pero parang nakaramdam ako ng matinding pagka-ilang sa kanya.
Hindi naman na niya ako kinulit ukol dito, siguro na rin dahil napapansin niyang hindi ko trip buksan ang topic na 'yon.
Ngayong panibagong araw ay si papa ang nag hatid sa akin sa school kaya wala nang nagawa si halimaw. Sinabihan ko nalang siya iintayin ko siya sa cafeteria tutal ay medyo maaga pa naman.
Pagkarating ko sa cafeteria ay saktong andoon si Bonnita.
"Lindy!" - naka-ngiting bati niya atsaka bineso ako.
"Hey." - bati ko sa kanya pabalik.
Tulad niya ay umorder rin ako ng makakain. Bumili ako ng pancakes at mocha iced coffee.
"Oh, kamusta yung monthsary nyo?" - tanong niya habang nasa pagitan ng pag-nguya.
Bigla naman akong napa-ngiti ng maalala ko ang ginawang pag sorpresa sa akin ni Jao, dalawang araw na ang nakaka-lipas.
Kwenento ko kay Bonnita ang lahat ng nangyari noong monthsary namin, at tulad ng typical niyang reaksiyon ay nag-titili nanaman ito dahil sa kilig.
"Oh my God! Hindi ko akalaing may ganyang sweetness pala si Jao!" - OA na usal niya habang umaaktong pinapaypayan ang sarili.
Bigla naman akong napatawa atsaka marahan siyang pinalo sa braso.
"Uy. By the way, nagawa ko na yung tatlo sa tips na binigay mo para mapa-tatag yung relasyon namin ni Jao. Hehe." - naka-ngiting usal ko.
"Talaga? Oh eh kamusta? Successful ba?" - naka-ngiting tanong niya.
"Hmm." - tumatango-tangong baton ko. "Eh kaso meron pang isang hindi ko nagagawa eh." - usal ko.
"Ano?" - tanong niya.
"Yung pag-selosin siya. " - baton ko atsaka muling sumubo ng pagkain. "Kailangan ba talagang pag selosin siya? Eh hindi ko pa kasi siya nakikitang nag selos eh, baka kung ano pa yung magawa niya at mag away lang kami." - worried kong dugtong.
"Ano kaba, ayos lang yan. Kailangan talaga minsan ng isang tao ang mag selos para naman malaman nila ang worth ng partner nila." - usal niya atsaka binigyan ako ng maka-hulugang tingin. "Sabi nga nila, maibabase ang pagmamahal ng tao sa kung gaano sila mag selos." - dugtong niya.
"Ganun ba yun?" - tanong ko atsaka napa-tingin pa sa taas na para bang nag-iisip.
"Oo ganun yun." - mabilis niyang baton.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Fiction généraleSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
