Enemy #62

522 62 5
                                        

Lindy's POV


"They said, falling in love is the bestest thing that could ever happen to a person.. and I bet they were all true."

(see the photo in the media.)

Pagka-tapos naming mag linis ay pinag-luto ako ni halimaw ng pagkain.

Halos ilang oras rin ang lumipas bago namin matapos linisin ang mga bahay namin, kaya naman ngayon ay napag-desisyunan kong matulog ng maaga para makapag-pahinga.

8:35 pm palang pero ramdam ko na ang matinding pagod at pangangalay sa balikat ko kaya naman matapos kong mag half bath ay plano ko na agad ang matulog.

Tatalon na sana ako sa aking kama na sobra kong na-miss ng bigla akong maka-kita ng taong naka-silip mula sa terrace ng aking kwarto.

“Halimaw?” — pag tatawag ko sa kanya habang sinisilip siya. Tsk, parang adik, may patago-tago pang nalalaman ang gag-- bebe ko.

“Ah, hehe hi lawlaw.” — usal niya atsaka tuluyan nang nag pakita.

“May kailangan kaba?” — tanong ko.

Bigla namang nag kunot ang noo ko ng makitang may dala-dala siyang isang unan.

Nang mapansin niyang naka-tingin ako sa unan niya ay niyakap niya ito atsaka nag lakad papalapit sa kama ko.

“Dito ako matutulog, lawlaw.” — sambit niya na nag palaki ng mga mata ko.

'wtf did he just say?! dito siya matutulog? Bakit?! Anong gagawin namin?! Jusko, this is too early para sa magka-relasyong isang aras palang!'

“H-hindi pwede!” — malakas na baton ko dahilan para magulat siya.

“Ha? B-bakit?” — tanong niya.

Agad naman akong umiling-iling atsaka hinila siya papalapit sa terrace ng aking kwarto.

“Bawal ka dito matulog, halimaw.” — mataray kong usal atsaka hinarangan ang pinto.

“But why?” — nalilitong tanong niya.

“H-hindi pwede.. baka kung ano ang isipin ng mga tao.” — mahinang baton ko.

“Eh wala namang tao eh.” — usal niya atsaka tinabig ang kamay ko dahilan para muli siyang maka-pasok sa aking kwarto. “Atsaka, hindi naman ito yung unang beses na natulog tayo ng magkatabi ah.” — dugtong pa niya.

Napa-kamot naman ako sa noo ko atsaka hinarap siya.

“Sige na Jao, alis na.. mag papahinga na ako.” — seryosong usal ko.

“Ayoko, dito lang ako.” — pag mamatigas niya atsaka humiga sa kama ko.

Agad namang akong napa-pikit ng mariin atsaka linapitan siya.

“Sige na mabait kong boyfriend.. alis na.” — pag pupumilit ko habang hinihila ang laylayan ng damit niya.

“Di mo ko madadala diyan Lindy.. tsk. Bakit mo ba ako pinapa-alis? Eh gusto ko nga dito matulog kasi namimiss kita.” — usal niya habang naka-tingin ng deritso sa akin.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon