(Play the featured song in the media as you read this chapter.
Title: Thinking of you
By: Katy Perry )
--
Cloud's POV
Kasalukuyan akong naka-upo sa couch na nasa gilid ng ice cream shop habang pinapanood si Lindy na kumakain... kumain nga ba? Eh halos 30 mins na ang nakaka-lipas pero hindi niya parin nagagalaw yung pagkain niya.
Mula kahapon pagka-alis namin sa bahay nila ay bigla na siyang naging tahimik. Pag kinaka-usap siya ay sumasagot siya at ngumingiti pero halatang pilit lang. Hindi ko man alam kung ano ang eksaktong nangyari matapos ko siyang iwan sa kwarto niya, alam kong may kumosyon na nangyari sa kanila ni Jao dahil bago kami umalis ay nakita ko pa si Jao na naka-dungaw mula sa veranda ng kwarto niya habang naka-tingin ng deretso kay Lindy.
Nung nakita ko si Jao kahapon, hindi ko maiwasan ang maawa. Kasi di tulad ni Lindy na walang emosyon ang makikita, Jao really looks sad.. and I pity him for that dahil all these times he is being clueless on why Lindy needs to act this way.
“Yung pagkain mo baka mapanis na.” — pambibiro ko sa kanya pero bigla akong napahawak sa ilalim ng baba ko ng hindi manlang niya nagawang lumingon.
Halatang masyado siyang lutang para mapansin ang paligid niya. Something might be bothering her.
“Yow yow yow!!”
Halos bigla kaming nagulat ni Lindy sa biglaang pag kalampag ng pintuan kasunod ng pag pasok ng mga animal. Tss.
“Prinsesa!” — Halos sabay-sabay nilang sigaw atsaka patakbong lumapit sa pwesto ni Lindy.
Kasulukuyan nila ngayong kasama si Ethan na batid ko ay sinali na nila sa grupo nilang pinamagatang ‘gin kapitan.’
“Oh! Gin Kapitan! Napadalaw kayo?” — naka-ngiting tanong ni Lindy habang naka-tingin sa apat.
“Hehe, bibisita lang kami prinsesa, atsaka may importante rin kasi kaming sasabihin.” — baton sa kanya ni Manny atsaka inilibot ang paningin sa buong ice cream shop.
At halos magulat pa siya ng makita ang presensiya ko na naka-upo lang sa isang tabi habang pinagmamasdan sila. Tumingin rin naman sa gawi ko sina Rey, Henry, at Ethan na pawang mga nagulat rin ng makita ko.
“Aba Cloud, may mga pag bisita kana palang ginagawa na lingid sa aming kaalaman ha!” — malakas na usal ni Rey na pinapa-intsik pa ang mata habang naka-tingin sa akin. Tss.
Hindi nila alam ang pagiging mag-ON namin ni Lindy at sinabihan ko rin naman si Lindy na ayaw ko iyong ipaalam sa kanila kung maari.
“Psh, eh kaysa naman magutom ang prinsesa niyo.” — pag dadahilan ko atsaka nag sindi ng sigarilyo. Agad naman silang napa-tingin kay Lindy atsaka kinamusta ito.
Habang pinag-mamasdan ko sila, lalo na si Lindy ay masasabi kong napaka-normal nito habang nakikipag-usap, pero kahit ganon ay kitang-kita ko ang pagiging trying hard niya para lang maka-ngiti at maki-sabay sa kanila.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Fiksi UmumSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
