Lindy's POV
Sunday morning. Halos malukot na ang pagmumukha ko sa kakasimangot dahil sa kawalan ng gagawin. Ano kayang pwede kong gawin? This grounded thingy is pissing my shit off.
I maybe quiet old but to tell you honestly, usong-uso parin yung “Grounded thingy” na ito kela mama at sa parents ni Jao, kaya once na mapatawan kami ng ganitong offense, wala na kaming nagagawa kundi ang sumunod.
Mama turned off the internet connection and confiscated my phone. The only thing that's left is my iPod. Aside from music, wala nang ibang interesting doon.
Napahiga nalang ako sa kama at nagpaka-wala ng malalim na hininga. iPod lang ang meron ako ngayon, so no choice ako kung hindi gamitin ito para naman maibsan kahit papano ang kalungkutan sa buhay ko.
Pagka-on ko ng ipod ko ay agad nag play ang song na Bad blood ni Taylor Swift.
Napangiti ako habang pinakikinggan ang lyrics ng kanta. If I was not mistaken, this song was written by Taylor after she had a feud with the other artist.
Napasagi bigla sa isip ko yung sitwasyon namin ni Jao.
Actually di naman talaga kami magka-away ni Jao dati eh. Simula kinder garten hanggang grade 9, kami yung mag bestfriend at laging mag kasama. Lagi kaming nakatambay sa kwarto ng bawat isa para maglaro ng PSP, tas lagi din kami nag sheshare ng mga baon naming pagkain sa school, tapos pinagtatanggol nya ako sa mga kaklase kong bully, tas pinagtatakpan nya ako kay mama pag may kasalanan ako.
Sa sobrang ganda ng friendship naming dalawa ay masasabi mong magkapatid kami sa unang tingin. Pero lahat ng yun ay nasira dahil sa pagdating ni Sofia. Kaedaran lang namin siya at anak siya ng isa pang kaibigan nila mama.
Nakakainis. Nainis ako nun kasi parang ninakaw lahat ni Sofia yung atensyon ni Jao... Parang ninakaw niya yung bestfriend ko.
Halos dalawang linggo simula nang bumisita siya sa pilipinas mula sa states ay halos silang dalawa lang yung laging magkasama. Matapos nun ay parang naging cold na sakin si Jao at hindi na niya ako pinapansin, tas ang pinaka-worst pa ay noong nagsimula na siyang ibully ako kasama si Sofia. Nakaka-lungkot lang isipin na yung isa sa mga taong pinag-tatanggol ako dati ay binabalewala na ako ngayon.
Hindi ako lumabas sa bahay noong mga panahon na iyon at nagmukmok. Noong bumalik na ulit sina Sofia sa states ay lumalapit-lapit nanaman sa akin si Jao at niyayaya akong gumala pero hindi na ako pumapayag.
At mas lalong tumindi yung away naming dalawa dahil sa isang pangyayari.
Nasa kalagitnaan palang kami nun ng school year noong grade 10 kami noong inatasan kami ng TLE teacher namin na magdala ng sewing kit at mga damit na sira para ayusin namin, tungkol sa pagtatahi kasi yung lesson namin by that time.
At dahil pagod ako pag umuuwi ay si mama ang pinag-prepare ko ng aking mga dadalhin.
Kina-umagahan ay nag madali akong pumasok dahil sa malelate na ako sa school, buong hininga kong hinabol ang oras para lang makapasok bago ang assembly dahil sa takot kong ma-detention, kaya naman nawalan na ako ng time para silipin yung mga nilagay ni mama sa plastic bag.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Ficção GeralSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
