Enemy #88

332 41 1
                                    

Lindy's POV

'The worst thing to be faced in the world is the the tragic reality that you never realized you will be facing with.’


Lumipas pa ang mga araw at ganun parin ang inaakto ni halimaw. Pero kung noon ay hindi ko maiwasang mainis dahil sa pag-iinarte niya, ngayon naman ayos na ayos na sa akin iyon! May naisip kasi akong plano at hindi ko maiwasang mag pasalamat dahil mas pinapadali ni Jao ang mga plano na naiisip ko.

Dalawang araw nalang kasi ay birthday na nina Jao at Cloud, at plano kong sorpresahin silang dalawa! Kinuntsaba ko na rin ang iba pang members ng gin kapitan para naman hindi na maging mahirap para sa akin ang pag asikaso at para sila na rin yung mag bayad sa mga gagastusin hehe.

Minarkahan ko ang July 15 sa aking maliit na kalendaryo bago pumuslit palabas sa aming apartment. Kanina pa ako nagising at nag handa para pumasok sa school pero dahil nga sa may plano ako ay aalis ako ngayon ng mag-isa!

Kasalukuyan pang naliligo si Jao ngayon at alam kong ikaka-galit niya ang hindi ko pag intay sa kanya pero hinayaan ko yun. Kailangan ko kasing maka-punta sa ice cream shop para mag ayos, doon kasi namin balak ganapin ang sorpresa.

10:00 am pa ang first subject namin ngayong araw at halos may tatlong oras pa ako para mag asikaso.

Agad akong dumeritso sa ice cream shop at nakitang naka-handa na ang lahat ng mga materials na maaari kong magamit. Wala parin ang mga gin kapitan pero imbes na abalahin sila ay sinimulan ko nang kumilos. Nakaka-hiya naman kasi kung humingi pa ako ng tulong sa kanila eh gayong sila na ang gumastos ng lahat.

Mag-isa kong dinisenyuhan ang buong lugar mula sa mga borloloys na isinasabit ko kahit saan at sa mga letter balloons ng mga pangalan nina Jao at Cloud na mag-isa ko lang rin na inihipan.

Halos hindi ko maiwasan ang mapangiti ng matapos ko agad ang pag desenyo, mas mainam na rin yun para kinabukasan ay ang mga pagkain naman ang aasikasuhin ko.

Hindi ko namalayan ang oras at nagulantang ng makitang sampung minuto nalang ang natitira para sa aming first period class. Halos hindi na 'ko magkanda-ugaga palabas ng ice cream shop at patakbo papunta sa back gate ng university para maka-abot ng tamang oras sa aming department.

Mabilis akong hiningal kaya naman ng tingnan ko ang aking orasan at nakitang late na ako ng sampung minuto ay hindi na 'ko nag abala pang tumakbo.

Halos tagaktak na ang pawis ko ng makarating ako sa aming room, hindi ko rin maiwasan ang mapa-pikit ng makitang nagsisimula nang mag turo ang prof sa harapan. Mabuti nalang talaga at naka-talikod ang prof at kasalukuyang may isinusulat sa white board dahilan para hindi nito mapansin ang pag pasok ko.

Kung naka-ligtas ako mula sa aming istriktong prof ay hindi naman ako naka-ligtas mula sa masamang titig ni Jao na tila ba hindi alintana na mahuli siya ng iba naming kaklase.

“Where the fvck have you been?” — inis at madiing bulong niya habang hindi parin ini-aalis ang paningin sa akin.

“Wala, may inasikaso lang.” — I answered, trying to sound cold para lang hindi na siya mag tanong pa.

“Tsk! Maaga kang umalis sa apartment at hindi ako inintay kaya akala ko ay nauna kanang pumasok, tapos ngayon, late ka pa?!” — gigil ulit na bulong niya na ngayon ay nag iwas na ng tingin sa akin at itinuon ang atensiyon sa harapan pero kasalukuyan paring naka-kunot ang noo.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon