Lindy's POV
Ilang araw na ang lumipas at nag simula nanaman ng pasukan. Mas naging mahirap para sa amin ni halimaw ang pag daan ng mga araw dahil kailangan naming mag tipid.
Siya ang humahawak ng budget sa lahat ng bagay samantalang ako naman ay walang magawa kundi ang sumang'ayon sa kanya. He knows what's best.
Kasalukuyan kami ngayong naglalakad ni halimaw papunta sa school. 30 minutes ang aabutin kung lalakarin ito mula sa apartment at kanina ko pa tinitiis ang hindi mag tantrums sa kanya. Ghad, I hate walking.
“Hoy fiance, kailan mo 'ko papakasalan?” — tanong ni halimaw sa akin habang nasa kasagsagan kami ng paglalakad sa kumpulan ng nagsisisikang mga tao.
“Tss.” — tanging naibaton ko.
Isang bagay na nakaka-inis kay halimaw ay nung matapos ko siyang yayaing mag pakasal, halos minu-minuto na niya akong tinatanong kung kailan ko raw ba siya papakasalan.
“Kailan nga kasi?” — pangungulit niya atsaka diniinan ang hawak sa kamay ko.
“Diba nga sabi ko pag maayos na ang lahat, tas pag naka-graduate na tayo?” — tinatamad kong baton.
Halos ilang beses na ring ganyan ang isinasagot ko sa kanya pero parang hindi siya nakukuntento.
“Matagal pa yun eh.” — pagmamaktol niya. Hindi ko nalang siya pinansin at nag patuloy na sa paglalakad.
Pag dating sa school kung saan meron pa kaming tatlumpong minuto bago mag simula ang klase ay nag pahinga muna kami ni halimaw sa mga benches malapit sa basketball hall.
Inabutan niya ako ng tubig at kinuha ko naman yun at tumungga.
“Lawlaw, kailan mo 'ko papakasalan?” — pabulong niyang tanong.
Pasimple akong napa-irap habang isinasara ang takip ng tumbler atsaka inabot iyon sa kanya.
“Pagka-graduate natin.” — tinatamad kong baton.
“Tsk, matagal pa yun eh.” — reklamo niya.
Hindi ako nag salita para hindi na humaba ang usapan namin. Nanatili lang ako na tahimik at hindi kumikibo habang nagpapahinga.
Nitong mga nakaraang araw, napapansin kong mabilis na akong hingalin. Siguro dahil na rin sa hindi na ako sanay sa nga ganitong uri ng paglalakad. Dati rati kasi ay naeensayo ko ang sarili ko dahil wala kaming ibang ginawa ni halimaw kundi ang mag habulan at mag asaran.
Sumandal ako sa bench atsaka napa-pikit, naramdaman ko naman ang pagsiksik sa akin ni halimaw dahilan para agad akong mapa-ayos ng upo at pinandilatan siya.
“Layo ka ng konti.. bawal PDA dito sa university, baka pagalitan tayo.” — bulong ko.
Agad siyang sumimangot atsaka lumayo ng 3 inches sa akin. Tsk.
“Kailan mo ba kasi ako papakasalan?” — biglang tanong nanaman niya.
“Peste Jao, isang kang peste!” — gigil kong usal. “Paulit-ulit ka ha!” — dugtong ko pa.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Narrativa generaleSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
