(Please click the featured song above as you read this chapter.
Title: Ang awit natin
By: Janine Teñoso
Ps; Gusto kong pakinggan niyo ang kantang naging inspirasyon ko sa pag sulat ng mga susunod na kabanata ng obra na ito.🥀)
-
Lindy's POV
"J-jao.." - pabulong kong sambit atsaka muling lumapit sa kanya. "Let's talk.. please.."
Halos wala na akong pake kung ano ang impresiyon na maiiwan ko sa kanila dahil sa pagmamaka-awa ko, all I want are clarifications about all these shits.
Hindi parin tumitingin sa akin si Jao pero nakita ko ang pag-iling nito na para bang hindi ito payag na mag-usap kaming dalawa.
"Jao naman.. mag-usap naman tayo kahit sandali lang.. please." - usal ko habang humihikbi. Humakbang pa ako palapit sa kanya pero agad siyang umatras dahilan para mapahinto ako. I can't take another sight of him walking away. Napaka-sakit. "S-sige na naman oh.. mag-usap tayo.. g-gusto kong malinawan halimaw." - pag-mamakaawa ko.
Hindi siya nag salita, and that's fvcking killing me.. parang hindi niya alintana ang mga pagmamaka-awa ko para lang maka-usap siya.
'B-bakit ganto? Paano niya ako nagagawang tiisin ng ganito?'
"You know what Lindy, nababaliw kana! Please stop bothering my boyfriend! Magpapahinga na kami!" - sigaw ni Sofia atsaka hinila si Jao papunta sa likuran niya.
I am now facing Sofia pero ang paningin ko ay lumalagpas lang papunta sa taong pilit niyang itinatago sa kanyang likuran.
'Boyfriend? Damn btch! That's my fiancé! Paano mo naging pag-aari ang pag-aari ko?'
"H-halimaw please.. kahit sandali lang.. nagmamaka-awa ako, mag-usap naman tayo.. pahiram lang ng kahit limang minuto ng oras mo.." - pabulong kong usal habang humihikbi.
Narinig ko ang pag singhap ng mga magulang namin dahil sa sinabi ko. I even heard my mom sobbing, pero hindi ko iyon pinansin. My mouth was trembling as my tears continue to flow.
"A-anak.. tama na.. umuwi na tayo 'nak." - my mom begged as she stepped closer to my direction. Hindi ko siya pinansin at muling tumingin kay Jao na ngayon ay naka-yuko.
"Jao please.. limang minuto lang please.. o kahit dalawang minuto nalang ayos na sakin.. mag-usap tayo parang awa mo na, wag ganto.." - paputol-putol kong usal dahil sa kakaiyak.
Nakaramdam ako bigla ng awa para sa sarili ko, but damn! Wala na akong pakialam! Masyado na akong lunod na lunod. Kailangang matapos ang gabing to ng may napapala ako.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
