Enemy #64

387 58 2
                                    

(Check out my story Behind the Skies if you love reading an extraordinary romance. Be ready to be stressed. Hehe.

Ps; check out my other stories as well.)



Lindy's POV


Halos limang araw na ang nakakalipas matapos ang date namin ni Jao, at sa loob ng limang araw na yun ay mas naging mas malambing pa siya sa akin.

Araw-araw ay ipinagluluto niya ako ng pagkain, at gabi-gabi naman ay natutulog kami sa kwarto ng bawat isa. Tulad ng naka-gawian ay lagi kaming nag momovie marathon na kinakatulugan rin naman niya.

Ngayong gabi ay sa kwarto ako ni halimaw matutulog para tapusin ang palabas na hindi namin natapos kagabi.

Kasalukuyan siyang naka-dapa sa kama habang inaasikaso ang laptop niya, samantalang ako naman ay naka-upo lang sa gilid at nanatiling pinagmamasdan siya.

“Oh lawlaw, tara na.. mag start na yung movie.” — usal niya atsaka hinawakan ako sa kamay at hinila papalapit sa kanya.

Wala naman akong choice kundi ang gayahin ang pwesto niya. Pareho na kaming naka-dapa ngayon at nakapalumbaba sa harap ng laptop.

Kasalukuyan namin ngayong tinatapos ang movie na Aladdin.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng maramdaman ko ang pag akbay sa akin ni halimaw.

“Oy halimaw, tsansing yan ha.” — usal ko.

“Pagmamahal ang tawag diyan lawlaw.” — pagtatama niya atsaka mas sumiksik pa sa akin.

Wala naman akong nagawa kundi ang hayaan siya. 7:30 pm palang at mahaba pa ang gabi.

Ipinag-patuloy namin ang panonood ng movie pero habang tumatagal ay nakakaramdam na ako ng pangangawit dahil sa balikat niyang naka-patong sa likuran ko.

“Jao, i-alis mo yung kamay mo.” — mahinang usal ko habang tutok na tutok parin sa panonood.

“No.”mabilis na baton niya habang naka-tuon rin ang atensiyon sa pinapanood.

“Sige na, i-alis mo na.” — muli kong usal.

“Bakit ba?” — tanong niya.

Agad naman akong lumingon sa kanya ng may nanliliit na mata.

“Kasi mapanis ka.” — biro ko.

Agad rin naman siyang lumingon sa akin habang naka-kunot ang noo.

“Excuse me?” — usal niya atsaka inamoy-amoy ang sarili. “Hindi naman ako mapanis ah. Kaka-half bath ko lang kaya.” — dugtong niya.

“Charot lang hehe, ayaw ko lang talaga magpa-akbay kaya i-alis mo na yung balikat mo.” — baton ko.

“Bakit, ayaw mo naba sa akin?” — biglang tanong niya dahilan para mapa-simangot ako.

'Tsk, saan naman galing yun?'

“Oo.”seryoso kunyareng baton ko.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon