Enemy #105

597 39 1
                                    


Lindy's POV 🤍


They said, beginning again is like restoring everything.. and restoring everything is like doing everything again with a little dust of memory, pain, and a lesson.’

Mabilis na lumipas ang isang linggo hanggang sa dumating na ang araw na pinaka-iintay ko. Lalabas ba si baby Matty sa ospital.

Halos hindi mag mayaw ang puso ko sa tuwa habang tinutulungan nila akong mag ayos ng gamit para sa aming pag-labas.

Ala cinco na ng hapon ng matapos at maisa-ayos na ang lahat ng aming kailangan para maka-labas tulad ng billings at iba pa.


Sigurado kabang sa apartment ka muna dederetso?” — tanong ni mama na kasalukuyan ay nasa passenger seat ng sasakyan habang binabaybay namin ang daan palayo sa ospital.

Si papa ang nag da-drive at andito naman kami ni Diana sa likurang bahagi kung saan hawak-hawak ko ang natutulog na si baby Matty.

Kanina pag labas namin ay isinuhestiyon kong sa apartment muna ako dederetso dahil andoon lahat ng gamit ni baby Matty na amin pang pinamili noon sa divisoria.

“Yes ma, doon kami mag damag.” — baton ko.

“Are you sure? Do you want us to accompany you?” — tanong ni mama na halatang hindi sang-ayon sa pag deretso ko sa apartment.

“No need ma.. pupunta naman kami sa bahay bukas eh. We will stay there. Ipapa-asikaso ko lang yung mga gamit ni baby Matty.” — sagot ko.

Ilang pag protesta pa ang ginawa ni mama pero sa huli ay wala rin siyang nagawa.

Halos isang oras rin ang binilang bago kami makarating sa apartment dahil sa trapiko, kaya naman pagkarating namin ay sumalampa ako agad sa sofa habang karga parin si baby Matty.

“Lindy, akin na si baby Matty, ilalagay ko siya sa crib.” — naka-ngiting usal ni Diana atsaka kinuha sa kamay ko si baby Matty.

Kahit pagod ay tumayo ako at sumunod sa kanya pero agad ring natigilan ng may isang bagay na mapag-tanto.

“Okay ka lang, nak?” — tanong ni mama ng mapansing natigilan ako habang naka-titig sa crib.

Hindi ako naka-sagot. Para bang biglang bumigat ang dibdib ko dahil sa lungkot. That was the crib that I personally bought for my twins.. para iyon sa kambal ko na ngayon ay iisa nalang.

The size of the crib is quiet huge because it is supposedly for two babies, pero ngayon...

“Hey 'nak, ayos ka lang? Bat nanginginig ang kamay mo?” — tanong ni mama atsaka mabilis na hinawakan ang kamay kong hindi ko namalayang nanginginig na pala.

Hindi ako sumagot at tumingin lang sa kanya, hindi ko naman naitago ang luhang tumulo sa mga mata ko dahil sa lungkot.

Halatang na-alarma si mama dahil sa biglaan kong pag-iyak kaya naman ay walang ano-ano ako nitong niyakap.

Biglang lumapit sa amin sina papa at Diana na halata ring mga nag-aalala.

“Y-yung isang anak ko m-mama..” — I mumbled as my lips trembled.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon