Lindy's POV
Tulad ng nasa plano ay 8:00 am palang papunta na kaming dalawa ni halimaw sa pinaka-malapit na mall kuno para mag-shopping.
Halos hindi ko maiwasan ang mapa-busangot dahil sa pagmamadali niya kanina pa.
“Hoy lawlaw, bat ba naka-busangot ka kanina pa?” — tanong niya habang naka-tuon parin ang atensiyon sa kalsada habang nagda-drive.
“Tsk, ang aga pa kasi para mag mall eh. Bat kaba nagmamadali? Pwede namang mamayang tanghali nalang o di kaya mamayang hapon.” — baton ko.
“Anong maaga? Hindi na maaga ang alas otso lawlaw. Atsaka time is gold kaya.” — Usal niya habang naka-ngiti. “Atsaka mahirap na no, baka maunahan tayo sa sobrang dami ng mamimili ngayon. Mahirap rin pag maabutan tayo ng traffic no.” — dugtong pa niya.
Hindi nalang ako nag ingay at inintay nalang na makarating kami sa aming pupuntahan. Halos malula pa ako sa dami ng tao ngayon sa mall na halatang nag uunahan rin sa super sale.
December 29 na at ilang araw nalang ay mag babagong taon na.
Pagka-park ni halimaw ng sasakyan niya ay hinatak na niya ako papasok sa mall. Nagmadali siyang kumuha ng cart at pumunta sa section kung nasaan ang mga utinsils.
Kumuha siya ng mga kutsara, baso, plato, mangkok, spatula, kaldero, kawali, etc. Sunod naman niyang pinuntahan ang mga section ng beddings at kumuha ng apat na unan at dalawang bedsheets. Halos napuno na ang cart namin sa mga inilagay niya kaya no choice rin ako kundi ang kumuha pa ng isang cart.
Napapansin kong sa bawat items na kinukuha niya ay may tina-type siya sa cellphone niya, at ng silipin ko ito ay nakita kong kino-compute niya lahat ng mga nagagastos namin.
“Ilan na lahat?” — tanong ko.
“2,760 palang to lahat.” — naka-ngiting baton niya.
“What? Sa sobrang dami ng kinuha mo, yan palang yung babayaran lahat?” — di maka-paniwalang usal ko.
Agad naman siyang ngumiti sa akin at tinap ang ulo ko.
“That's why you should start appreciating super sales, lawlaw.” — aniya.
Nag-kibit balikat nalang ako ng muli kaming mag-libot para bumili pa ng kakailanganin namin.
Halos lahat ata ng mga kinukuha ni halimaw ay yung mga kakailanganin namin practically gaya na rin ng mga shampoo at sabon. Bumili rin siya kanina ng maliit na kalan kaya naman ay hindi ko maiwasang mapa-ngiti dahil damang-dama ko nang ibina-bahay na nga niya talaga ako hehe.
Medyo nalilito lang ako kung saan namin ilalagay ang mga pinamili namin, eh wala nga kami halos lamesa sa inuupahan namin.
Tanghali na ng kami ay matapos kaya naman niyaya ko siyang kumain pero sabi niya ay sa bahay nalang daw kami kumain dahil dumating raw ang mga gin kapitan.
Halos pahirapan pa kami ni halimaw sa pag hahakot ng mga pinamili namin dahil bukod sa mabigat ay ilang plastic bags rin iyon kung bibilangin.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
